CHAPTER 62

69 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Hindi parin mawala ang ngiti sa aking mga labi. After ng unexpected na aminan namin ni MM, tinawag na kami ni mama para kumain..
"Mukhang ang saya ng princess namin ah!"biglang sabi ni mama. Napatingin naman ako sa kanya,
"Hehehe! Opo!"nakangiti paring sabi ko. Napailing na lang siya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. 
"Huwag kang masyadong ngumiti diyan! Baka mapunit ang labi mo"bulong naman sa akin ng kaabay ko, sino pa ba? Eh di si MM. Lumingon naman ako sa kanya at inirapan siya.
"Lakampake! Kumain ka na lang diyan!"pagtataray ko pa. Kita ko pang napangiti siya. Gwapo! Hehehe. 
"Iho! Try mo itong hipon, favorite iyan ni Alex!"rinig Kong alok ni mama Kay MM. Napatingin naman ako sa kanila, nakita kong nilalagyan na ni mama ang Plato ni MM. Oh my! Patay! Kita Kong nakangiti lang si MM, pambihira! Bago pa kainin ni MM ang hipon, ay agad ko ng inilayo ang Plato niya.
"oh! Princess! Bakit mo inalis ang Plato niya?"gulat na tanong pa ni mama. Nakatingin lang sila sa akin ni papa. Ngumiti lang ako sa kanila at bumaling Kay MM, at sinamaan siya ng tingin. Alam naman niya na bawal ito sa kanya! Siraulo ba siya? 
"Sira ka ba ha?!"may halong inis na tanong ko sa kanya.
"Princess!!"may pagbabanta na sabi ni papa. Kaya napatingin ako sa kanila.
"Sorry po Pa!Ma!"hinging paumanhin ko pa.
"Kasi naman po eh! Hindi po siya pwedeng kumain niyan! Bawal po sa kanya iyan! Allergy po kasi siya diyan!"paliwanag ko pa. Kita ko naman nagulat sila.
"Oh my! Iho pasensiya na!"agad na sabi ni mama.
"Okay lang po iyon"sagot naman niya. Napailing na lang ako at tinawag si yaya.
"Ya! Pahingi po ng isa pang Plato!"tawag ko Kay yaya. Agad naman siyang nagdala ng isa pang Plato.
"Heto po ma'am"sabi niya sabay bigay sa akin. 
"Thank u po"nakangiti Kong sabi. Ako na ang nagserve ng pagkain ni MM. 
"Heto! Sa susunod! Huwag kang oo lang ng oo! Uso ang tumanggi! Alam mo namang ikapapahamak mo eh!"pangaral ko pa sa kanya. Pero ang loko nakangiti lang sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay..
"Oh? Bakit nakangiti ka pa diyan ha?"pagtataray ko pa. Umiling naman siya
"Wala! Hindi ko lang mapigilang mapangiti eh! Ang sweet mo kasi"nakangiti pa niyang sabi. Napangiti naman ako, pero kaagad ko din pinigilan.
"Che! Kumain ka na nga lang!"utos ko pa. Bago bumalik sa pagkain ko. Kain lang ako ng kain, ng biglang hawakan ni MM ang kamay ko.
"Oh? Bakit?"tanong ko,
"Saglit! Kahit kailan ang kalat mong kumain!"sabi pa niya sabay kuha ng panyo niya at pinunasan ang bibig ko. Nahiya naman ako, 
"Hehehe, thank you"sabi ko pa. Ngumiti lang siya, at ganun din ako sa kanya. Pero agad din kaming napaiwas ng tingin ng biglang magsalita si mama.
"Ay! Ang sweet nila sweetheart no? Naalala ko tuloy iyong kabataan natin!"sabi pa ni mama Kay papa, habang nakatingin sa amin. Nahihiyang ngumiti na lang ako 
"Sweetheart naman! Para namang sinabi mong matanda na tayo eh! Atsaka! Hanggang ngayon naman sweet parin ako sayo ah! Mas sweet pa nga ako eh! Kaysa Kay MM"sagpt naman ni papa. Pasimpleng kinurot naman ni mama si papa. Napangiti na lang ako, ito iyong isa sa pinagpapasalamat ko eh! 
"Ikaw talaga sweetheart!"natatawang sabi pa ni mama. 
"Sweet nila no?"bulong sa akin ni MM sabay hawak sa kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti.
"Oo! Kainggit!"biglang nasabi ko, napatakip naman ako sa bibig ko. Rinig ko namang natawa siya ng mahina.
"Huwag ka ng mainggit diyan! Nandito naman ako eh!"sabi pa niya. Hinampas ko naman siya ng mahina.
"Parang sira ito!"pabebeng sabi ko pa. Tumawa lang siya, tapos seryosong humarap sa akin.
"Pero seriously Alex! Gusto ko, pagtumanda na tayo tulad nila! Ganun parin tayo! Sweet parin sa isa't-isa."seryosong sabi pa niya. Parang gusto ko namang mapaiyak, at tumili at the same time. Waaahhh! Grabe na ito talaga!!!
"Bakit hindi!"nakangiting sagot ko. Ngumiti naman siya...
"Ehem!!!"tikhim naman ni papa. Kaya napabitaw kami sa isa't-isa.
"Sobrang sweet niyo talaga! Bagay na bagay talaga kayo!"sabi pa ni mama. Sabi sa inyo eh! Kaya love ko ang mama ko eh!
"Pero maiba! Princess! Ano itong nababalitaan ko na nag-artista ka daw?"biglang tanong ni papa. Napalunok naman ako, oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi sa kanila! Wooohh!!! Inhale!! Exhale!! Huwag sana silang magalit!
"Relax! Nandito ako"bulong pa sa akin ni MM habang hawak-hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako..buti na lang nandiyan siya.

-
Hello po👋😊 

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now