CHAPTER 30

113 8 1
                                    

MM'S P.O.V
Dahil sa sobrang kulit ni Alex, si Cassy na lang ang pinagmaneho ko. Buti na nga lang pala at sumama siya, dahil kung hindi naku!. Hindi ko alam kung anong trip ng babaeng ito, kung bakit siya naglasing ng ganun! Pero ang tanging masasabi ko lang hindi nakakatuwa.
"Mukhang tulog na yata siya ah"biglang sabi ni Cassy, tumingin naman ako Kay Alex, na nasa tabi ko. 
"Oo! Salamat at nakatulog din! Salamat nga pala sis ha!"sabi ko pa, ngumiti na lang naman siya. 
"Hoy! Hindi pa ako tulog no! Nakapikit lang ako!"sabi naman ni Alex sabay hampas sa akin. Ano ba iyan akala ko pa naman tulog na ito! 
"Matulog ka na!"utos ko sa kanya. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin, alam niyo guys mukha siyang sira! Sa itsura niya ngayon!
"Ayaw ko nga! Nakapikit pa nga lang ako! Lumalandi ka na diyan! At sino iyong babaeng iyon ha? Babae mo?"parang-sira talaga siya, at saan naman niya nakuha iyong mga pinagsasasabi niya? Rinig ko namang natawa si Cassy.
"Huwag kang mag-alala Alex, hindi ako babae niya! Kaibigan niya lang ako. Sayong-sayo siya"sagot naman ni Cassy na halata namang nang-aasar lang. Sakyan ba naman ang trip ng babaeng ito.
"Sigurado ka? Hindi ka niya babae? Wala kayong relasyon?"paninigurado pa ni Alex. Teka ka nga? Ano bang kabaliwan ang sumapi sa babaeng ito? At ganito makapagtanong! 
"Oo nga! Kaya wala kang dapat ipag-alala diyan"sagot ulit ni Cassy. Tiningnan ko naman ng masama si Alex,
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo ha? Pwede ba umayos ka! Kaloka kang babae ka!"bulong ko pa sa kanya. Ngumiti lang naman siya
"Nagsisigurado lang naman ako eh! Malay ko ba na babae mo pala siya! Na niloloko mo lang ako"sagot niya sa akin, kita Kong niiyak na siya. Ano ba iyan? Nagdrama pa ang baliw!
"Okay! Okay! Huwag ka ng umiyak! Matulog ka na lang! Lasing ka lang! At si Cassy? Kaibigan ko lang siya okay?"sagot ko sa kanya. Agad naman niyang pinunasan ang luha niya at ngumiti sa akin. Baliw nga siya!
"Hindi mo ako niloloko? Wala kang ibang babae?"tanong pa niya. Parang gusto kong masuka sa mga tinatanong niya. Anong mga babae? Hello bakla ako! At bakit naman ako mambababae? Yuck!!
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Bakit naman ako mambababae? Kaloka ka naman eh! Matulog ka na nga lang! Para mahimasmasan ka kahit papano"utos ko sa kanya. Pero umiling lang ulit siya, at hinawakan ang mukha ko. Ano ba naman itong babaeng ito? Lasing ba ito? O nasisiraan lang! Naku! Kapag hindi ako nakapagpigil! Ihahagis ko ito palabas ng sasakyan! Kaloka eh!
"LQ"rinig kong sabi pa ni Cassy kaya napatingin ako sa kanya, at pinandilatan siya. Isa pa ito! Alam ko kung anong nasa isip ng babaeng ito. 
"Aray!"daing ko ng bigla akong hampasin sa mukha ni Alex. At talagang sumusobra na itong babaeng ito!
"Bakit ka nanghahampas?"galit na tanong ko. 
"Eh paano! Nakatingin ka na naman sa kanya! Kausap kita pero sa iba ka nakatingin! Manloloko ka din!"galit na sabi din niya, habang pinaghahampas ako. Pambihira naman oh! Ano bang kamalasan ito? 
"Pwede ba tumigil ka diyan! Kumalma ka nga!"saway ko sa kanya. Habang hawak-hawak ang kamay niya. Sasapakin ko na ito! Konting-konti na lang.
"Manloloko ka! Sinungaling!"sigaw pa niya habang pilit na hinihila ang kamay niya sa akin.
"Ano ba Alex! Tumigil ka nga diyan! Di ba sabi ko sayo! Kaibigan ko lang si Cassy! Wala kaming relasyon!"pigil ko pa sa kanya. Huminahon naman siya! Ano ba ito? Hindi ko naman kailangang magpaliwanag eh!
"Eh bakit tingin ka ng tingin sa kanya? Siguro nagagandahan ka sa kanya no? Ayaw mo na sa akin! Kasi mas maganda siya!"tanong pa niya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Konting-konti na lang masisiraan na ako ng bait dito. Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Cassy, gusto ko naman siyang tingnan kaso baka magalit na naman itong isang ito! Hay!!
"Hindi! Okay! Mas maganda ka sa kanya! Kaya pwede ba! tumigil ka na"pagpapakalma ko pa sa kanya. Napanguso lang siya..habang nakatingin sa akin.
"Talaga? Mas maganda ako sa kanya?"tanong pa niya,
"Oo"sagot ko na lang, 
"Kaya pwede ba! Matulog ka na! Gigisingin na lang kita pamaya. Medyo traffic din kasi!"dagdag ko pa. Oh please! Naloloka na talaga ako!!
"Ayaw! Kiss mo muna ako"hirit pa niya. Nanlaki naman ang Mata ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? Ikiss ko daw siya? Eh kung ikiskiss ko ang mukha niya sa kalsada! 
"Alam mo hindi kana nakakatuwa? Kaya pwede ba umayos ka! Kanina pa ako nagtitimpi ha"bulong ko pa sa kanya. 
"Galit ka na naman! Lagi ka na lang ganyan!"parang nagtatampo pang sabi nito. Ginulo ko na lang ang buhok ko! Pambihira naman oh! Sasapakin ko na ito! Baka sakaling bumalik sa katinuan niya.
"Hindi ako galit! Ang sa akin lang! Sige na matulog ka na!"mahinahon na sabi ko sa kanya. Umiling-iling naman siya
"Ikiss mo nga muna ako"pangungulit pa nito. Naku! Sasapakin ko na talaga ito!
"Ikiss mo na kasi! Para matapos na!"natatawang sabi naman ni Cassy. Kupo! Maawa po kayo sa akin! Torture na po ito!
"Oh sabi daw niya, ikiss mo na daw ako"sabi ulit ni Alex.
"Okay! Sige na"pagsuko ko, wala naman akong choice kundi ang pumayag eh! Kainis!! Agad ko naman siyang hinalikan sa pisnge.
"Oh hayan na! Kiniss na kita!"sabi ko pa. Pero pagtingin ko sa kanya ay nakasimangot lang siya. Problema nito?
"Ayaw ko sa pisnge! Gusto ko dito"sabi pa niya sabay turo sa labi niya. Agad naman akong umiling! Naku! Ayaw ko nga! Never!
"Ayaw ko nga! Huwag ka na lang matulog! Okay na"tanggi ko pa. Rinig ko naman ang paghagalpak ng tawa ni Cassy.
"Baby naman eh! Kiss mo na ako"pangungulit pa niya. Sabay kawit ng kamay niya sa leeg ko. Dahilan para magkalapit ang mukha namin. 
"Ano ba Alex!!?"sabi ko habang pilit na inilalayo ang mukha ko sa kanya.
"Ikiss mo na daw kasi 'Baby' hahaha"pang-aasar pa ni Cassy.
"Huwag kang mag-alala may malapit naman na hospital dito. Kung sakaling mapoison ka!"dagdag pa niya. Ang sarap din batukan ng babaeng iyon eh! Sa halip na tulungan ako! Lalo pang nang-asar.
"Hoy! Hindi kaya siya malalason! Nagkiss na kaya kami"sigaw naman ni Alex Kay Cassy. Kahit hindi ko man nakikita alam Kong nagulat ito. Napatingin naman ako Kay Alex na nakatingin lang sa akin. Napansin ko naman na medyo bumaba iyong damit niya! Kaya nakikita ang bagay na hindi dapat makita.
"Ah Alex-"
"Baby!"may diin na sabi niya.
"Oo na! Okay! Baby! Ayusin mo nga iyong damit mo! Medyo bumaba eh! Nakikita iyong hindi dapat makita"sabi ko pa sa kanya. 
"Ha? Okay lang iyan! Nakita mo narin naman iyan eh!,di ba?"balewalang sabi niya. Na ikinalaki ng Mata ko..
"Oh my!!!!"sigaw pa ni Cassy, at biglang pinireno ang sasakyan.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ