CHAPTER 42

114 7 0
                                    

MM'S P.O.V 
Kaway, ngiti at paulit-ulit na pagpapasalamat, iyan lang iyong tanging ginawa namin simula ng makarating kami. Pero kahit nakakapagod lamang parin iyong kagalakan sa puso ko. Nakakataba ng puso iyong pagsupport nila. Kahit ang mga kaibigan ko sa showbiz nandito din sila. Hindi ko ineexpect na ganito kainit iyong pagtanggap nila. 
"Okay ka lang?"pabulong na tanong ko kay Alex. Kahit busy naman ako sa pagpapasalamat sa mga tao. Tinitingnan ko parin naman Sya,at kita kong pagod na Siya. Hindi ko naman siya masisisi kasi hindi naman siya sanay dito. 
"Medyo pagod Lang"sagot naman niya. Ngumiti naman ako sa Kanya
"Gusto mong uminom? O kumain? Anong gusto mo?"pagtatanong ko pa. Umiling naman siya
"Di huwag na! Pamaya na lang, okay Lang ako"sagot pa niya.
"Sure ka?"tanong ko pa.
"Oo nga"sagot niya ulit. 
"Hi ate MM! Congrats! Sa bago mong movie"
Agad naman akong napalingon sa nagsalita. At nakita ko si Sofia kasama si Tyrone. Napatingin naman ako kay Alex, at pinisil ang kamay niya. Dahilan para tumingin siya sa akin, ngumiti naman ako sa kanya. Bago tumingin ulit kina Sofia 
"Hi Sofia! Hi din Tyrone! Thank u sa pagpunta"nakangiti Kong bati din sa kanila, sabay beso. Napadako naman ang tingin ni Sofia Kay Alex
"And you must be Alex? Right?" tanong naman niya. Tumango naman si Alex at ngumiti.
"Oh my!! Nice to meet you Alex! Napanood ko na iyong trailer. At masasabi kong ang galing mo! Tapos nakakakilig kayo ni ate MM. Bagay na bagay kayo, kung di Lang talaga bakla ito si ate MM."eksaheradang sabi pa niya, sabay yakap Kay Alex. Napansin ko naman si Tyrone na nakatingin Lang Kay Alex, mas hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kamay ni Alex. Kita ko namang napadako doon ang tingin ni Tyrone, napangiti naman ako.
"Babe! Ang sweet nilang tingnan no? Bagay na bagay sila! Sayang Lang kasi bakla si ate MM"sabi pa ni Sofia Kay Tyrone. Ngumiti Lang naman si Tyrone 
"Oo bagay sila! Kaso bakla si ate MM kaya Hindi pwede"sagot naman ni Tyrone. Nagpanting naman ang tainga ko sa narinig ko. Kita kong napangisi si Tyrone, sinusubukan mo ako ha! Tingnan natin! 
"Pero wala namang imposible di ba? Malay mo siya Lang pala ang hinihintay ko para magbago ako"sagot ko, kita kong nagulat sila sa sinabi lalong-lalo na si Alex. Agad ko namang inilapit ang mukha ko sa kanya
"Makisakay ka na Lang"bulong ko pa sa kanya, sabay akbay sa kanya. Kita ko naman iyong inis sa mukha ni Tyrone, akala mo ha!
"OMG!! So ibig sabihin ate MM, may pag-asa pa na maging lalaki ka? At magkagusto ka sa kanya?"tanong pa ni Sofia. Ngumiti naman ako, sabay halik sa pisnge ni Alex, ngumiti Lang naman si Alex.
"Oo naman! Ngayon pa nga Lang! Mukhang tinatamaan na ako sa kanya eh."sagot ko pa. Parang gusto ko namang matawa sa reaksiyon ni Tyrone..
"OMG!! Kinikilig ako"sabi pa ni Sofia.
"Tsk! Babe naman! Naniwala ka naman! Para namang Hindi mo kilala si ate MM. Alam mo naman na bakla iyan! Kaya imposibleng magkatuluyan sila. At isa pa, tingin mo naman na magugustuhan siya ni Alex?"sabi naman ni Tyrone, na halatang nang-aasar Lang. Sumusobra na ito ah! Ang sarap sapakin! Sasagot na sana ako ng magsalita si Alex
"Bakit naman Hindi? Actually Hindi naman mahirap mahalin si MM. Sa totoo nga iyan! Parang nahuhulog na ako sa kanya eh! Palagay ko gusto ko na siya"dire-diretso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Para namang natigilan ako sa sinabi niya, bakit parang may kung ano akong naramdaman?. Bakit parang kinilig ako? No! Hindi pwede ito!
"Ikaw naman BABY masyado mo akong pinapakilig!"nakangiti ko pang sabi. Sadyang diniinan ko ang 'Baby' para mas intense, hahaha. Nagulat naman ako ng bigla niyang pisilin ang ilong ko.
"Ang cute mo talaga baby! Kapag kinikikig ka"pagsakay niya pa. Lihim naman akong natawa, at tumingin sa dalawa. Si Sofia Ay kilig na kilig samantalang si Tyrone naman Ay kitang inis na inis. Hahaha! Ano ka ngayon? Buti na lang din at di masyado kapansin-pansin ang tinatayuan namin. May naisip naman akong kalokohan para lalong asarin si Tyrone. Luminga-linga muna ako at ng mapansin Kong busy ang lahat Ay lihim akong napangiti. Tumingin Muna ako Kay Tyrone bago inilapit ang mukha ko Kay Alex, at walang pasabing hinalikan ko siya sa labi. Smack Lang naman, kita Kong nagulat din si Alex sa ginawa ko Pero ngumiti Lang ako sabay bulong sa Kanya.
"That's my girl" 
Napangiti naman Siya, tumingin naman kami sa dalawa. Si Tyrone na nagpipigil ng galit samantalang si Sofia ay nakataklob ang bibig at pinipigilan ang kilig
"Oh my gosh!! Grabe!!! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa"kilig na kilig na sabi pa ni Sofia.
"Tsk! Tara na nga babe!"pikon na sabi pa ni Tyrone at hila-hila si Sofia paalis. Pagkaalis naman ng dalawa ay doon na ako tumawa.
"Buwahhh! Nakita mo iyon? Iyong mukha ni Tyrone hahaha"tawang-tawa na sabi ko pa Kay Alex. Pero napahinto naman ako sa pagtawa ng makita kong Hindi tumatawa si Alex,sa halip ay masama ang tingin sa akin.
"Bakit?"tanong ko, nagulat naman ako ng bigla niyang pingutin ang tainga ko.
"Aaaraaay!"daing ko pa.
"Ikaw! Buwesit ka! Bakit ka nanghahalik ha! Huwag mong sasabihin na para mas effective na naman!"sabi pa niya habang hawak-hawak parin ang tainga ko. Huhuhu! Bakit ang tagal kaming tawagin? Ang sakit na eh!
"Sorry na"sabi ko, binitawan naman niya ang tainga ko pero masama parin ang tingin sa akin.
"Ikaw Lang ang nakilala kong bakla na manyak! Buwesit ka!"sabi pa niya sabay hampas sa akin. 
"Grabe iyon manyak ha! Pero sorry na"pakiusap ko pa. Sabay peace sign sa kanya. Pero inirapan Lang niya ako...ang taray!! Wala naman akong ginawang masama ah! Nang hinalikan niya ako noon, Hindi naman ako nagalit ah!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now