CHAPTER 26

108 8 0
                                    

MM'S P.O.V
Ngayon ilalabas ang full trailer ng bago kong pelikula. Kaya medyo kinakabahan ako, alam niyo na sa magiging reaksiyon ng mga tao. Hindi kasi ito iyong usual na pelikulang ginagawa ko. Masyado itong kakaiba! At sigurado akong magtataka sila. Hay naku!!
"Lalim noon ah!"
Napalingon naman ako sa nagsalita, si sisteret pala. Agad akong ngumiti sa kanya, siya naman ay lumapit sa akin at umabay. Nandito ako ngayon sa dressing room ko, nakatambay lang. Hindi ko kasama si Alex, day off niya ngayon. Kaya wala siya, pinuntahan niya ang mga barkada niya, may lakad yata sila.
"Anong problema natin sis?"tanong pa niya. Umiling naman ako
"Wala! Medyo kinakabahan lang ako sa magiging reaksiyon ng tao sa bagong pelikula ko"sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Ano ka ba naman sis! Nakakasigurado akong tatangkailikin uli nila ito. Tulad ng iba mong pelikula! Kaya huwag ka ng mag-isip diyan"sabi pa niya, nginitian ko naman siya.
"Sana nga! Pero hindi ko maiwasang kabahan alam mo naman na kakaiba ito sa pelikulang ginawa ko noon"sabi ko pa.
"Huwag ka ngang nega diyan sis! Sure ako magugustuhan din nila iyon. Ako nga excited ng mapanood iyon eh! Di ba ngayon ipapalabas ang full trailer noon!?"tanong pa niya. Tumango naman ako,
"Oh my!! Wait!"tili pa niya at dali-daling kinuha ang laptop niya. Napailing na lang ako sa kanya..hay!!
"Hindi mo pa ba napapanood ang trailer?"pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Hindi pa! Kaya titingnan ko ngayon! Excited na kasi akong mapanood ito eh! Lalong-lalo na iyong partner mo"sagot naman niya. Habang lumalapit sa akin dala-dala ang laptop niya. Pinanood ko lang naman siya sa mga ginagawa niya. Kahit kailan talaga itong sisteret Kong ito!
"Wahhhhh!! Ito na!!"sigaw pa niya. Nagtaklob na lang ako ng tainga ko, ang sakit talaga sa tainga ng boses niya.
"Pwede ba huwag kang sumigaw! Maawa ka sa tainga ko"pakiusap ko pa sa kanya, dinilaan lang niya ako sabay irap. At nagfocus na siya sa panonood. 
"Baliw!"mahinang sabi ko pa. Dahil busy naman siya sa panonood, kinuha ko na lang cp ko. Nakita ko namang may message si Alex, kaya agad ko itong binuksan.
[From: xelA
Smile😊]
Napailing na lang ako ng makita ko ang text niya, isa parin itong baliw. Dahil tinatamad akong magtype, tinawagan ko na lang siya. Nakakailang ring pa lang ay kaagad na niya itong sinagot.
"Hello"sagot niya 
"Baliw!"agad na sabi ko, 
"Hala siya! Tumawag ka lang ba para asarin ako?"pagtatanong pa niya, napangiti naman ako.
"Parang ganun na nga!"nakangiti kong sagot.
"Eh di papatayin ko na pala ito!"pananakot pa niya.
"Subukan mo! Para malagot ka sa akin kapag umuwi ka pamaya"banta ko din sa kanya.
"Naman eh!! Ang bad mo! Alam mo iyon? Bakit ka nga ba napatawag ha? Wala ka bang ginagawa?"padabog na sabi pa niya, 
"Wala kasi akong magawa kaya tumawag ako sayo."sagot ko naman, naiimagine ko na ang mukha niya. Hahaha sigurado akong naaasar na siya..
"Pwes may ginagawa ako! Kaya iba na lang ang kulitin mo"pagtataray pa niya, dahilan para lalo akong matawa. Wala talaga itong takot sa akin eh!
"At ano naman ang ginagawa mo aber?"pagtatanong ko pa.
"Ma-"
"Love!! Sinong kausap mo?"rinig kong may nagsalita sa kabilang line. At hindi ko na kailangang itanong kung sino iyon, dahil kilala ko na.
"Oh siya sige na! Papatayin ko na ito! Mukhang busy ka nga eh"sabi ko pa,
"Teka-"diko na pinatapos ang sasabihin niya ng agad kong pinatay ang tawag. Buwesit! Padabog Kong ibinaba ang cp ko at tumingin kay Cassy. Nagulat naman ako ng pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin, habang pailing-iling.
"Oh! Problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?"tanong ko pa sa kanya, ngumisi naman siya.
"Wala naman! Nakakatawa ka lang kasi!"nakangiting sagot niya.
"At bakit naman?"mataray na tanong ko sa kanya.
"Eh kasi kanina pa kita pinapanood! Kita Kong nakangiti ka lang diyan! Habang may kausap ka. Tapos bigla kang napasimangot, sino ba iyang kausap mo ha?"pqg-uusisa pa niya. 
"Wala ka na dun"sagot ko na lang.
"Sino nga? Mukhang iba ang epekto niya sayo eh"pangungulit pa niya, napakunot-noo naman ako dahil sa sinabi niya.
"Anong iba ang epekto ka diyan? Baliw!!"sagot ko, natawa naman siya.
"Sino nga kasi?"pangungulit pa niya, pero hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya diyan! Tumayo na lang ako at nagkunwaring may ginagawa.
"Daya nito!"reklamo pa niya, dinilaan ko lang siya at inayos na lang ulit ang mga gamit ko. Pero natigilan naman ako ng biglang tumunog ang cp ko. Kaya dali-dali ko itong kinuha, pero mas mabilis si Cassy, dahil nakuha niya kaagad iyong cp ko.
"Ibigay mo iyan sa akin"utos ko sa kanya. Pero binelatan lang niya ako.
"Ayaw ko nga! Titingnan ko lang kung sino iyong kausap mo kanina! Atsaka may nagtext sayo oh! Wait babasahin ko!"pang-aasar pa niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. 
"Hmmm..from xela? Sino iyon?"tanong niya pa,
"Wala ka na doon! Kaya pwede ba ibigay muna sa akin iyan!"pagtataray ko pa sa kanya.
"Sabihin mo muna sa akin kung sino itong xela na ito?"sagot naman niya, ang kulit din talaga nito!
"Okay! Sasabihin ko na"pagsuko ko, ngumiti naman siya at lumapit sa akin. 
"Sino?"tanong pa niya, lumapit pa lalo ako sa kanya at kunwari ay may ibubulong. Pero hindi naman niya alam ay strategy ko lang iyon para makuha ang cp ko.
"Wala ka na doon!"nakangiting sabi ko sabay hila ng cp ko, hahahaha
"Wahhhh!! Ang daya mo!!"sigaw pa niya, tinawanan ko lang naman siya. Akala niya ha! Hahahaha!!

-
Hello po😊

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now