CHAPTER 57

111 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Mula ng mabasa nila iyong tweet ni ate MM, hindi na nila ako tinigilan. Pero hindi ko na lang sila pinansin, bahala sila. Pero aaminin ko kinikilig ako, hindi naman talaga ako galit sa kanya, nagtatampo lang. Pamaya naman din ay uuwi na ako. 
"Magtweet ka din! Sagutin mo iyong tweet niya!"pangungulit sa akin ni Lexi. 
"Ayaw ko nga! Eh di lalong nagkagulo! Baka maissue pa kami!"sagot ko.
"Hala siya! Para sabihin ko sayo! Trending na kayo nagyon pa lang!"sabi pa niya, naikinakunot ng noo ko.
"Anong trending?"tanong ko.
"Trending na kayo ngayon! Dahil sa tweet ni ate MM, inassume na ng mga tao na para sayo iyong tweet niya! Na tama naman!"sagot naman ni Lexi. Ha?
"Look oh!! #MIGLEXFTW, #MIGLEX4REAL, #MIGLEXBABY..puro kayo ang laman ng twitter ngayon!"sabi pa ni Pauline sabay pakita sa akin ng cp niya. Inirapan ko lang naman sila..at tumayo na ako..
"Bahala kayo diyan!"sabi ko pa sabay belat sa kanila. Nagpunta na lang ako sa kwarto para kunin ang cp ko na nakacharge. Agad kong binuksan ang account ko, totoo nga ang sinabi nila trending nga kami. Kaloka! Napailing na lang ako..
"Asus! Nagalit sa akin kanina sa mall, dahil baka daw makilala kami ng mga tao. Pero siya naman itong agaw eksena sa social media"reklamo ko pa. Nag-ingay narin naman siya eh! Eh di mas lalo pa nating paingayin!
"@BABYALEXmo
Pauwi na ako...baby..usap tayo😘😘😘"
Napangiti na lang ako after Kong Itweet iyon. Kung napapansin niyo iyong name namin, siya po ang may pakana noon. 
"Waaaaahhhh!!!"rinig kong tili ng dalawa sa labas, napailing na lang ako. Expected ko na iyang magiging reaction nila hahaha. Agad narin akong nag-out, tinatamad akong magbasa ng mga comments. Ready na akong umuwi...

MM'S P.O.V
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong may humahaplos sa buhok ko. Dahan-dahan kong iminulat ang Mata ko, at napangiti ako na ang mukha ni Alex ang nakita ko.
"Totoo ba ito?"biglang tanong ko, ngumiti naman siya at tumango.
"Oo! Totoo ito!"sagot niya. Agad ko naman siyang niyakap.
"Sorry!! Hindi ko gustong sigawan ka kanina!"hingingpaumanhin ko habang yakap-yakap siya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking mukha.
"Okay lang iyon! Aaminin ko nagulat ako, at nagtampo pero okay na!"nakangiting sabi niya. Yinakap ko naman siya ulit
"Sorry talaga! Huwag ka ng aalis ulit ha! Dito ka lang"sabi ko pa, ramdam Kong gumanti din siya ng yakap sa akin. Gusto ko na talaga itong babaeng ito, magalit lang siya ng konti halos hindi na ako mapalagay. Kanina ng hindi ko siya makita, abot-abot iyong takot at pag-aalala ko. Pinuntahan ko lahat ng posible niyang puntahan pero hindi ko siya nakita. Halos sabunutan ko na at sapakin ang sarili ko dahil sa nangyari. Kaya kahit alam ko na pwedeng pag-usapan at pagkaguluhan ng tao. Nagtweet parin ako, umaasa na mabasa niya ito. Kaya sobrang pasasalamat ko na nandiyo na ulit siya kayakap ko.
"Sobra mo naman akong namiss ah!"tukso pa niya sabay kalas sa pagkakayakap. Napangiti naman ako
"Oo namiss kita! Kaya huwag ka ng aalis ha"parang bata na sabi ko pa. Pinisil naman niya ang mukha ko.
"Huwag mo narin akong aawayin ha! Para hindi ako umalis"sagot naman niya. Mabilis naman akong tumango at tinaas ang kanang kamay ko
"Promise! Hindi na kita ulit aawayin! Basta dito ka lang!"sagot ko sabay hila sa kanya sa may Kama at yinakap siya.
"Siguruduhin mo lang!"may pagbabanta pang sabi niya. Tumango ulit ako at hinalikan siya sa may noo. 
"Promise!"sagot ko pa. At hinigpitan lalo ang pagkakayakap sa kanya.
"Uy! Ano ba! Sobrang higpit ah!"saway pa niya sa akin. Natawa lang naman ako
"Maganda nga iyon! Para hindi ka makawala sa akin! Para sakin ka na lang"seryosong sabi ko, napatingin naman siya sa akin..tiningnan ko rin naman siya. Nagkatitigan lang kami, napadako naman ang Mata ko sa labi niya. Parang may kung ano ang nagtulak sa akin para ilapit ang mukha ko sa kanya. 
"Alex"pabulong na sambit ko sa pangalan niya. Habang inilalapit lalo ang mukha ko sa kanya..napapikit na lang ako at....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ay SPG!!"
Biglang may tumili, kaya agad akong napalayo kay alex. 
"Sorry!"sabi ko pa, agad naman siyang tumayo. Tapos ay ngumiti sa akin, pero halata namang pilit.
"Okay lang iyon! Sige labas muna ako!"sabi pa niya at nagmamadaling lumabas. Napasabunot na lang ako sa buhok ko..
"Asar!! Ano na naman ang ginawa mo?!!"naiinis na sabi ko pa sa sarili ko. Paano ko siya haharapin nito?

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now