CHAPTER 48

109 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
"Ha? Bakit naging kasalanan ko? Wala naman akong ginawa sayo ah!"naguguluhang tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin ako ay nagpulot lang siya ng bato at ibinato ito.
"Buwesit! Kainis!!"sigaw pa niya. Nagtatakang pinanood ko lang siya. Ano ba talagang problema nito? Kanina galit na galit siya! Tapos hinila niya ako paalis, at dinala ako dito. Tapos! Ngayon naman nagwawala siya! At ako pa ang sinisisi! Aba'y matindi!
"Nakakainis! Hindi naman ako dapat nagagalit ng ganito eh! Pero bakit naiinis ako? Naiinis ako! Nabubuwesit ako!"sabi pa niya, na may kasama pang pagpapadyak.
"Uy! Ate MM! Ano bang problema mo? Bakit ka nagwawala diyan? Okay ka lang?"tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin, wala akong makitang emosyon sa mata niya. Ang hirap niyang basahin.
"Sa tingin mo okay lang ako? Hindi ba halatang hindi ako okay ha!?"sagot naman niya. Nagulat naman ako,
"Sorry"mahinang sabi ko.
"Sorry din! Naiinis lang talaga ako! Hindi ko alam kung bakit? Kung kanino ba ako naiinis? Nakakainis lang talaga!"sabi pa niya sabay upo. Umupo narin ako at tiningnan lang siya.
"Ang gulo di ba? Naiinis ako pero hindi ko alam ang dahilan. Kanina naman okay ako eh! Ang saya-saya ko pa! Pero buwesit na iyan! Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita ko ang mukha ng ex mo! Umiinit ang ulo ko! Hindi naman dapat! Kaibigan ko siya! Pero sa tuwing makikita ko siya, para na lang gusto ko siyang sapakin! Nakakainis!"naiinis na sabi pa niya. Hindi ko naman maiwsang hindi magulat dahil sa sinabi niya. 
"Hindi ko alam kung dapat ba ako mainis o hindi! Pero sa tuwing nakikita ko siya! Naalala ko iyong panloloko niya sayo! At naiinis ako sa tuwing maalala ko kung paano ka umiyak dahil sa kanya."pagpapatuloy pa niya, napangiti naman ako. At hindi ko napigilang yakapin siya..
"Salamat"bulong ko sa kanya. Ang dami na niyang nagawa para sa akin. Kaya lalo akong nagpapasalamat kasi nakilala ko siya. Isa siyang pagpapala para sa akin.
"Kaya nga nakakainis ka!"sabi pa niya, dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ha? Bakit na naman?"tanong ko ulit.
"Nakakinis ka! Kasi alam mo ng si Tyrone iyong makakapartner mo! Pumayag ka parin!"sabi pa niya habang bumabato parin ng bato.
"Hindi ko naman gusto talaga eh! Pero nahiya lang ako kay sir Joey! Nilapitan niya ako at nakiusap siya sa akin. Wala na daw silang makukuhang kapalit ni Sofia. Eh tamang-tama daw na naroon ako. Kaya ako na lang daw ang kinuha nila. Kaya sorry na! Kung pumayag ako, ng hindi muna kumokonsulta sayo"paliwanag ko. Tiningnan naman niya ako pero this time alam ko ng nagtatampo siya.
"Hindi naman ako nagagalit dahil hindi ka muna komunsulta sa akin. Nagagalit ako, kasi pumayag kang makapartner ng buwesit na lalaking iyon!"may gigil na sabi pa niya. Halatang inis na inis, medyo natatawa naman ako sa itsura niya.
"Nakakatawa ka! Alam mo iyon!?"sabi ko pa. Sinamaan naman niya ako ng tingin tapos bigla siyang tumayo. 
"Naiinis na nga ako! Tapos tinatawanan mo lang ako! Hindi mo ba alam kung gaano ako kainis at kagalit ngayon, ng dahil sayo! Hindi ko naman ex iyon! Pero buwesit na buwesit ako! Sayo siya may atraso pero bakit parang ako ang apektado"mahabang sabi pa niya. Natigil naman ako sa pagtawa.
"Sorry! Pinatatawa lang naman kita eh! Kasi halatang inis na inis ka diyan!"hinging paumanhin ko pa, sabay tayo.
"Nakakainis naman kasi talaga eh! Nakakinis iyong buwesit na ex mo! Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko iyon! Alam mo bang planado niya lahat iyon? Na sinadya niyang hindi makapunta si Sofia para ikaw ang makapartner niya!"sabi pa niya, ano raw?
"Anong ibig mong sabihin? Anong sinadya?"gulat na tanong ko.
"Oo! Sinadya niya talaga iyon! Sinadya niyang hindi makapunta si Sofia, dahil nalaman niya na makakasabay niya ang schedule ng photoshoot ko, sa kanya. At dahil alam niya na pag naroon ako, naroon ka din. Kinausap niya si sir joey na ikaw na lang ang ipalit! Para makasama ka niya! Di ba nakakaimbiyerna?"gigil na gigil na sabi sabi pa niya. Halos napanganga na lang ako sa sinabi niya, halos hindi parin magsink-in sa akin eh.
"Sigurado ka ba? Paano mo naman nalaman?"pagtatanong ko pa. Inirapan naman niya ako.
"Paano ko nalaman? Nalaman ko lang naman kasi sinabi niya mismo sa akin. Siguro sinabi niya para asarin ako! At hindi naman siya nabigo kasi naasar talaga ako. Sa mukha pa nga lang niya inis na inis na ako, tapos dagdagan pa ng mga kalokohan niya! Sinong hindi magagalit doon? Kaya nga hindi ko napigilang sapakin siya! At hindi ko pinagsisisihan iyon eh!"sabi pa niya, nanlaki naman ang Mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.
"Anong sinabi mo? Pakiulit? Sinapak mo siya?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya. 
"Oo!"proud na sabi pa niya. Napanganga na lang ako, pambihira!
"Bakit mo naman siya sinapak?"di ko maiwasang itanong.
"At bakit hindi? Dapat lang iyon sa kanya! Sa yabang niyang iyon! Kung wala nga lang kami doon sa studio! Baka nabugbog ko pa siya eh"sagot pa niya. Hinampas ko naman siya
"Anong binugbog? Ang sama mo ha! Hindi naman kailangan umabot pa doon! Hindi mo na nga siya dapat sinapak eh!"sabi ko pa.
"Bakit? Dahil naawa ka sa kanya? Ganun? Bakit naawa ba siya sayo ng niloko ka niya? Di ba hindi? Tapos ngayon ikaw pa iyong nagagalit sa akin! Kasi sinapak ko siya! Ibang klase ka din naman!"may halong inis na sabi niya sa akin. 
"Hindi naman sa nagagalit ako kasi sinapak mo siya! Kasi dapat lang iyon sa kanya. Pero hindi na naman kasi kailangang umabot pa sa sakitan eh"katwiran ko.
"Tsk, sabihin mo lang na ayaw mo siyang masaktan! Dami mo pang sinasabi! Iyon din lang naman iyon"sabi pa niya. Halatang galit siya.
"Hindi nga kasi ganun! Teka nga! Bakit ka ba nagagalit?"tanong ko.
"Paano hindi ako magagalit? Kung magreact ka ganyan! Nasa halip na magpasalamat ka kasi pinagtanggol kita! Nagalit ka pa! Ako pa iyong nagmukhang Mali!"galit na sabi pa niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Naappreciate ko iyong ginawa mo okay! Thank you! Pero sana huwag ng maulit ito! Huwag ganun!"mahinahon na sabi ko pa.
"Tsk. Ewan ko sayo"sabi niya sabay alis ng kamay ko. Napailing na lang ako, 
"Ano pa ba iyong kinagagalit mo ha?"tanong ko ulit, pero hindi niya ako pinansin. Alam niyo kung hindi ito bakla, iisipin Kong nagseselos ito! Hay ang hirap mag-assume! Ang hirap umasa.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now