CHAPTER 163

37 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Maayos na natapos ang binyag ni Baby Sofia. Agad kaming nagtuloy sa reception na inihanda ng mga kaibigan namin.
"Hi Baby! Welcome to the Christian World!!"bati ng lahat pagkarating namin. Medyo nagulat naman si Baby kaya umiyak ito. Kaya dinala ko muna siya sa loob.
"Baka naiinitan na siya sa suot niya kaya, akin na muna at papalitan ko"sabi ni Mama sa akin.
"Baka nga po!"sagot ko.
"Pero ako na po ang magpapalit sa kanya! Pagod narin po kayo eh"sabi ko pa. 
"Hindi na! Ako na! Ikaw itong pagod na pagod na! Kaya ako na ang magpapalit kay Baby para makapagpahinga ka naman"sabi ni Mama at kinuha sa akin si Sofia.
"Thank you Po Mama ha!"pasasalamat ko.
"Wala iyon! Tungkulin ko na tulungan at alalayan kayong dalawa ni MM"sagot niya. Agad naman akong yumakap sa kanya
"I love You Mama"sabi ko pa.
"Mahal na mahal din kita Princess"sagot niya. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sa kanya ng umiyak ulit si Sofia.
"Oh siya! Sige na! Bihisan ko na ito! At naiiyamot na yata talaga"natatawang sabi ni Mama bago umalis. Naupo muna naman ako sa loob. Nandoon naman sina MM at ang mga kaibigan ko para asikasuhin ang mga bisita.
"Okay ka lang?"
Napalingon naman ako sa nagtanong at mgumiti sa kanya.
"Oo, okay lang ako!"sagot ko. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako.
"Nakatapos na tayo ng binyag ni Baby!"masayang sabi kiya.
"Oo nga!"sagot ko.
"Sunod kasal naman natin!"nakangiting sabi niya sabay lingon sa akin.
"Gustong-gusto mo na talagang matali sa akin ah!"pagbibiro ko sabay pisil sa ilong niya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko
"Matagal na! Alam mo namang pangarap ko ang makasal sayo"seryosong sagot niya. Hinampas ko naman siya ng mahina
"Ikaw talaga! Kahit kailan! Ang cheesy mo!"sabi ko sa kanya. Natawa naman siya
"Ganito talaga ako! Pagdating sayo"sagot niya sabay halik sa noo ko.
"Huwag kang mag-alala! Isang buwan na lang! Kasal na natin"sabi ko sabay halik sa pisnge niya.
"At hindi na ako makapaghintay!"sagot niya sabay halik sa akin.
"Ako din! Hindi na akong makapaghintay na maging Mrs. Garcia"nakangiting sabi ko at hinalikan ulit siya, this time medyo matagal. Siya na ang pumutol
"Baka hindi ako makapagpigil! Baka mabuhat kita sa kwarto! At doon natin ito ipagpatuloy!"sabi niya. Hinampas ko naman siya. 
"Puro ka talaga kalokohan!"sabi ko.
"Kaya nga pinigilan kita eh! Kasi may nagrereact sa akin!"sagot niya. Lumayo naman ako
"Tama na nga! Baka kung saan tayo umabot!"sabi ko sa kanya.
"Tama ka! Tara na lang sa labas baka hinahanap na nila tayo"yaya niya sa akin. At nauna ng tumayo, itinaas ko naman ang kamay ko 
"Itayo mo ako"parang bata na sabi ko sa kanya. Hinila naman niya ako patayo pero hinila ko din siya papunta sa akin.
"Ikaw ha! Ang pilyo mo!"tukso niya sa akin. Ngumiti lang ako at hinigit ang damit niya para halikan siya.
"Ehem!!"
Napatigil naman kaming dalawa sa session namin at napatingin kay Mama.
"Kayo talagang dalawa, kahit saang lugar naiisingit niyo parin iyan!"sabi niya sa amin. Nakayuko lang naman ako,
"At talagang ikaw pa Alex ang nagyaya ha!"kurot niya sa akin.
"Aray po Ma!"daing ko.
"Ikaw ha! Umayos ka! Noong Una na nga hindi niyo na kami sinunod! Nauna na ang bata! Tapos hindi pa kayo kasal ganyan na naman kayo!"talak niya sa amin.
"Ma! Ang boses niyo po! Baka marinig nila tayo sa labas"sabi ko. Tiningnan naman niya ako ng masama
"Nahiya kayo sa Boses ko! Pero hindi kayo nahiya sa ginagawa niyo! Hindi niyo man lang naisip na baka may makakita sa inyo!"sabi pa ni Mama. Sabay Palo niya sa akin
"Ma! Aray po! Nag-iingat naman po kami eh!"katwiran ko pa.
"At talagang nangatwiran ka pa ha!"sabi pa ni Mama. Agad naman akong nagtatakbo palabas.
"Joke lang po!"sabi ko pa, bago lumayo

-
Hahaha

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now