CHAPTER 54

103 8 0
                                    

MM'S P.O.V
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong parang mabigat na nakadag-an sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, pero napangiti na lang ako ng mukha ni Alex ang Una kong nakita. Ang Ganda niya talaga! Ang sarap magising sa umaga kapag mukha niya iyong Una Kong makikita. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, napapangiti na lang ako. Tinamaan talaga ako sa babaeng ito! Hay kaloka!. Bigla naman siyang gumalaw, at minulat ang kanyang mga mata. Ngumiti naman ako sa kanya..
"Good morning baby"nakangiting bati ko, hinihintay ko na hampasin niya ako. Pero gulat ko ng bigla siyang ngumiti sa akin.
"Good morning din"nakangiti niyang sabi. Kaya lalong lumaki ang ngiti ko, pinisil ko naman ang mukha niya, dahilan para mapanguso siya. 
"Aray! Masakit!"reklamo niya.
"Sorry! Ang cute mo kasi"sabi ko. Akmang tatayo na siya, kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya para hindi siya makaalis.
"Uy! Ano ba! Tatayo na ako! Hindi ka ba nabibigatan?"tanong niya. Umiling naman ako
"Pamaya ka na tumayo! Ganito muna tayo, hindi ka naman mabigat eh! Nag-eenjoy pa ako"sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. Hinampas naman niya ako
"Loko ka! Dali na! Bitawan mo na ako! Baka magising iyong dalawa eh! Makita nila tayong ganito"sagot naman niya.
"Okay! Pero kiss ko muna"sabi ko sabay nguso. Sinamaan naman niya ako ng tingin 
"Sira! Huwag kang ano diyan! Nakakarami ka na! Pakawalan mo na ako! Dali na!"sagot niya sabay hampas. Nakailan na ito, kapag hindi ako nakapagpigil hahalikan ko ito, hahaha! Para-paraan lang..
"Ayaw! Kiss ko muna"hirit ko pa. Kiniss naman niya ako sa pisnge.
"Hayan! Ano okay na ba?"tanong niya, pero umiling ako
"Ayaw ko nun! Gusto ko dito"sagot ko sabay turo sa labi ko. 
"Manigas ka diyan!"sabi niya, ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kanya.
"Kapag ako nanigas dito! Naku! Sinasabi ko sayo"biro ko sa kanya. Pinaghahampas naman niya ako..
"Aray!"daing ko
"Siraulo ka kasi! Ang bastos mo!"naiinis na sabi niya, natawa naman ako.
"Anong bastos doon? Di ba ikaw naman ang may sabi na manigas ako? Inulit ko lang eh!"katwiran ko.
"Eh iba naman ang sinasabi mo eh! Kainis ka! Pakawalan mo na nga ako! Tatayo na ako!"utos pa niya. Tawa lang ako ng tawa..
"Nasaan iyong kiss ko?"tanong ko
"Kiss mo mukha mo!"pagalit na sabi niya, habang masama ang tingin sa akin. 
"Eh hindi tayo tatayo dito! Hihintayin ko na lang na manigas ako!"pang-aasar ko pa, 
"Buwesit ka! Kapag talaga ako nakawala! Patay ka sa akin!"banta pa niya habang nagpupumiglas na makatayo.
"Hay naku baby! Ang aga-aga galit ka na agad!"asar ko pa.
"Baby mo mukha mo! Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na baby, buwesit ka!"inis na sabi niya. Halatang napipikon na siya. Lihim naman akong napangiti, sana ganito na lang araw-araw no? Iyong ganito kami. 
"Okay! Sige na! Huwag ka ng magalit! Smile ka na"nakangiting sabi ko pa. Pero masama parin ang tingin niya sa akin. Hala! Napasobra yata ako, hehehe
"Uy sorry na!"pagpapacute ko pa.
"Pakawalan mo ako!"seryosong sabi niya. Kaya binitiwan ko siya. Agad naman siyang tumayo, ganun din ako. At bago siya makaalis ay niyakap ko naman siya patalikod. 
"Galit ka ba sa akin?"malungkot na tanong ko. Pero hindi siya sumasagot.
"Sorry na!"sabi ko pa, umikot naman siya paharap sa akin.
"Hindi ako galit! Natatakot ako!"sabi niya, kita ko naman ang lungkot sa Mata niya. Pero bakit?
"Natatakot saan?"nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya, pero halatang pilit
"Hehehe, wala! Kalimutan mo na!"sagot niya at naglakad na papunta sa kusina. Naiwan naman akong naguguluhan, 
'Anong ibig niyang sabihin? Saan siya natatakot?'

ALEX'S P.O.V
Nagdiretso ako sa kusina after ng eksena namin ni Ate MM. At hindi ko na napigilan na hindi maluha. Natatakot na ako! Natatakot ako na lalo akong mahulog sa kanya, dahil sa mga pinakikita niya. Tapos hindi niya ako masasalo! Gusto ko sanang mag-assume na baka nga meron na siyang nararamdaman para sa akin. Dahil nga sa mga kinikilos at ginagawa niya para sa akin. Pero sa tuwing maiisip ko na bakla siya, nawawala iyong pag-asa ko. Natigil naman ako sa pagdadrama ko ng may naramdaman akong papasok sa kusina. Agad akong naghilamos para hindi halatang umiyak ako.
"Lexi! Alam mo iyong kantang tagu-taguan?"rinig kong tanong ni Pauline, habang papasok ng kusina.
"Hindi eh! Pero laro alam ko!"sagot naman ni Lexi. Napakunot-noo naman ako, ang aga-aga ganyan ang pinag-uusapan nila.
"Ah! Iyong laro! Alam ko din iyon! May kilala nga akong dalawang tao na magaling sa larong iyon eh!"sabi naman ni Pauline. Nasa may pinto na sila, pero hindi parin sila pumapasok. Naunahan pa nga sila ni ate MM eh, nakakapasok lang at dire-diretsong lumapit sa akin.
"Anong pinag-uusapan nila?"bulong sa akin ni ate MM.
"Ewan ko!"sagot ko sa kanya.
"Talaga? Magaling silang maglaro ng Tagu-Taguan?"rinig Kong tanong ni lexi. Ang lapit nila sa isa't-isa pero kung makapag-usap akala mo ay ang layo. Daig pang may pinariringgan.
"Oo! Sobrang galing nilang maglaro ng tagu-taguan!"sagot naman ni Pauline, na may kasama pang tingin sa amin. Teka! Kami ba ang pinariringgan nila?
"Ano bang klaseng tagu-taguan ang nilalaro nila?"tanong ulit ni Lexi, na nakatingin din sa amin. Talaga naman! Itong dalawang ito!
"Ako lang ba? Ang nakakapansin na parang nagpaparinig sila?"bulong na tanong sa akin ni ate MM. 
"Hayaan mo na lang sila! Nababaliw lang ang mga iyan! Huwag mo ng pansinin"sagot ko. Agad naman akong kumuha ng tubig para uminom. Sumunod din naman si Ate MM sa akin. Akala ko tapos na ang dalawa pero ang mga baliw mas lumapit pa sa amin.
"Uy! Anong klaseng tagu-taguan?"pag-uulit ni Lexi. Buwesit talaga itong dalawang ito. At talagang nang-aasar sila eh! 
"Tagu-taguan ng feelings!! !"sagot naman ni Pauline. Dahilan para mapabuga namin ni ate MM ang iniinom namin. Tiningnan ko naman silang dalawa ng masama.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now