CHAPTER 12

115 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Sobra na akong humahanga sa mga artista ngayon! Hindi pala madali iyong ginagawa nila. Magsaulo lang ng script hindi na madali tapos samahan mo pa ng pag-acting! Hay!! Nakakailang scene palang kami pero kakapagod na. Tulad ngayon na nandito kami sa isang kalye. Dito itetake iyong isang scene sa movie kung saan aksidenteng magkikita kami.
-
(Scene:)
Naglalakad lang ako habang may malalim na iniisip. Hindi parin mawala sa isip ko si Prof. JM, hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya sa akin. Sobrang bait niya! At sobrang sweet niya sa akin. Naloloka na ako! Hindi ko alam kung mag-aassume ba ako na may gusto siya sa akin o wala! Kainis eh!! 
"Jaki!!!"rinig kong may tumawag sa akin. Dahan-dahan naman akong lumingon sa tumawag sa akin. At hindi nga ako nagkamali sa inakala ko, si Prof. JM nga.
"Sir JM"nakangiting sabi ko. Iniisip ko palang siya kanina ngayon nandito na siya sa harapan ko.
"JM na lang! Wala naman tayo sa school eh!"sabi pa niya, tumango na lang ako.
"May pupuntahan ka ba ngayon? O may gagawin?"tanong niya pa. Umiling naman ako
"Wala naman po"sagot ko
"Mabuti! yayain sana kita! Kung okay lang sayo? Atsaka huwag mo na akong i-po"sabi pa niya.
"Saan p- este saan?"tanong ko, ngumiti naman siya sa akin tapos hinawakan ang kamay ko at hinila.
"Uy! Saan mo ako dadalhin?"pagtatanong ko pa.
"Basta!"sabi pa niya, sabay hila parin sa akin. Nagpahila na lang ako...
Tumigil naman kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin.
"Asan tayo?"tanong ko pa..
"Sa isang secret place!"sagot niya.
"Bakit mo ako dinala dito?"tanong ko sa kanya.
"Para makasama kita! Na walang abala, at walang makakita sa atin."nakangiti siya sa akin habang sinasabi iyon. Lalo naman akong naguluhan! Heto na naman siya sa kakaganyan niya.
"Jm may gusto akong itanong sayo"sabi ko pa
"Ano iyon?"tanong din niya.
"Ano ito? Bakit ganyan ka? Ano bang Ibig sabihin nito kasi nalilito na ako eh!"sabi ko pa. Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kinakabahan talaga ako..
"Jaki! Alam ko na hindi tama ito! Kasi estudyante kita, tapos bawal ito. Pero hindi ko talaga kayang pigilan iyong nararamdaman ko. Unang kita ko palang sayo, pinatibok muna kaagad ang puso ko. Noon hindi ako naniniwala sa Love at first sight pero ng makita kita! Nasabi ko na lang na totoo pala iyon! Kasi unang kita ko palang sayo tinamaan na ako"nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. 
"JM"mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"Jaki! Mahal kita"sabi pa niya, nagulat naman ako pero lamang iyong kasiyahan sa puso ko.
"A-"
"Hindi mo naman kailangang sumagot eh! Handa akong maghintay Jaki, kahit gaano pa katagal"sabi pa niya, umiling naman ako, at ngumiti sa kanya. Alam Kong Mali ito! Pero bahala na! Ang mahalaga ang ngayon! Ang kami! Hinawakan ko ang mukha niya..
"Mahal din kita"nakangiting sabi ko, kita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. 
"Mahal mo din ako?"pagtatanong pa niya, tumango naman ako, nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin.
"Yes!! Mahal niya din ako!! Mahal din ako ni Jaki!!"sigaw pa niya. Tapos ibinaba niya ako at tinitigan..
"Mahal na mahal kita jaki"sabi pa niya habang palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakangiti lang ako sa kanya..
(oh my!! Bakit ang tagal icut ni direk!! Ang lapit na oh!! Don't tell me itutuloy namin ito!!)
"Cut!!!"sigaw ni direk.
-
Wooohhh!!! Buti na lang!!Nakahinga ako ng maluwag!! Sobra iyong kabog ng dibdib ko. Grabe! Ang lapit na eh, konting-konti na lang! Konting-konti na lang hihimatayin na ako!!
"Grabe ka direk!! Akala ko ay wala ka ng balak icut iyon eh!! Ako na sana ang magkukusa na icut iyon! Kaloka ka!!"talak ni Ate M.
"Kinabahan kayo no? Hahaha! Nakakatuwa kasi kayong panoorin! Ang natural lang!"sagot naman niya.
"Kayo natuwa! Eh paano naman kami? Na halos himatayin na sa eksenang iyon! Kaloka kayo!!"sabi pa niya sabay alis. Nakatingin lang naman ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Nabadtrip talaga siya..
"Hala! Nagalit si meme"sabi pa nina RC. Tapos tumingin sa akin
"Okay ka lang!?"tanong pa niya. Tumango naman ako..
"Excuse me lang po"paalam ko pa at nagtatakbo na papunta sa tent...
Naloka talaga ako sa ganap ngayon! Kinakabahan din ako! Paano kapag napanood ito ni Love. Hay naku!!! Patay ako nito!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now