CHAPTER 28

98 8 0
                                    

MM'S P.O.V
"Ano ba iyan? Wala ka bang balak na sagutin iyan!?"tanong sa akin ni Cassy. Umiling naman ako, at kinasel ko iyong tawag. Si Alex lang naman iyon! Ayaw ko siyang makausap. 
"Bakit mo pinatay? Sino ba iyon?"tanong pa niya.
"Wala lang iyon! Hindi naman importante!"sagot ko. Akala ko ay titigil na siya, pero maya-maya pa ay tumunog ulit ang cp ko. Ano ba bakit ba ang kulit nito?
"Ang kulit!"naiinis na sabi ko,
"Bakit ba kasi ayaw mong sagutin? Para tumigil na!'sabi ulit ni Cassy.
"Ayaw ko! Bahala siya!"balewalang sagot ko at kinansel ulit ang tawag. Mapapagod ka rin!
"Hay! Sino ba kasi iyon? At bakit ba ayaw mong kausapin? LQ?"tanong pa niya, agad naman akong umiling.
"Hindi ah! Hindi ko siya jowa no!"tanggi ko pa. 
"Eh kung ganun! Bakit ayaw mo siyang kausapin?"pagtatanong pa niya, bakit ba ang daming makulit sa mundo? Kakayamot eh!
"Wala nga kasi! Bakit ba ang kulit mo?"naiinis na sagot ko. Napailing na lang siya, tumayo naman ako para magpunta sa cr.
"Cr lang ako ha! Huwag mong papakialaman ang cp ko! Sinasabi ko sayo! Naku! At kapag may tumawag huwag mong sasagutin!"paalala ko sa kanya. Tumango lang siya at nagthumbs-up. Agad naman akong pumasok sa cr para umihi. Saglit lang naman ako sa Cr kasi alam kong hindi ko mapagkakatiwalaan si Cassy pagdating sa cp ko. At tama nga ang hinala ko, dahil pagkabukas ko ng pinto nakita ko siyang kinukulikot ang cp ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi talaga kita maasahan pagdating sa ganyan!"sabi ko habang lumalapit sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin habang hawak-hawak ang cp ko.
"Curious lang kasi talaga ako kungsino ba iyong tawag ng tawag sayo."sagot naman niya. Inirapan ko lang siya
"Pakialamero! Akin na nga iyang cp ko"sabi ko pa habang kinukuha ang cp ko sa kanya. Kaso inilayo niya ito sa akin.
"Sino muna si xela? Kanina pa iyon ah! Siya din iyong kausap at nagtext sayo kanina! Di ba?"tanong pa niya, 
"Wala nga lang iyon! Kaya ibigay mo na sa akin iyang cp ko! Dali na!"utos ko pa sa kanya. 
"Wala lang daw? Pero halatang apektado"hirit naman niya, iaabot na sana niya iyong cp ko pero bigla itong tumunog. Kaya hayun! Binawi niya ulit at sinagot ang tawag.
"Hello"rinig kong sagot niya, kita Kong napakunot ang noo niya sabay tingin sa akin.
"Nadito siya! Sige ibibigay ko na iyong phone"sabi pa niya sabay abot sa akin ng cp ko. Umiling naman ako sa kanya, at sinenyasan na ayaw ko.
"Emergency daw! Si Alex daw kasi-"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng bigla kong kunin iyong cp ko at sinagot ang tawag. Emergency? Teka anong nangyare?
"Hello! Si MM ito! Anyare? Anong emergency? Anong nangyari Kay Alex?"sunod-sunod na tanong ko. Rinig ko namang tumawa si Cassy,
"Hahaha! Banyan pala iyong wala lang"natatawa niyang sabi, hindi ko na lang siya pinansin.
"Hello po Ms. MM, kaibigan po ito ni Alex! Si Pauline po ito, Napatawag po ako kasi si alex po ayaw po niyang magpapapigil eh! Inom po siya ng inom eh lasing na po siya. Hindi pa naman po siya sanay uminom. Nag-aalala na po kami! Ayaw naman po niya kaming pakinggan, kaya po baka po kapag kayo ang kumausap sa kanya at papakinggan niya kayo"magalang na paliwanag pa ni Pauline. Napakunot-noo naman ako, anong problema na naman ng babaeng ito?
"Teka! Bakit naman siya naglalasing? May nangyari ba? Atsaka akala ko ba kasama niya si ano"pagtatanong ko.
"Hindi ko po alam kung bakit po siya naglalasing. Pero nadatnan po namin siya na umiiyak lang ng umiiyak kanina tapos po nagyaya na po siyang uninom"sagot naman nito. Napabuntong-hininga na lang ako
"Okay sige! Salamat! Papunta na ako diyan! Gawin niyo na lang lahat ang magagawa niyo para pigilan siya."sabi ko pa sabay end ng tawag. 
"Anyare sis?"tanong naman sa akin ni Cassy.
"Si Alex kasi! Kailangan ko siyang puntahan"sagot ko, at nagmamadaling kinuha ang bag ko.
"Sama ako"sabi pa niya, tiningnan ko lang naman siya. Pero wala na akong time pa para makipag-argue. 
"Okay! Sige Tara!"sagot ko at nagmadali ng naglakad. Mali pala takbo na pala ang ginawa ko. 
"Wait lang sis! Sobrang bilis mo naman maglakad! Takbo na eh"reklamo pa ni Cassy.
"Sumama ka pa kasi! Tapos magrereklamo ka diyan! Pasensiya ka na! Kailangan ko lang talaga magmadali"sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagkarating sa sasakyan ay kaagad akong sumakay, hinintay ko lang na makasakay si Cassy bago ko ito pinaandar.
"Sino ba iyong Alex na iyon sis? At ganyan ka mag-alala"tanong niya sa akin habang papunta kami doon.
"P.A ko siya! Siya iyong kapartner ko sa movie, remember?"sagot ko naman. 
"Ah! P.A mo! Grabe ka naman mag-alala sa kanya ah! Dinaig mo pa ang jowa eh"natatawang sabi naman niya. 
"Sira! Hindi lang naman siya basta-basta P.A ko lang! Kaibigan ko narin"dagdag ko pa. 
"Ah! Kaibigan din pala! Kaya! Okay! Parang excited na akong makilala siya! Parang may kakaiba sa kanya eh! Lalo na sa inyo"mapang-asar na sabi pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin. At nagfocus na lang sa pagdadrive...

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt