CHAPTER 52

101 9 0
                                    

ALEX'S P.O.V
After kong magpaalam kay ate MM, agad akong nagdiretso sa apartment nina Lexi at Pauline. Miss ko na sila, kaya naisipan ko na dito muna matulog. Para makipagbonding din sa kanila at the same time makapag-isip-isip. Masyado kasing magulo ang isip ko ngayong mga panahon ito. At hindi ako makakapag-isip ng mabuti kung nasa bahay ako ni ate MM at kasama siya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, kung paano? Pero isa lang ang alam ko! Litong-lito na ako! Hindi naman kasi ito pwede! Isang malaking kalokohan! Nakakinis!!
"Oh? Nagpunta ka ba dito para magdrama at tumunganga na lang?"tanong sa akin ni Lexi, na may kasama pang batok. Napahawak na lang ako sa batok ko at sinamaan siya ng tingin.
"Aray naman! Pwede namang magtanong ng hindi nangbabatok eh!"reklamo ko. Nagpeace sign lang naman ang baliw!
"So maiba! Bakit ka nagpunta dito? Huwag mong sasabihin na namiss mo kami! Kasi alam kong hindi lang talaga iyon ang dahilan"sabi naman ni Pauline, napanguso na lang ako.
"Kilala niyo nga ako"sabi ko pa.
"Siyempre! So ano nga? Anong problema?"tanong pa niya. 
"Hindi ko alam! Naguguluhan ako!"sagot ko. Sabay halumbaba. 
"Anong ibig mong sabihin? Si Tyrone na naman ba ito?"tanong pa ni Lexi. Umiling naman ako. 
"Hindi! Sana nga siya na lang eh! Pero hindi eh! Nababaliw na yata ako!!"problemadong sabi ko.
"So ano nga? Kung hindi si Tyrone, ano o sino?"tanong naman ni Pauline. Tumingin naman ako sa kanila..
"Huwag niyo akong tatawanan ha"pakiusap ko pa. Tumango naman sila
"Bakit ka naman namin tatawanan!?"tanong pa nila.
"Eh kasi baka tawanan niyo ako kapag nalaman niyo kung bakit ako nagkakaganito!"sagot ko..
"Bakit ka nga ba nagkakaganyan? Daig mo pang baliw eh!"sabi pa nila. Ginulo ko naman ang buhok ko.
"Baliw na nga yata ako eh!!"sagot ko naman.
"Ano ba talagang problema mo?"tanong pa nila.
"Si ate MM kasi!!"padabog na sabi ko. 
"Ha? Anong ginawa sayo ni ate MM?"tanong ni Pauline.
"Hindi ko alam! Basta! Ginugulo niya ako! Ginugulo niya ang isip ko! Masisiraan na yata ako ng bait dahil sa kanya!"sagot ko. Kita ko namang nagtinginan ang dalawa..tapos tumingin sa akin.
"Huwag mong sabihin na nagkakagusto ko na sa kanya?"pagtatanong pa ni Pauline. 
"Hindi ko alam!! Ewan ko! Basta ang gulo!"sagot ko na may kasama pang padyak.
"Ano bang nangyayari sa akin mga bes? Masisiraan na ako ng bait eh!"tanong ko pa.
"Hindi din namin alam! Ano bang nararamdaman mo para sa kanya?"tanong naman ni Lexi. Natigilan naman ako sa tanong niya, naalala Kong may gusto niya pala ito Kay ate MM.
"Huwag kang mag-alala! Okay lang! Crush lang iyong sa akin! Hindi naman ako umabot sa punto na kagaya mo!"sabi pa nito sabay ngiti. Ngumiti naman din ako
"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang alam ko masaya ako kapag andiyan siya! Kapag kasama ko siya. Iyong naiinis ako kapag meron siyang nilalanding ibang lalaki. Tapos kinikilig ako sa bawat ginagawa niya para sa akin. Hindi na siya mawala sa isip ko! Lagi ko na lang siyang iniisip, kahit anong gawin ko siya parin!. Minsan naiinis na ako kasi! Hindi naman dapat ko ito maramdaman para sa kanya! Palagi Kong sinasabi sa sarili ko, na hindi pwede! Bakla siya! Hindi ka niya magugustuhan! Lalaki ang gusto niya! Pero ang kulit-kulit nito (sabay tiuro sa puso ko) kaya tuloy gulong-gulo na ito ( turo sa isip ko)."mahabang sabi ko. 
"Kaya nga hindi ko na alam ang gagawin ko, litong-lito na ako! Natatakot na ako, na baka lalo akong mahulog sa kanya! Na hindi na ako makaahon pa. Kasi alam ko naman na hindi niya ako kayang saluhin, kapag nahulog ako sa kanya! Na ako lang ang masasaktan kapag pinagpatuloy ko ito. Pero anong gagawin ko? Nahihirapan na ako"pagpapatuloy ko pa. Hindi ko na mapigilang hindi mapaiyak.
"Minsan na akong nasaktan! At ayaw ko ng maulit pa iyon! Gusto ko kapag nagmahal muli ako sa tamang tao na! Pero parang napaglalaruan ako ng tadhana. Kung hindi sa lalaking manloloko! Doon naman sa bakla! Na lalaki din ang gusto! Ang saklap!"sabi ko pa, napaub-ob na lang ako.
"Bes"pagtawag nila sa akin sabay yakap.
"Alam namin na hindi madali iyang pinagdadaanan mo. Kung hindi nga lang seryoso ito! Tatawanan kita eh! Kasi dati! Madalas mo akong asarin, kung bakit crush ko siya? Eh bakla naman iyon! Pero ngayon! Na back to you ka! Ikaw naman ngayon ang problemado ng dahil sa kanya"sabi naman ni Lexi. So ano ito karma? 
"Pero bes! Huwag mong isipin na malas ka sa pag-ibig."dagdag pa niya. Napangiti naman ako, sana nga!
"Bes"pagtawag naman sa akin ni Pauline, kita Kong seryoso siya.
"Alam mo nakakatawa ka?"biglang niyang sabi, napasimangot naman ako.
"Seryoso naman bes eh!"reklamo ko. Ngumiti naman siya
"Seryoso ako bes! Nakakatawa ka! Alam mo iyon? Hindi naman kasi dapat iniiyakan amg mga bagay na iyan eh. Hindi ikaw ang unang taong nainlove sa bakla-"
"Hindi ako in love! Naguguluhan lang!"putol ko sasasabihin niya. 
"Okay! Hindi ka na inlove! Pero so iyon nga! Hindi lang ikaw ang nag-iisang tao na nagkakaganyan! Kaya pwede ba umayos ka!"sabi pa niya. Napanguso na lang ako!
"At isa pa! Ang advance mong mag-isip! Hindi pa nagsisimula ang kwento, tinatapos mo na kaagad!"dugtong pa niya. Napakunot naman ang noo ko
"Ha?"tanong ko
"Masyado mo kasing pinapangunahan ang mga pangyayari. Eh ano kung bakla si ate MM? Bakit hindi ba siya pwedeng magmahal ng babae?"tanong pa niya
"Huwag mo akong paasahin!"sabi ko sa kanya
"Hindi kita pinapaasa! Nasa sayo na iyon kung aasa ka! Ang ibig ko lang sabihin! Walang imposible sa mundo!"sagot niya.
"Alam ko naman iyon eh! Pero sadya lang talagang mahirap umasa! Lalo na sa isang bakla!"nakahalumbabang sabi ko. Natawa naman sila
"Tunay ka!"sabi pa nila.
"Pero ganun naman talaga kapag nagmahal ka! Aasa at aasa ka! Wala naman yatang nagmahal ng hindi umasa"sabi pa ni Lexi.
"Pero hanggang kailan ka aasa?"biglang tanong ko naman. 
"Hanggang sa mapagod ka na! At masabi mong ayaw mo na!"sagot naman nito.
"Atsaka bes! Ikaw na rin ang may sabi hindi ka pa inlove sa kanya. Kaya pwede pa iyang mawala o hindi kaya naman ay lumala."sabi naman ni Pauline. Napangiti na lang ako.
"Huwag mong pigilan! Kasi ikaw lang naman ang mahihirapan!"sabi pa niya. Yinakap ko naman sila.
"Salamat sa inyong dalawa"sabi ko pa. Bahala na! Tama naman sila eh! Hahayaan ko na lang kung saan ako dalhin nito!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now