CHAPTER 88

66 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanya habang hila-hila niya ako. Hanggang ngayon kasi iniisip ko parin kung bakit siya nandito. Tapos iyong ginawa niya kanina, hindi ko tuloy maiwasang isipin na bumalik na iyong alaala niya. Hay sana nga!
"Aray!"daing ko ng mabunggo ako sa likod niya. Hindi ko napansin na huminto pala siya. Agad naman akong tumingin sa kanya, teka! Bakit ang sama nitong makatingin sa akin?
"Bakit? Anong problema mo?"tanong ko. Pero inirapan lang niya ako at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Sakay!"matigas na sabi niya. Kaya agad naman akong sumunod. Mahirap na! Baka sumpungin pa ito! Halata namang may sumpong siya ngayon!
"Problema mo? Meron ka ba?"pang-aasar ko pa. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin at agad na pinaharurot ang sasakyan.
"Hoy! Teka! Dahan-dahan lang! Magpapakamatay ka ba?!!"sigaw ko sa kanya. Pero tila hindi niya ako naririnig at mas lalo paring binilisan ang pagmamaneho. Aba'y siraulo pala ito eh! Problema nito!
"Hoy! Ano ba! Sabing dahan-dahan lang eh!"sigaw ko pa sa kanya habang ang higpit ng hawak ko sa may upuan. Pero ang loko ngumiti lang! 
"Nasisiraan ka na ba ng bait ha!! Nakangiti ka pa diyan! Habang takot na takot na ako dito!!"inis na sigaw ko sa kanya. 
"Ang ingay mo!! Pwede ba! Manahimik ka! Kahit saglit lang! Mag-enjoy ka na lang"sagot niya at patuloy paring binilisan ang pagmamaneho. At talaga naman!! 
"Paano ako hindi mag-iingay!! Ay sobrang bilis mong magpatakbo ng sasakyan!!"sigaw ko sa kanya. 
"Asus! Ang KJ mo! Ang saya kaya nito!!"sagot naman niya. Ano kayang masaya dito? At ako pa pala ngayon ang KJ? Lakas ng trip!! Buwesit na baklang ito! Sarap hali-..este hampasin.
"KJ na kung KJ!!! Basta bagalan mo na iyong pagpapatakbo! Parang-awa mo na! Kung ayaw mo naman! Pababain mo na lang ako!!!"sigaw ko pa. Pero umiling lang siya 
"Ayaw ko nga! Magtiis ka!!"sagot niya at pinaharurot uli ang sasakyan. 
"Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!"tili ko. Napapikit na lang ako
'Oh Lord! Kayo na po ang bahala sa amin!'dasal ko pa sa isip ko. Nagsisisi na tuloy ako at sumama pa ako sa kanya. Ayaw ko na!!!!!!
"Para kang sira! May pagpikit pa!!"rinig kong sabi niya kaya napamulat ako. Nagulat na lang ako at nasa bahay na pala kami. Agad akong bumaling sa kanya at sinamaan siya ng tingin. 
"Buwesit ka!!"sigaw ko sa kanya! At dali-daling bumababa ng sasakyan at pumasok sa bahay.
"Hey! Sandali! Wala man lang bang thank you man lang!"sigaw niya sa akin. Lumingon naman ako sa kanya
"Thank you ng mukha mo!! Huwag mo akong kakausapin! Hindi tayo bati!!"galit na sigaw ko sa kanya. Rinig ko namang natawa siya. Buwesit!! Bahala siya! Hindi ko siya bati! Galit ako sa kanya!!
"Hala siya!!! Galit ka ba?"tanong pa niya. Ang bilis naman nito? Pero sabagay! Kabayo nga pala siya! 
"Hoy! Galit ka?"tanong niya ulit habang sinusundot ang tagiliran ko. Pero hindi ko siya pinansin. At nagdire-diretso na lang sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod din naman siya doon, bahala siya!! Hindi ko siya bati!!
"Hoy! Pansinin mo naman ako oh!!"pangungulit pa niya pero nilampasan ko lang siya. Huwag mo siyang pansinin Alex!! Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin palapit sa sa kanya.
"Ano ba! Bitiwan mo ako!!!"pagpupumiglas ko. Agad naman niya akong binitiwan. Ay! 
"Oh hayan! Ang pabebe mo naman!"sabi pa niya. Kaya agad akong humarap sa kanya habang nakapameywang pa.
"Wow!! Ako pabebe? Ang galing!!! Buwesit!!"sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya.
"Hoy! Joke lang! Masyado ka namang high blood diyan eh!!"sabi niya sabay harang sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay
"Tumabi ka diyan!"utos ko sa kanya. Umilung naman siya
"Ayaw ko! Usap muna tayo!"pagpapacute pa niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Naku Alex! Huwag kang papadala sa pagpapacute niya! Tandaan mo may atraso siya sayo!
"Kausapin mo sarili mo! Tabi nga! Pupunta na ako sa kwarto ko!!"masungit na sabi ko sabay tulak sa kanya. Medyo napalakas yata ang pagkakatulak ko kaya tumalsik siya at napatama sa dingding.
"Aray!!"sigaw niya habang hawak-hawak ang ulo niya. Nataranta naman ako at kaagad na lumapit sa kanya.
"Hala! Sorry! Ikaw naman kasi eh! Ang kulit-kulit mo! Hayan tuloy!"natatarantang sabi ko. 
"Ang sakit!!"sigaw pa niya. Kaya lalo akong natakot. Ano ba itong ginawa ko?!! 
"Alin ang masakit!!? Sabihin mo? Gusto mo ba dalhin kita sa Hospital? Tara! Dadalhin kita!"pag-aaya ko pa. Pero hindi siya umimik at nakahawak lang siya sa ulo niya. Kaya lalo akong nag-alala! 
"Baby!! Sorry!! Hindi ko naman sinasadya eh! Sorry na talaga!!"naiiyak na sabi ko pa. Inangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Seryoso lang siya...
"Sorry na baby!!"sabi ko pa
"Hahahahahahaha!!!"biglang tawa niya. Kaya napakunot ang noo ko
"Bakit ka tumatawa?"tanong ko
"Hahahaha!! Nakakatawa ka!! Kung nakita mo lang iyong mukha mo!! Siguradong matatawa ka!!hahahahha!!"natatawa niya pang sabi habang nakahawak sa kanyang tiyan. 
"Buwesit!!! Siraulo!!! Tinakot mo ako! Tapos joke lang pala!!kainis ka!!!"sigaw ko sabay tulak sa kanya. Padabog na iniwan ko naman siya, at umakyat na papuntang kwarto ko!!
"Hey! Baby!! Wait lang!!"tawag pa niya. Pero hindi ko na siya pinansin!! Bahala siya!! Galit talaga ako sa kanya!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt