CHAPTER 148

69 6 0
                                    

CHAPTER 148
MM'S P.O.V
Napapangiti na lang ako sa tuwing aalalahanin ko ang mga pinagdaanan namin ni Alex. Di ako makapaniwalang nalampasan namin ang lahat ng iyon!.
"Uy! Anong iniisip mo?"tanong sa akin ni Alex. Lumingon naman ako sa kanya, kasalukuyan kasi kaming papunta sa Hospital para sa regular check-up niya.
"Iniisip ko lang iyong mga pinagdaanan natin!"nakangiting sagot ko.
"Ah! Ang bilis ng panahon no?"tanong pa niya. Tumango naman ako
"Oo! Parang kailan lang, ng nalaman Kong buntis ka! Tapos ngayon naman malapit ka ng manganak"nakangiting sabi ko pa.
"Oo nga! Malapit na nating makita si Baby"excited na sabi niya habang hinahaplos ang tiyan niya.
"Excited na akong makita at mahawakan siya. Mamahalin at aalagaan ko siya!"sabi ko pa.
"Thank you! Huwag mo siyang pababayaan ha! Alagaan mo siya at palakihing may takot sa Diyos"bilin naman niya sa akin, dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan? Sabay natin siyang papalakihin ng may takot sa Diyos"sagot ko.
"Hehehe, sorry! Pero hindi naman natin masasabi ang pwedeng mangyari! Kaya binibilin ko siya sayo! Kaya kung ano man ang mangyari! Alam kong aalagaan mo siya at hindi pababayaan! Kahit wala na ako"sabi naman niya. Agad naman akong napailing 
"No! Huwag mong sabihin iyan! Hindi ka mawawala sa akin! Hindi ka mawawala sa amin! Hindi! Okay!"kinakabahang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero bigla akong natakot! 
"Ipangako mo iyan! Hindi ka mawawala sa amin!"utos ko pa. Tumango naman siya
"Pangako! Hindi ako mawawala sa into"nakangiting sagot niya. Inihinto ko naman ang sasakyan at agad na niyakap siya. 
"Huwag mo na ulit sasabihing mawawala ka ha! Natatakot ako!"umiiyak na sabi ko.
"Sorry"sabi pa niya at pinunasan ang luha ko. Tumango naman ako at hinalikan siya, bago pinaandar ulit ang sasakyan.
"Ahhmm...baby, daan muna tayo doon oh! May nakita lang ako"pag-aaya pa niya.
"Ha? Ano namang nakita mo? Pamaya na lang! Baka malate tayo"sagot ko sa kanya 
"Hindi iyan! Maaga pa nanan eh! Sige na! Tara na!"pilit pa niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako
"Okay! Okay! Payag na ako!"pagsuko ko.
"Yehey!!!"tuwang-tuwang sabi niya. Napailing na lang ako, atsaka ibinaling ang sasakyan. Pero biglang may dumating na humaharurot na kotse na papunta sa direksiyon namin kaya agad Kong ibinaling palayo ang sasakyan ko. Para hindi kami mabangga. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaiwas ako. At agad na chineck si Alex
"Okay ka lang Baby?"nag-aalalang tanong ko.
"O-okay....lang..ako"nauutal na sagot niya. Agad ko naman siyang niyakap
"Sorry"bulong ko, habang yakap-yakap siya.
"A-ang...baby...natin"rinig ko pang sabi niya bago siya tuluyang nawalan ng Malay.
"Hey! Baby! Wake up! Huwag mo naman akong takutin oh!"umiiyak na sabi ko. Pero wala siyang response. Nanlaki naman ang Mata ko ng makitang dinudugo siya
"No! Saglit lang baby! Papunta na tayong Hospital! Magiging okay din kayo"di magkaintindihang sabi ko. Agad Kong pinaharurot ang sasakyan ko patungo sa Hospital. Halos manlabo na ang aking paningin sa kakaiyak ko. 
'Please naman po! Huwag niyo po sana silang pabayan!! Parang-awa niyo na po"dasal ko
"Tumabi kayo diyan!! Emergency ito!!"sigaw ko, nagsitabihan naman sila. Pagkarating namin sa Hospital ay agad akong bumaba, at binuhat siya
"Tulong! Tulong!"sigaw ko. Agad naman dumating ang mga nurse para asikasuhin siya.
"Please! Iligtas niyo ang mag-ina ko"pakiusap ko pa.
"Parang-awa niyo na! Huwag niyo silang pababayaan"pagmamakaawa ko.
"Yes sir! Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin"sagot nila.
"Salamat! Maraming salamat!"pasasalamat ko pa.
"Excuse me po sir! Hanggang dito na lang po kayo"pigil pa sa akin nila. 
"Baby!!! Kayo niya! Kakayanin niyo iyan!"sigaw ko pa. Napaupo na lang ako at napahaguhol sa iyak.
"Bakit ba nangyari ito!!!"
"Please po! Huwag niyo po silang pabayaan!! Iligtas niyo po sila!!"panalangin ko pa. Iyak lang ako ng iyak, hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanila.
"Hindi ko kaya!"umaiiyak na sabi ko pa. Kinapa ko naman ang cp ko at tinawagan sina Cassy.
"Hello"sagot niya.
"Hello Cassy...si Alex...nasa..hospital siya...dinala..ko siya...dito..dinugo kasi...siya..natatakot..ako.."umiiyak na sabi ko pa.
"What?? Anong nangyari?"gulat na tanong niya.
"Pamaya ko na ikukuwento sa inyo! Basta pumunta na muna kayo dito"sagot ko bago pinatay ang tawag.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang