CHAPTER 55

117 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
After Kong bugbugin ang dalawa, (charr lang). After ng nakakalokang eksena sa apartment agad kaming nagpaalam ni ate MM. Nagdiretso muna kami sa bahay para magpalit tapos ay dumiretso kami sa simbahan. After noon, nagdiretso kami sa mall, nakasuot namin kami ng cap, at nakashades para hindi makilala. 
"Saan mo gusto pumunta?"tanong niya. 
"Maglaro tayo!"yaya ko sabay hila sa kanya. 
"Para kang bata!"sabi pa niya.
"Bata pa naman talaga ako eh! Ikaw lang naman ang matanda!"sagot ko.
"Aba! Sakit nun ah! Grabe ka!"reklamo niya. Nginitian ko lang naman siya
"Pero huwag kang mag-alala hindi naman halata na matanda ka na!"nakangiti kong sabi. Pero hindi niya ako pinansin..
"Uy! Nagtatampo si tanda este ang bata"asar ko pa. Lalo naman sumimangot siya, 
"Ewan ko sayo! Hindi tayo bati!"pagtataray pa niya at naglakad na palayo sa akin. Napangiti na lang ako habang napapailing. Bakit ko ba nagustuhan ang taong ito?
"Hoy! Huwag ka ng magalit! Bati na tayo!"sigaw ko! Sa kanya. Tumigil naman siya, at humarap sa akin
"Hindi 'hoy' ang pangalan ko! Atsaka galit ako sayo! Hindi tayo bati!"mataray na sabi pa niya at naglakad na ulit. Kaloka si bakla! Nagtampo pa! 
"Baby!! Sorry na! Bati na tayo!!"sigaw ko ulit, dahilan para mapatingin sa akin ang mga taong naglalakad sa mall. 
"Baby! Pansinin mo naman ako oh! Sorry na!"sigaw ko ulit. Lihim naman akong natatawa, buti na lang at hindi kami nakikilala ng mga tao dahil sigurado bukas na bukas trednding ito. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kahit nakasalamin siya alam kong ang sama ng tingin niya sa akin. 
"Patawarin mo na ako please! Joke lang naman iyon eh!"sabi ko pa habang nagpapacute. Naglakad naman siya palapit sa akin. Rinig ko naman ang tilian ng mga tao. 
"Anong ginagawa mo?"agad na tanong niya sa akin ng makalapit siya. Nginitian ko lang naman siya
"Nagsosorry! Galit ka sa akin eh!"patay-malisyang sagot ko.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"yamot na sabi pa niya. 
"Sorry! Alam ko naman eh! Pero ikaw kasi! Hindi mo ako pinapansin kaya wala akong maisip na paraan! Kaya hayun!"paliwanag ko pa.
"Pero mag-ingat ka naman! Paano kung nakilala nila tayo? Eh di trending na tayo ngayon!"may halong inis na sabi pa niya.
"Kaya nga sorry eh! Akala mo ba hindi ko naisip iyon! Atsaka hindi naman nila tayo nakilala ah! Masyado ka lang ano diyan!"naiinis narin na sagot ko.
"Masyadong ano? O.A? Kung o.a ako ano ikaw? Ang hirap sayo akala mo laro lang ang lahat! Hindi ka nag-iingat!"medyo pasigaw na sabi pa niya. Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya. Napangiti na lang ako ng mapait at tiningnan siya.
"Sorry ha! Sorry kung hindi ako nag-iingat! Pasensiya ka na! Huwag kang mag-alala sa susunod! Tatandaan ko na!"sarkastikong sabi ko. Tuluyan namang bumagsak ang mga luha ko. Kainis! Bakit ba ang iyakin ko.
"Alex"mahinang sambit niya sa pangalan ko. Pero nilagpasan ko lang siya at hindi na pinansin. Rinig ko pa iyong bulungan ng mga tao, pero nagdire-diretsolang ako. Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo palabas ng mall.

MM'S P.O.V
Nakakainis!! Nakakabuwesit!! Bakit ko ba nasabi iyon!!!! Hindi naman kasi talaga ako nagtatampo sa kanya eh! Nang sinabihan niya akong matanda. Nagkukunwari lang ako, para suyuin niya ako. Pero hindi ko inaasahan iyong ginawa niya. Naunahan ako ng takot na baka makilala kami ng mga tao, kaya sa halip na matuwa ay nainis ako. Hindi ko naman gustong pagsalitaan siya ng ganun! Kaya nakakainis!! Bakit ko ba nagawa iyon! Pinaiyak ko siya!! Buwesit!!. Rinig ko iyong mga bulungan ng mga tao, pero wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay maubutan ko si Alex. Pero nawala na siya sa paningin ko, ng magsabay-sabay ang mga tao. Agad ko siyang tinawagan pero pinapatay niya. 
"Kainis!!! Ang sarap mong sapakin MM!"sabi ko pa sa sarili ko. Dali-dali akong lumabas at nagdiretso sa sasakyan ko. Palinga-linga ako baka sakaling makita ko siya pero hindi! 
"Aaaahhhhh!!!"sigaw ko habang nagpapadyak at pinagpapalo ang manubela. Naiinis ako sa sarili ko, pinaiyak ko siya!. Agad Kong pinaandar ang sasakyan ko at nagdiretso sa bahay. Agad ko siyang hinanap pagkadating ko.
"Alex!!"tawag ko sa kanya habang hinahanap siya. 
"Alex! Sorry na!! Hindi ko sinasadya!"sigaw ko pa. Pero hindi siya sumasagot. Agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya nagbabakasakaling nandoon siya. Pero wala! Nasaan na ba siya?
"Alex!! Please naman oh! Mag-usap tayo!"pakiusap ko pa habang nililibot ang buong bahay. Pero walang Alex akong nakita.. 
"Nasaan ka na ba? Sorry na!!"umiiyak na sabi ko. Sinubukan ko ulit tawagan siya pero hindi siya sumasagot. 
"Buwesit!!!"naiinis na sabi ko at hinagis ang cp ko. 
'Aaarrrggghhh'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant