CHAPTER 140

56 7 0
                                    

MM'S P.O.V
Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Nakahiga lang habang nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko. 
"Baby"tawag ko sa kanya.
"Hmmmm?"sagot niya.
"Gusto ko lang itanong, kung anong gusto mong gender ng magiging anak natin?"tanong ko. Bumangon naman siya at umayos ng upo
"Ikaw? Anong gusto mo?"balik na tanong niya sa akin.
"Gusto ko sana lalaki"sagot ko.
"Eh ikaw?"tanong ko sa kanya. Nag-isip naman siya
"Gusto ko sana babae, pero kung anong ibigay! Okay lang! Mamahalin ko parin siya"sagot niya. Ngumiti naman ako
"Ako din! Babae man siya o lalaki! Okay lang! Tatanggapin ko siya ng buong-buo! At mamahalin ng lubos"sabi ko naman. Naupo naman ako ng ayos, at ipinatong ang kamay ko sa tiyan niya.
"Hi Baby!! Si Daddy ito! Bilisan mo ang paglaki ha! Para makasama ka na namin ni mommy mo"kausap ko pa kay baby sa tiyan niya.
"Oo nga baby! Excited na sobra si Mommy at Daddy! Kaya bilisan mo ang paglaki ha! Para makalaro ka na namin"sabi naman ni Alex. Hinalikan ko naman ang tiyan niya saka tumingin kay Alex.
"Thank you"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Para saan?"tanong niya. Hinawakan ko naman ang mukha niya at pinaglapat ang noo namin
"Kasi dumating ka sa buhay ko, tapos tinupad mo ang pangarap ko na magkaroon ng sarili Kong pamilya"nakangiting sagot ko. Napangiti naman siya
"Thank you din"sabi niya
"Para saan naman?"tanong ko din. 
"Kasi nandiyan ka!"sagot niya sabay hawak sa mukha ko sabay smack kiss sa akin. Napangiti na lang ako
"Ikaw ha! Para-paraan ka na naman!"tukso ko
"Gumanti ka na lang!"sagot naman niya. Natawa naman ako
"Ikaw ha! Hindi ka na pahard to get ngayon! Bet na bet na din eh!"tukso ko pa. Pinalo naman niya ako
"Sira! Bakit ayaw mo ba? Eh di huwag!"sagot naman niya. 
"Ay! Hindi sa ganun! Siyempre gustong-gusto ko! Ano ka ba!"sagot ko kaagad. 
"Hindi! Sabi mo ay ayaw mo eh! Kaya huwag na!"sabi naman niya at nahiga na. Agad naman akong lumapit sa kanya ay niyugyog siya
"Uy! Baby! Huwag naman ganun! Wala namang bawian!"pangungulit ko pa.
"No! Hindi na! Ayaw mo eh!"sagot naman niya. Umiling naman ako kahit hindi niya nakikita.
"Hindi ah! Gustong-gusto ko kaya"sabi ko pa. Saka hinarap siya sa akin
"Hindi halata!"sabi pa niya. Napangiti naman ako
"Gusto mo bang patunayan ko na gusto ko?"nakangitingtanong ko.
"Huwag na!"sagot naman niya.
"Bakit naman? Sige na! Patunayan ko sayo"nakangising sabi ko pa saka inilapit ang mukha ko sa kanya. Napangiti naman siya
"Huwag na nga!"sabi pa niya. Saka tumagilid ulit
"Uy! Huwag kang ganyan baby sa akin!"pangungulit ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo.
"Baby naman! Sige ka! Iiyak ako dito!!"pananakot ko sa kanya.
"Eh di umiyak ka!"sagot naman niya. Nagkunwari naman akong umiiyak
"Huhuhuhu!!"pag-arte ko pa.
"Asus!!! Di ka talaga umiiyak!! Alam ko!"sabi pa niya. Kaya mas lalo ko pang ginalingan sa pag-arte. Sayang naman ang pagiging artista ko kung hindi ko siya mapapaniwala.
"Huhuhuhuhu"pag-iyak ko pa. Umub-ob naman ako at kunwari ay umiiyak talaga. Pasimple ko naman siyang sinisilip, nakita ko naman na tumingin siya sa akin
"Huhuhuhuhuhu!!!"pag-iyak ko pa
"Baby..."tawag niya sa akin. Mas nilakasan ko naman ang pag-iyak ko
"Huhuhuhuhu!!"pagkukunwari ko pa.
"Baby...joke lang naman iyon eh!!"sabi pa niya sa akin. Pero lalo lang akong umiyak
"Uy! Baby! Sorry na!!"yugyog pa niya sa akin. Napangiti naman ako at nakangiting tumingin sa kanya
"Huli ka!"nakangiting sabi ko pa saka hinawakan siya at agad na inihiga.
"Waahhhhh!! Madaya ka!!"sabi pa niya sabay hampas sa akin. Ngumiti lang naman ako at inilapit ang mukha ko sa kanya
"I love you"sabi ko pa. Ngumiti naman siya
"I love you too"sagot niya. Agad ko naman siyang hinalikan.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora