CHAPTER 151

50 6 0
                                    

CHAPTER 151
ALEX'S P.O.V
Gusto ko sanang matawa sa sobrang pag-aalaga sa akin ni MM. Ulitimo pagpunta sa cr gusto kasama siya. Ayaw daw niya kasi na mawala ako sa paningin niya kahit isang Segundo lang! Di ba ang O.A na niya?
"Baby!!!okay ka lang ba?"
Hayan na naman po tayo!! Hay naku!
"Oo okay lang ako! Palabas na ako! Wait lang!"sagot ko.
"Sabi ko naman sayo eh! Sasamahan na lang kita diyan sa loob!"sabi pa niya. Napailing na lang ako! Kaloka siya! Agad na akong lumabas at nakita ko siyang nakapameywang habang pumapadyak-padyak sa labas. Natawa na lang ako sa itsura niya. Dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Okay ka lang ha? Wala bang masakit sayo? Bakit ang tagal mo sa loob? Ma-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng takpan ko ang bibig niya. 
"Okay lang ako! Kaya relax ka lang diyan okay!"sagot ko. At naglakad na ako papunta sa Kama. 
"Hey! Alalayan na kita! Gusto mo buhatin na kita? Baka magdugo pa ang sugat mo diyan eh!"sabi pa niya. 
"No! Kaya ko na! Kaya huwag kang mag-alala diyan! Okay lang ako!"sagot ko pa. Huminga naman siya ng malalim. 
"Okay! Sorry kung masyado akong nag-aalala sayo! Ayaw ko lang kasi na mawala ka sa paningin ko kahit saglit lang! Ayaw ko kasi na mapahamak ka na naman tapos wala ako! Ayaw ko na uling maramdaman na wala akong magawa! Iyong naghihintay lang ng sasabihin ng doktor habang kayong dalawa ay nag-aagaw buhay! Ayaw ko na nun! Kaya hangga't kaya ko babantayan ko kayo! Para masigirado Kong okay lang kayo"umiiyak na sabi pa niya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Shhhh....okay na ako! Okay na kami ni Baby! Kaya wala ka ng dapat ikatakot pa! At hindi ako naiinis kung sobrang nag-aalala ka! Sa halip pa nga ay ang saya ko kasi! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo! Kaya huwag ka ng umiyak diyan oh! Please baby"umiiyak na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at pinunansan ang luha ko
"Mahal na mahal kita"sabi pa niya. Kaya ngumiti na lang ako at hinalkan siya
"Mahal na mahal din kita sobra!"sabi ko pa. At muli siyang niyakap,
"Tara na! Mahiga ka na! At baka mabinat ka pa! Hindi ka pa masyadong maayos! Kaya magpahinga ka na muna!"sabi pa niya. Kaya tumango na lang ako at hinayaan siyang alalayan ako hanggang sa makahiga ako ng ayos 
"Thank you"sabi ko pa. Ngumiti lang naman siya at hinalkan ako sa noo ko. 
"Pamaya pala, dadalhin na dito si Baby! Kaya magpahinga ka na ng husto para may lakas ka!"sabi pa niya
"Excited na akong makita siya! Gusto ko na siyang mabuhat! Mahalikan! At masilayan ang mukha niya."nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ako din! Halos kamukhang-kamukha mo siya, pero sabi nila kamukha ko daw! Pero ikaw ang Una Kong naalala ng makita ko siya"nakangiting sabi naman niya. Kaya lalo akong naexcite na makita ang baby namin. 
"Lalo tuloy akong naexcite na makita ang princesa natin!"excited na sabi ko pa.
"Huwag kang mag-alala! Pamaya lang makikita at mabubuhat mo na siya!"sabi niya pa.
"Teka lang! Nasaan nga pala sina mama?"tanong ko sa kanya. Since na gumising ako, hindi ko pa sila nakikita, nasaan sila?
"Hay naku! Kung sila ang tinatanong mo? Nandoon lang naman sila kay baby! Hindi na sila umalis doon! Simula ng mailagay si baby doon! Natatakot na nga ako! Baka kapag nauwi na natin si baby sa bahay! Hindi natin siya mahawakan! Baka doon na din tumira ang mga iyan!"sabi niya. Kaya hindi ko napigilang hindi matawa. 
"Sira! Natutuwa lang sila sa baby natin kaya ganun!"sabi ko sa kanya.
"Okay lang kung natutuwa sila! Ang kaso! Ayaw na nilang iwanan! Parang gusto na nilang iuwi eh!"reklamo pa niya.
"Hayaan mo na! Sabik lang sila sa bata!"sabi ko pa.
"Ano pa nga ba! Buti na lang kinausap ko ang nurse kanina! Na kapag dinala nila dito si baby ay palihim para di sila makahalata! Para masolo natin ang anak natin!"sabi pa niya. Dahilan para hampasin ko siya.
"Loko ka talaga kahit kailan! Sigurado akong maloloko sila kapag nalaman nilang nawawala si baby!"natatawang sabi ko.
"Hayaan mo sila! Para magmukha silang baliw kakahanap kay baby! Hihingi na lang ako ng copy ng CCTV para makita ko ang itsura nila"tumatawang sagot naman niya.
"Loko ka talaga! Patay ka na naman sa mga iyon!"sabi ko pa.
"Hayaan mo! Ipakita ko lang si baby! Kakalma na ang mga iyon!"sagot naman niya. Kaya napailing na lang ako.
"Gagamitin mo pa talaga si baby no!"sabi ko pa.
"Hindi naman!"natatawang sagot niya.
"Che! Ewan ko sayo! Pero ito ha! Binabalaan kita! Huwag mong tuturuan ng kalokohan si Baby! Naku! Sinasabi ko sayo!"banta ko pa.
"Oo na! Promise! Hindi ko siya tuturuan! Dahil naniniwala naman ako! Kahit hindi ko iyon turuan! Makulit talaga siya! Dahil mama siya sa atin "sagot pa niya. Kaya lalo ko siyang pinalo! Loko talaga!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now