CHAPTER 142

44 5 0
                                    

CHAPTER 142
CASSY'S P.O.V
Kanina pa kaming inip na inip sa kakahintay sa dalawa pero hanggang mgayon hindi parin sila bumababa. Kaya naman, nagdesisyon akong puntahan na lang sila.
"Excuse me po, tito, tita! Puntahan ko lang po sila"paalam ko pa. Agad. Naman silang tumango.
"Sige iha! Puntahan mo na sila"sagot pa nila. Tumayo din naman ang tatlong beks pati narin sina Pauline at Lexi.
"Sama kami"sabi pa nila. Tumango na lang ako at nauna ng maglakad. 
"Sigurado ako, may kung ano na namang kababalaghan ang ginagawa ng dalawang iyon!"sabi naman ni Jon habang paakyat kami. Agad naman akong sumang-ayon
"Tunay ka! Wala ng pinipiling oras eh!"sagot ko.
"Dapat pala kami na lang ni Lexi ang tumawag kay Alex! Kanina pa siguro tayo na sa hospital ngayon"sabi naman ni Pauline.
"Tama!"sabay-sabay naming sagot. 
"Wait guys!!"sabi ko sa at sinenyasan silang huwag umingay.
"Bakit?"pabulong na tanong nila. Habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa kwarto ng dalawa.
"Pakinggan muna natin sila! Para makasigurado tayo, kung tama ang iniisip natin"sagot ko pa. Agad naman silang tumango. At sabay-sabay naming inilapit ang tainga namin.
"Ooohhhh..baby"
Nanlaki naman ang Mata ko at napatingin sa kanila.
"Tama nga yata tayo"pabulong na sabi ko sa kanila.
"Oo nga! Pero pakinggan pa natin sila para makasigurado"sabi pa ni Jon. Tumango naman kami, bilang pagsang-ayon
"Oh...baby..sige pa.."
Napalunok na lang ako, at lumayo na sa may pinto.
"Hindi ko na kering makinig!"sabi ko sa kanila.
"Kami din! Nakakaloka sila"sabi din ni Lexi. At umarte pang nandidiri, natawa na lang ako. Napatingin naman ako sa tatlong bakla na hanggang ngayon ay nakikinig pa.
"Hoy! Ano na! Umalis na kayo diyan at bubuksan ko na ang pinto"kulbit ko pa sa kanila.
"Saglit lang! Nakikinig pa kami! Para makasigurado tayo"sagot naman ni RC. Kaya sabay-sabay namin silang binatukan tatlo.
"Aa-"hindi na natuloy ang pagsigaw nila dahil kaagad naming tinakluban ang bibig nila. 
"Huwag kayong maingay"saway ko pa sa kanila. Agad naman silang tumango, kaya tinanggal na din namin ang pagkakataklob ng bibig nila.
"Pasalamat kayong tatlo! Ang sakit ng batok niyo ha!"mataray na sabi pa ni Rhian sa amin sabay irap. Ngumiti na lang naman kami
"Buksan niyo na"utos ko pa. Tumango naman si Jon at inilapit ang tainga niya sa may pinto habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Pero bigla siyang tumingin sa amin
"Wait lang guys!"sabi pa niya sa amin
"Bakit?"tanong ko sa kanya. 
"Parang may Mali eh!"sagot pa niya. Habang nakakalapit ang tainga niya sa may pinto. Kaya naman agad Kong nilapit ang tainga ko sa pinto. Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko sila sa loob.
"Hahahahaha!!! Mga uto-uto!!"
Ano raw? Sinong uto-uto? Kami ba ang tinutukoy nila? Hindi naman ako nakapagpigil at agad Kong binuksan ang pinto. Napapikit pa ako, baka kasi kung anong makita ko eh
"Wahahahahaha!!!"
Rinig Kong tawa nilang dalawa kaya dahan-dahan Kong iminulat ang mata ko. At bagsak balikat habang nakangangang tumingin sa kanila. Kinusot ko ang Mata ko para makasigurado, pero tama ang nakikita ko. Nakaupo sila sa Kama habang nakangiting nakatingin sa amin.
"Hahahahaha!! Nakakatawa kayo guys!!"natatawang sabi pa ni Alex. Napalingon naman ako sa likod ko. At katulad ko, ganun din ang reaksiyon nila.
"Ano guys? Nagulat kayo no? Ang bilis ba naming magbihis?"natatawang tanong pa sa amin ni MM. Sinamaan ko naman siya ng tingin
"Hahahahaha!!! Nauto namin kayo no?"asar pa niya. Buwesit! Bakit ko ba nakalimutan na, loko itong baklang ito!
"Ohhhh..baby"pag-uulit pa niya sa narinig namin kanina. Agad naman akong lumapit kay MM at hinampas siya
"Ohhhh..baby.."pag-uulit pa niya. Habang tawa ng tawa
"Buwesit kang bakla ka!"inis na sabi ko pa.
"Hahahahaha!! Ay sis! Di na ako bakla ngayon"sagot pa niya. Muli ko naman siyang tiningnan ng masama 
"Sorry guys ha!! Si MM kasi eh...sabi niya sa akin, magkunwari daw kaming ganun!"hinging paumanhin naman ni Alex. Tumango na lang ako sa kanya
"Okay lang iyon Alex! Pero huwag niyon ng uulitin! Nakakabiwesit eh! Atsaka nakakalurkey!"sagot naman ni Jon. Napailing na lang ako at natawa sa itsura ni Jon. 
"Tumigil ka nga diyan Jon! Kunwari ka pa! Eh ikaw nga itong kapit na kapit ang tainga sa may pinto eh!"sabi ko pa sa kanya. Umirap naman siya sa akin
"Che!!!"mataray na sagot pa niya sa akin. Inirapan ko lang naman din siya
"Che ka din!"sagot ko. Rinig ko namang nagtawanan sila
"Hay naku guys! Baka saan pa mapunta ito! Mabuti pa ay tara na!"pagyaya pa ni Alex. Tumango na lang kami

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon