CHAPTER 95

90 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Busy ako sa pagkain ng cake ngayon. Habang si MM naman ay na nonood lang sa akin.
"Gusto mo?"alok ko. Umiling lang naman siya.
"Hindi! Ayaw ko! Sayo na lang! Mukha namang kulang pa sayo iyan eh"sagot naman niya. Inirapan ko lang naman siya.
"Okay! Buti naman kung ganun!"sagot ko din. At nagpatuloy na lang sa pagkain ng cake. Habang kumakain naman ay hindi ko naman mapigilan hindi mapatingin sa kanya.
"Ang cute mo"di ko mapigilang hindi sabihin sa kanya. 
"Cute lang? Para naman akong aso niyan!"reklamo naman niya sabay nguso.. Pinisil ko naman ang ilong niya..ang cute kasi eh!
"Aray naman!! Mashaket!!"reklamo pa niya. Kaya tumawa na lang ako.
"Ang lagkit ng kamay mo!!"sabi pa niya. Habang pinupunasan ang ilong niya. Nakaisip naman ako ng kalokohan. Agad akong kumuha ng icing gamit ang daliri ko tapos ipinahid ko sa kanya.
"Alexxx!!"sigaw niya sabay tingin sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya sabay dilat. Hahahaha..
"Ah! Hayan pala ang gusto mo ha!! Sige! Humanda ka sa akin"nakangising sabi niya sabay kuha ng icing at pinahiran din ako. Hindi naman ako nagpatalo! Agad din naman akong gumanti sa kanya. Dinamihan ko pa talaga
"Hahaha!! Bagay sayo!!"pang-aasar ko pa. Tiningnan naman niya ako ng masama. Kaya agad akong tumayo para lumayo sa kanya.
"Oh! Saan ang punta mo? Halika dito! Di pa tayo tapos!!"tawag pa niya sa akin. 
"Ayaw ko nga!! Diyan ka na"sabi ko pa at nagtatakbong palayo sa kanya. Agad naman niya akong hinabol. Kaya naman para kaming mga bata na naghabulan sa loob ng bahay.
"Halika dito!! Huwag ka ng tumakbo!! Mapapagod ka lang! Mahuhuli din naman kita"sigaw pa niya. Sumayaw sayaw naman ako habang dinidilaan siya.
"La.la.la.la.la.la!! Hindi mo ako mahuhuli!! Mabilis kaya akong tumakbo!"pang-aasar ko pa.
"Ano ka ba naman Alex! Nakalimutan mo na ba Kabayo ako!"sagot naman niya, kaya natawa ako.
"Hahaha! Oo nga pala! Pero kahit kabayo ka pa! Hindi mo parin ako mahuhuli no!"sagot ko sa kanya.
"At bakit naman?"tanong naman niya.
"Eh kasi nga po! MATANDA KA NA!!"pang-aasar ko pa. Tawa lang ako ng tawa..
"Ah ganun! Matanda pala ha!!"sabi niya at hinabol ulit ako. Agad naman akong tumakbo para hindi niya maabutan. Hindi ko naman napansin na basa pala iyong sahig na tinakbuhan ko. Kaya nadulas ako...
"Aaaahhh!!"sigaw ko at napapikit na lang at hinihintay na bumagsak ako. Pero parang ang lambot naman ng sahig ngayon?
"Aray!!"rinig kong daing ni MM kaya napamulat ako. Nagulat naman ako ng makita kong sinalo pala ako ni MM kaya pala malambot iyong pinagbagsakan ko.
"Ang sakit"sabi pa niya. Agad naman akong umalis sa pagkakadag-an sa kanya.
"Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ko. At tinulungan siyang tumayo.
"Nakita mo ng hindi! Nagtanong ka pa!"sagot naman niya.
"Sorry! Pero salamat ha! Kasi sinave mo ako"nakangitingsabi ko pa. 
"Wala iyon! Hindi ko naman hahayaan na mahulog ka sa sahig no! Mas mabuti ng mahulog ka sa akin!"sagot naman niya. Napangiti naman ako..
"Thank you talaga! Kasi niligtas mo ako. Kaso, nasaktan ka naman"sabi ko pa.
"Okay lang iyon! Okay lang na ako ang masaktan! Huwag lang ikaw"nakangiting sagot naman niya. Kaya hindi ko na napigil na yakapin siya.
"Arayyy! Hinay-hinay naman! Masakit eh"reklamo naman niya. 
"Sorry!!"sagot ko pa.
"Dito ka na lang humawak, para hindi masakit"sabi pa niya sabay lagay ng kamay ko sa leeg niya. Napangiti naman ako, feeling ko namumula na ako.
"Tumingin ka sa akin! Huwag kang umiwas"utos pa niya sabay hawak sa may bewang ko. Para tuloy kaming nagsasayaw ngayon. Agad naman akong tumingin sa kanya, nakangiti lang naman siya sa akin
"Ang ganda mo talaga! Lalo na sa malapitan"nakangiting sabi niya sabay dikit ng noo niya sa noo ko. Halos pigilin ko naman ang hininga ako. 
'Ano ba ito? Bakit ang harot-harot niya ngayon? Ano kaya ang sumapi sa kanya? Sana huwag munang umalis!'
"Namumula ka! Kinikilig ka no?"tanong pa niya. 
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi"sagot ko sa kanya. Bigla naman niyang hinapit ang bayweng ko para lalong mas lumapit sa kanya.
"Alex!"tawag pa niya sa akin.
"Hmmmm...? Bakit?"tanong ko.
"Magagalit ka ba kung gagawin ko sayo ito?"tanong niya pa habang inilalapit ang mukha niya sa akin. 
'Oh my!! Konting-konti na lang! Hahalikan ba niya ako?'
"Ang alin?"tanong ko pa.
"Ito"sagot niya at mas lalong lumapit pa. oh my!! Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko! Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga..
"Ano? Magagalit ka ba kapag ginawa ko ito sayo?"tanong niya sa akin. 
"Hi-hindi"nauutal na sagot ko. Ngumiti naman siya, ako naman ay napapikit na lang. Pero nagulat na lang ako ng biglang may naramdaman akong dumikit sa akin. Kaya iminulat ko ang mata ko. Napasimangot naman ako at tiningnan ng masama si MM.
"MM!!!!"sigaw ko. Buwesit!!! Pahiran ba naman ako ng maraming icing sa mukha.
"Bakit? Akala ko ba hindi ka magagalit?"natatawang tanong niya.
"Sinong hindi magagalit sa ginawa mo ha?"galit na sigaw ko sa kanya. Tawa lang naman siya ng tawa..
"Hahaha!! Tinanong naman kita ah!! Sabi mo hindi ka magagalit!!"sabi pa niya. Hinabol ko naman siya
"Buwesit ka! Malay ko bang iyon ang ibig mong sabihin!!"sigaw ko pa. 
"Eh bakit ano ba ang akala mong gagawin ko? Akala mo ba hahalikan kita no?"tukso pa niya. Natigilan naman ako..
"Ayiiiieee!!! Akala niya hahalikan ko siya"tukso pa niya.
"Hindi no!! Bahala ka diyan! Buwesit!!"sigaw ko at agad ng umalis. Kainis!! Nahopia ako doon ah!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now