CHAPTER 111

110 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Agad naman akong umiwas ng tingin ng makita kong siya ang dumating. 
"Hi meme!"rinig kong bati sa kanya ng mga beks.
"Saan ka ng galing sis?"tanong naman ni Ate Cassy. Tahimik lang naman akong naghihintay ng sagot niya.
"Diyan lang sa labas! May binili lang ako!"sagot naman nito. Ramdam ko naman na nakatingin siya sa akin. Pero hindi ko siya pinapansin. Galit parin ako sa kanya! Sa ginawa niya! Kaya ayaw ko siyang kausapin. 
"Sarap naman niyan ah! Pwedeng pahingi"rinig ko pang sabi ni RC. Napakunot naman ang noo ko, ano kaya iyon?
"Pwede! Dalawa naman ito eh! Isa sa inyo! At isa sa kanya"sagot naman ni MM. Di ko naman naiwasang tumingin sa kanya. Kita ko namang nakatingin siya sa akin. Kaya nagkatanginan kami pero agad din naman akong umiwas. 'Hindi ako madadala sa suhol mo no! Galit parin ako sayo! Kahit ano pa iyan! A.Y.A.W K.O.!!'
"Wow talaga meme??!!"masayang sabi pa nila. Lalo naman akong nacurious kung ano iyon?
"Anong flavor ang gusto niyo? Strawberry O chocolate?"tanong pa ni MM. Nanlaki naman ang mata ko, teka! Parehas kong gusto iyon ah! Specially sa ice cream at sa cake!! Oh my Cake ba ang dala niya? Oh no!!
'No! No! No! Huwag kang lilingon! Huwag kang papadala sa cake!! Umayos ka Alex!'saway ko pa sa sarili ko.
"Chocolate!!"sagot naman nila. Alam ko naman na pinariringgan lang nila ako! Kaya huwag kang papadala sa mga iyan!
"Ikaw Alex? Gusto mo ng cake?"tanong naman sa akin ni Ate Cassy. Umiling naman ako
"Ayaw ko po! Salamat!"sagot ko.
"Sure ka? Sayang! Sarap pa naman! Di ba ito ang pinaglilihihan mo?"tanong pa niya. Tumango naman ako
"Opo! Ayaw din ni Baby ng Cake!"sagot ko. Huhuhu!! Gusto ko ng cake! Pero hindi pwede! Huwag kang papasuhol diyan sa buwesit na iyan! Hindi ka madadala sa cake!! Huwag kang papadala!!
"Sure ka ba ayaw mo? Binili ko pa naman ito para sayo! Alam ko kasi na gusto mo ito! Gusto niyo ni baby"sabi naman ni MM sabay lapit sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Ayaw ko nga eh! Di mo ba narinig? Atsaka! Akala mo ba madadala mo ako sa pacake-cake mong iyan!? No! Hindi mo ako masusuhulan!!"galit na sigaw ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya, pero halata ko iyong lungkot niya.
"Hindi naman kita sinusuhulan! Akala ko lang kasi, gusto mo ng cake! Pero okay lang, bigay ko na lang sa kanila! Huwag ka ng sumigaw! Baka mapano ka pa eh!"sagot niya. Pero inirapan ko lang siya.
"Paano hindi ako sisigaw? Eh ang kulit mo! Atsaka huwag mo nga akong kausapin! Nabubuwesit ako sa pagmumukha mo!"mataray na sabi ko pa sa kanya. Kita ko namang napayuko na lang siya.
"Ah okay! Sorry ha! Pasensiya ka na! Huwag kang mag-alala, hindi na ako muna magpapakita sayo. Para hindi ka na magalit! At para hindi ka na rin mastress"malungkot na sabi pa niya. 
'No! Alex! Huwag kang maawa sa kanya! Huwag! Tandaan mo may kasalanan siya sayo!'
"Mabuti kung ganun! Sige umalis ka na! Ayaw namin makita ni Baby ang mukha mo! Labas!"sigaw ko pa. Napatingin naman ako sa mga kasama namin. Kita ko iyong gulat sa mukha nila, sorry guys! Pero kailangan kong gawin ito!
"Okay! Sige! Lalabas na ako! Kung iyan ang gusto niyo ni Baby! Basta lagi mong tatandaan ha nandito lang ako! Kapag may kailangan ka! Tawagan mo lang ako. Kahit ano iyon, gagawin ko!"sabi pa niya. 
"Hindi kita kailangan! Kaya ko ang sarili ko! Kaya umalis ka na!!!"sigaw ko pa. Rinig ko ang pagsinghap ng mga kasama namin. Ngumiti naman siya sa akin, pero kita ko na naluluha na siya.
"Okay! Sige! Sige!! Naiintindihan ko! Lalabas na ako! Huwag ka ng sumigaw diyan! Baka makasama pa sayo iyan ni Baby!"nag-alalang sabi pa niya. 
"Lumabas ka na kasi! Para hindi ako sumigaw!"mataray na sabi ko pa. Lumapit naman siya sa akin, at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Pilit ko naman siyang itinutulak
"Ano ba! Lumayo ka nga! Huwag mo akong yakapin!!"sabi ko pa habang pilit na tinutulak siya. Pero lalo niya akong niyakap ng mahigpit.
"Please! Kahit ngayon lang! Hayaan mo muna akong yakapin ka! Namiss kasi kita eh! Miss na miss na kita! Kahit sandali lang na hindi mo ako kausapin. Parang ang tagal na para sa akin. Naiintindihan ko naman eh! Alam ko na galit ka sa akin! Kaya hindi kita masisisi kung ipagtabuyan mo ako at ayaw makita. Karma ko yata ito! Loko kasi ako eh! Kung pwede nga lang sapakin at bugbugin ang sarili ko! Ginawa ko na. Kaya ayos lang! Kung gusto mo suntukin mo ako! Ayos lang! Pero please! Huwag mong istress ang sarili mo! Okay lang na hindi ako magpakita sayo! Kung ito lang ang pwede kong gawin para hindi ka mahirapan. Kahit mahirap! Masakit! Gagawin ko! Handa akong magtiis na makita ka mula sa malayuan kung iyon lang ang paraan para masigurado kong okay ka. Dahil hindi ko kakayanin muli na makita kang nahihirapan dahil sa akin. Kung alam mo lang kung gaano ako natakot ng makita kita kanina sa ganoong sitwasyon. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko! Muntik na kayong nawala sa akin ng baby natin ng dahil sa akin! At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masama pang mangyari sa inyo dahil sa akin! Kaya sana mapatawad mo ako!! Patawarin mo ako BaBy!"sabi pa niya sabay halik sa noo ko. Ramdam ko iyong pagkabasag ng boses niya, halatang umiiyak siya. Hindi ko na rin mapigilang hindi mapaiyak. 
"Sige alis na ako"sabi pa niya. At tuluyan ng tumalikod at naglakad palabas. Pagkalabas niya tuluyan na akong napahagulhol ng iyak...

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon