CHAPTER 165

39 5 0
                                    

CHAPTER 165
MM'S P.O.V
Busy ako sa pag-aasikaso ng kasal namin. Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Alex? Ay dahil akala niya sina mama na ang mag-aasikaso. Hindi naman niya alam ay ako ang nag-aasikaso ng kasal namin. Gusto Kong maikasal na kami kaagad! Dahil miss na miss ko na silang dalawa. Dahil pinagbawalan kasi kami nina mama na huwag Manang magsama. Feeling ko nga! Napagtulungan kami eh! Noong una, ayaw kong pumayag! Kaso wala kaming nagawa.
"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong sa akin ni Cassy ng makalapit siya.
"Eh paano kasi, miss na miss ko na ang mag-ina ko!" Yamot na sagot ko.
"Ah! Totoo palang kinuha siya ng magulang niya" sabi ni Cassy. 
"Oo! Nakakainis nga eh!" Sagot ko. Bigla naman siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh! Anong tinatawa mo diyan!?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Wala! Natatawang lang kasi ako sa mukha mo"sagot niya. Kaya inirapan ko siya
"Sarap mong sampakin!" Sabi ko sa kanya.
"Ay! Grabe! Ang hard mo!"sabi niya.
"Pero seryoso! Huwag ka ng malungkot diyan! Huwag ka ng mainis! Malapit na naman ang kasal niyo eh!" Sabi pa niya.
"Yun na nga eh! Ilang araw na lang ikakasal na kami! Tapos Hindi ko pa siya nakikita!" Reklamo ko pa.
"Tiiisin mo na lang muna!" Sagot niya.
"Grabe na ngang pagtitiis ang ginawa ko! Pero ang hirap kaya!" Sagot ko sa kanya.
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang ganito? May anak na kami ah! Bakit kailangan pa naming maghiwalay pansamantala!" Patuloy ko pa.
"Iyon na nga eh! May anak na kayo! Kaya wala lang dapat ikatakot diyan!" Sabi naman niya.
"Hindi ako natatakot! Ang sa akin lang miss na miss ko na siya! Kung pwede nga lang bukas na kami ikasal para makasama ko na ulit sila!" Sagot ko.
"Alam mo? Gusto kitang tawanan! Pero alam ko na Mali! Kasi seryoso ka. Pero masasabi ko lang! Magtiis ka na muna! Mahirap din naman ito Kay Alex eh! Pero sinisikap niya na tiisin na Hindi ka makita. Para din naman ito sa inyo eh!" Sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko
"Paano naman naging para sa amin ito? Eh magkalayo kami?" Tanong ko
"Para iyan sa inyo! Para makapagpigil kayong dalawa! Baka kasi Kapag Hindi kayo pinaghiwalay! Baka pamaya buntis na naman si Alex!" Sagot niya.
"Marunong naman kaming magpigil eh! Atsaka wala naman kaming balak sundan kaagad si Sofia!" Sagot ko.
"Alam namin! Pero mas maganda parin ang nag-iingat!" Sabi naman niya.
"Ewan ko sa inyo! Kung anong pinaglalaban niyo!" Sagot ko na lang
"Intindihin mo na lang kasi" sabi pa niya.
"Ano pa nga ba! Wala rin naman kaming magagawa! Bantay-sarado si Alex tapos ako naman! Palaging may bantay din! Nakakainis!" Sagot ko.
"Hahaha! Buti kami ni Honey ko! Laging magkasama!" Pang-aasar pa niya. Kaya sinipa ko ang inuupuan niya.
"Buwesit!"inis na sabi ko sa kanya.
"Hey! Ano iyan meme! Bakit mo sinasaktan ang Honey ko!"dating ni Jon. Inirapan ko lang sila
"Che! Honey niyo ng mukha niyo! Honey! Honey! Ano kayo bubuyog!" Pabalang na sagot ko.
"Asus! Inggit ka lang sa amin! Kasi wala ang BabyLove mo!" Pang-aasar naman ni Jon.
"Sige! Ipaalala.mo pa!" Inis na sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman sila at naghalikan pa. Hindi naman ako nakatiis! Kaya tumayo na lang ako
"Oh sis! Saan ang punta mo?" Tanong ni Cassy sa akin. Humarap naman ako sa kanila
"Lalayo! Nakakahiya naman sa inyo!" Sarkastikong sagot ko.
"Di pa tayo tapos di ba?" Sabi pa nito.
"Oo! Pero mukhang wala ka namang balak tapusin eh! Kasi may sinisimulan ka na naman!" Sagot ko pa. Bigla naman siyang namula
"Wala kaya! Hindi kami kagaya niyo!" Sagot niya.
"Hindi daw! Eh parang doon narin kayo papunta eh!" Sabi ko
"Hindi nga!" Sagot pa niya. 
"Halika na nga dito!" Yaya pa niya.
"Oo nga! Halika na dito! Huwag ka ng maiinggit!" Mapang-asar na sabi ni Jon.
"Hindi ako naiinggit!" Tanggi ko.
"Okay! Hindi ka na naiinggit!!" Pagsuko nila. Pero nakangiting parin sila na animo'y nang-aasar.
"Tumigil kayo diyan! Baka kayo naman ang paghiwalayin ko!" Banta ko sa kanila.
"Okay! Okay! Ito naman! Ang init ng ulo mo!" Pagsuko ni Jon.
"Dito ka Jon!"utos ko sa kanya. At itinuturo ang kaabay ko. 
"Dito na ako!" Sagot naman ni Jon. Pinandilatan ko naman siya ng mata
"Dito ka!" May diin na sabi ko. Wala naman siyang nagawa kung Hindi ang sumunod. Hahahaha! Damay-damay na ito!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt