CHAPTER 145

44 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Matapos naming magpicture-taking sa park, ay kaagad na rin kaming umuwi. I know by this time, nakita na nila iyong pictures namin sa park. Gusto Kong himalakhak sa tawa sa itsura nila kapag nakita nila kami. 
"Oh! Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"tanong sa akin ni MM. Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Handa ng matulog, hahaha! Pero hinihintay pa namin silang dumating. Kaso nga lang mukhang kailangan muna nilang libutin ang buong park bago sila umuwi!.
"Hindi! Iniisip ko lang sila, nasaan na kaya sila"nakangiting sagot ko.
"Baka nasa park pa sila! Ikaw kasi mga kalokohan mo din eh,"natatawang sabi naman niya sa akin. Yumakap naman ako sa kanya sabay patong ng ulo ko sa may dibdib niya.
"Pag sa iyo ko ba ginawa iyon, magagalit ka ba sa akin?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam! Pero siguro hindi! Dahil kung ginawa mo iyon sa akin. Sobrang mag-aalala ako"sagot niya sabay haplos sa buhok ko. Napangiti naman ako
"Ang swerte namin talaga sayo ni Baby"sabi ko pa.
"Kahit sayo din naman! Ang swerte din namin sayo ni Baby"sagot niya. Bumangon naman ako at tumingin sa kanya.
"Thank you"pasasalamat ko. Ngumiti naman siya sabay halik sa noo ko.
"Mahal kita"bulong pa niya. Ngumiti na lang ako at niyakap siya.
"Mahal na mahal ko din kita"sagot ko. Ilang minuto kaming magyakap bago ako humiwalay. At hinawakan ang mukha niya at hinalikan siya.
"Mahal na mahal kita! Tandaan mo iyan ha"sabi ko pa sabay yakap ulit sa kanya.
"Baby.."pagtawag niya sa akin.
"Bakit?"tanong ko
"May problema ba?"balik na tanong niya. Umiling naman ako
"Wala naman"sagot ko at tumingin sa kanya. 
"Gusto ko lang ulit-ulitin sabihin sayo kung gaano kita kamahal"dagdag ko pa. Pinisil naman niya ang ilong ko
"Ikaw talaga"nakangiting sabi niya. Napanguso naman ako
"Ang sakit ha! Bakit ba trip mo ang ilong ko!"reklamo ko sa kanya.
"Sorry"sabi niya saka hinalkan ang Ilong ko. Napangiti na lang ako
"Ahmmm...baby"tawag pa niya. 
"Ano iyon?"sagot ko
"May naisip ka na bang pangalan ni Baby?"tanong niya. Umiling naman ako
"Wala pa eh! Ikaw? Meron ka na bang naisip?" Tanong ko din sa kanya.
"Meron na! Kaso hindi ako sure kung magugustuhan mo"sagot niya. 
"Ano ba iyong naisip mo? Bulong mo sa akin! Baka kasi marinig nila"sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya
"Ha? Wala namang tao dito ah! Tayo lang!"sabi pa niya. Natawa naman ako
"Wala ngang tao dito, pero may nakikinig sa atin!"sagot ko.
"Ha? Baby naman! Huwag kang manakot! Ang tagal ko na dito, pero ni isang multi wala akong naramdaman, ni nakita"kinakabahang sabi pa niya. Kaya lalo akong natawa
"Hahahahaha! Baby!!! Grabe ka! Matatakutin ka pala"natatawang sabi ko pa. Sumimangot naman siya
"Ikaw ha! Niloloko mo ako! Tinatakot mo ako!"pagtatampopa niya.
"Hindi sa ganun baby! Hindi naman kasi multo iyong sinasabi Kong nakikinig sa atin eh"paliwanag ko.
"At sino iyong sinasabi mo?"tanong niya. Lumapit naman ako saka ibibulong sa kanya
"Nakikinig iyong mga readers natin! Nag-aabang sila kung anong gender ni Baby"sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya
"Ah! Naghihintay na ba silang ireveal ang gender ni Baby?"tanong niya sa akin. Tumango naman ako
"Oo! Naghihintay na sila!"natatawang sagot ko.
"Ganun ba? Sige bulong ko sayo ang naiisip Kong pangalan"sagot niya, sabay bulong ng pangalan ng baby na naisip niya 
"Okay iyon! Ang Ganda!"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Talaga? Nagustuhan mo iyong naisip ko?"paninigurado pa niya. Tumango naman ako
"Oo! Nagustuhan ko! Ang Ganda"nakangiting sagot ko. Ngumiti naman siya.
"Thank you Baby"nakangiting sabi pa niya. Ngumiti lang naman ako sa kanya
"Tiyak ako, magugustuhan ni Baby iyong magiging pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya,"nakangiting sabi ko pa. Muli naman niya akong niyakap
"ALEX!!!!!"
"MM!!!!!!"
Nanlaki ang Mata namin ng marinig iyon! 
"Nandiyan na sila! Patay tayo!"sabay naming sabi.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now