CHAPTER 45

103 8 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa salamin. Buwesit na bakla iyon! Ano bang problema niya sa short? Bagay naman sa akin eh! Kainis!! 
"Matagal ka pa ba diyan?"sigaw niya mula sa labas. 
"Matagal ka pa ba diyan ng mukha mo!"bulong ko, 
"Hoy! Ano ba Alex? Late na ako!!"sabi pa niya habang kumakatok. Napairap na lang ako.
' Kasalanan mo din naman eh! Kung hindi dahil sa kaartehan mo, eh di sana kanina pa tayong nandoon! Buwesit ka!'
Ang sarap sanang isigaw iyon sa kanya. Akala niya ha! Hindi pa nga kami okay, dahil sa nangyari kagabi! Tapos kung umasta siya! Tinalo pa ang mahulang eh!
"Isa pa Alex! Kapag Hindi ka sumagot diyan! Papasukin na kita!!"banta pa niya. 
'Eh di pumasok ka! Sinong tinakot mo! Bihis na naman ako eh!'sagot ko pa sa isip ko. Kanina pa naman talaga ako nakapagpalit eh, inaasar ko lang talaga ang baklang iyon! Makaganti man kahit papano.
"At talagang sinusubukan mo ako ha"sigaw pa niya. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip na magmadali at nahiga pa ako sa Kama ko. Bahama siyang malate! Ginusto naman niya eh! Inisan pala ang gusto niya! Eh di pagbigyan natin! Pumikit muna ako at hinihintay na bumukas ang pinto. At Hindi nga nagtagal at bumukas na nga ito..
"What the!!! Kanina pa ako hintay ng hintay doon sa labas! Tapos nakahiga ka lang pala dito!"inis na sigaw niya. Pero nagkunwari lang akong tulog! Hahaha, akala niya ha.
"Alex!!"sigaw pa niya, pero nanatili lang akong nakapikit. Ramdam kong lumapit siya at hinila ako patayo. Hahaha, akala naman niya magigising niya ako!! Mahirap kayang gisingin ang gising!
"Ano ba Alex!!? Bumangon ka na nga diyan! Hindi ito oras para maglaro!"sabi pa niya habang niyuyog ako. Lihim naman akong nagdidiwang ngayon kasi alam kong naiinis na siya. Iminulat ko naman ang Mata ko at tumingin sa kanya.
"Sinong may sabing naglalaro ako! Tabi nga! Matutulog ako"mataray na sagot ko sa kanya sabay palo sa kamay niya.
"Alex!! Ano ba!!! Late na ako!!!"sigaw niya pa. 
"Eh ano naman? Eh di umalis ka na! Hindi na ako sasama"sagot ko. At nahiga na ulit.
"Nagkakaganyan ka ba dahil pinagpalit kita?"biglang tanong niya. Pero hindi ako sumagot
"Okay! Sorry!! Ayaw ko lang naman na pagtinginan ka ng iba eh! Lalo na ng mga lalaki! Ayaw ko lang na mabastos ka"sabi pa niya, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Umupo naman ako, siya naman ay umupo kaabay ko. 
"Sorry"mahinang sabi ko, ngumiti lang naman siya.
"Okay lang! Pero sige na! Tumayo ka na diyan! Dahil sadyang late na ako! Hindi ko alam kung anong sasabihin kong dahilan kung bakit ako nalate"sabi pa niya. Medyo natawa naman ako..
"Sabihin mo na lang na may batang makulit"natatawang sabi ko sa kanya. Natawa din naman siya,
"Pwede rin! Pag-iisipan ko"pagsakay pa niya..pareho naman kaming natawa..
"Oh siya! Sige na tayo na!"utos pa niya. Parang bata naman na inabot ko sa kanya ang kamay ko.
"Bangon mo ako"parang bata na sabi ko pa, napailing lang naman siya at inabot ang kamay ko. 
"Para kang bata"sabi pa niya sabay hila sa akin. Pero sa halip na ako ang maitayo niya, siya ang natumba sa akin. Isang mahabang katahimikan ang namayani, nakatingin lang kaming dalawa sa isa't-isa. Pero maya-maya pa ay pareho na lang naming natawa. 
"Hahaha! Hayan! Ikaw kasi"sabi pa niya,
"Ikaw kaya! Sabi ko itayo mo ako! Hindi-"tinakpannaman niya ang bibig ko.
"Huwag mo na ituloy!"sabi pa niya..
"Hayun!! Kaya pala naman ang tagal nila!!"rinig naming may nagsalita sa may pinto. At alam namin na ang mga beks iyon, kaya dali-dali kaming tumayo at tumingin sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito?"agad na tanong ni ate MM.
"Baka kami ang dapat na magtanong niyan! Anong ginagawa niyong dalawa diyan! Ang pagkakaalam namin ay magpapalit lang si alex ah! Pero parang iba naman yata ang ginagawa niyo?"tanong naman ni Jon. 
"Napalit naman talaga si Alex ah! Atsaka huwag nga kayo! Kung ano-anong iniisip niyo!"sagot naman ni ate MM.
"Okay! Eh bakit ka nasa loob? Huwag mong sabihin na tinulungan mo siya?"pagtatanong pa ni Rhian. Napayuko na lang ako, pakiramdam ko ang pula-pula ko ngayon. Kakahiya kasi ang ackward ng posisyon naming dalawa ng maratnan nila kami. Kaya hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan sila mag-isip.
"Huwag mo na ngang tanungin Rhian! Kita mo namang namumula na sila pareho eh! Atsaka baka tinulungan lang ni meme si Alex kung paano maghubad este magpalit ng damit"mapang-asar na sabi pa ni RC. Lalo naman akong namula dahil sa sinabi ni RC.
"Mga siraulo kayo!! Ang dudumi ng mga utak niyo!"sigaw ni ate MM at pinagbabato ang tatlo. 
"Hahaha, napipikon! Mukhang guilty!!"pang-aasar pa ng mga beks, habang umiilag.
"Mag siraulo kayo!! Magsilabas na nga kayo dito!! Baka kung ano pa magawa ko sa inyo! Mga buwesit kayo!!"sigaw pa ni ate MM.
"Hala! Pinalalabas tayo! Bakit kaya?"sabi pa ni Jon sa dalawa tapos nagtawanan sila. Agad naman silang itinulak palabas ni ate MM.
"Magsilayas kayo!!"sigaw pa niya
"Wait lang meme"pigil ni Jon.
"Bakit?"tanong ni ate MM
"Sasabihin ko lang na pakibilisan ha! Kasi late ka na"sabi pa sabay takbo. Hinabol naman sila ni ate MM,
"Bimalik kayo dito! Mapapatay ko kayo!! Mga siraulo kayo!!"rinig ko pang sigaw niya. Napailing na lang ako at medyo natatawa. Kaloka!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon