CHAPTER 101

71 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Nakasimangot kong binuksan ang pinto. Nakakainis talaga! Buwesit!! Ang sarap manapak eh!!
"Buwesit!!"sabi ko oa at padabog na binuksan ang pinto.
"Buwesit ka din!!"
Gulat na tumingin naman ako kay Nanay na masama ang tingin sa akin. Agad naman akong ngumiti
"Hehehe! Hi Nanay!! Kayo po pala"bati ko. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay at hinmpas. 'Aray naman! Buwesit talaga ang araw na ito!'
"At bakit ikaw pa ang mukhang galit diyan ha! Eh ako nga iyong pinaghintay mo ng matagal dito sa labas! Kanina pa akong katok ng katok! Pero hindi mo binubuksan ang pinto! Buwesit ka!! Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?"talak niya pa sa akin. Napasimangot na lang ako. 
"Naghintay lang naman kayo sa labas eh! Eh kami nga inistorbo niyo! Mas badtrip iyon!"bulong ko pa. 
"At ano naman ang binubulong mo diyan ha?"tanong pa sa akin ni Nanay. Umiling naman ako
"Wala po! Tatanungin ko lang po sana kung bakit po kayo katok ng katok?"sagot ko. 'Abala po kasi kayo'
"Ay! Oo nga pala! Itatanong ko lang sana kung gising na ba si Alex?"sagot naman niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at di makapaniwalang tiningnan si Nanay.
"Iyon lang po? Itatanong niyo lang kung gising na siya?"halos pasigaw na tanong ko. 
"Oo! Teka! Bakit ganyan ang itsura mo! Atsaka umayos ka nga sa pagtatanong mo"sermon pa niya pa sa akin. Inang!! Parang ang sarap magwala ngayon ah!! Kakainis!!
"Nay naman!! Para doon lang!! Nambulabog kayo!! Pwede niyo naman itanong iyon pamaya eh!!"inis na inis na sabi ko pa. Hinampas naman niya ako.
"Aba! Bastos kang bata ka ah! Bakit galit na galit ka diyan! Anong paki mo kung gusto kong kamustahin ang Daughter in law ko!!? Tabi nga diyan!!"sabi pa niya sabay tulak sa akin. Napasabunot na lang naman ako sa buhok ko
"Buwesit!! Buwesit talaga!!"dabog ko pa at padabog na sinarado ang pinto at lumabas na. Iniwan ko na muna sila, naiinis talaga ako!! Kainissss!!!!

ALEX'S P.O.V
Natatawa na lang ako habang pinapanood sina Nanay at MM na nag-uusap. Kitang-kita iyong pagkapikon ni MM, hahaha. Pero lalo akong natawa ng padabog niyang sinarado ang pinto at umalis..
"Pambihira! Ang bastos talaga ng batang iyon!!"rinig kong sabi pa ni Nanay habang palapit sa akin. Napailing na lang ako..'kung alam niyo po kung bakit siya naiinis!! Matatawa na lang kayo'
"Alam mo ba iha kung anong nangyari doon? Bakit galit na galit iyon?"agad na tanong sa akin ni Nanay. Umiling naman ako
"Hindi ko din po alam eh! Baka po masama lang ang gising"pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin ko ang totoo, kakahiya kaya!!
"Ah ganun ba! Akala ko kasi..."makahulugang sabi pa ni Nanay. Kaya napatingin ako sa kanya
"Na ano po?"tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sabay ngiti.
"Wala! Akala ko kasi..alam mo na! Na may ginagawa kayong dalawa, kaya ang tagal niyong buksan ang pinto"sagot naman niya, na ikinalaki ng mata ko. Agad naman akong umiling
"Po? Wala po! Wala po kaming ginagawa ni MM"tanggi ko pa. 
'Wala po kaming ginagawa kasi gagawin pa lamang po'sabi ko naman sa utak ko.
"Okay! Okay! Wala na kung wala! Huwag ng masyadong pahalata"mapang-asar na sabi pa ni Nanay. Napanguso naman ako
"Eh wala naman po talaga kaming ginagawa eh"sagot ko. Natawa naman si Nanay
"Hay naku iha! Masyado kang halata para magsinungaling!Atsaka huwag ka ng mahiya sa akin! Alam ko naman na ginagawa niyo iyon eh! Dahil kung hindi! Hindi ka sana buntis ngayon"natatawang sabi pa ni Nanay. Namula naman ako dahil doon at napayuko na lang. Ano ba iyan! Kakahiya!!
"Oh! Huwag ka ng mahiya! Okay lang iyan!"sabi pa niya sa akin. Nahihiya naman akong tumingin sa kanya.
"Naman Nay ihh!! Kakahiya!!"hiyang-hiya na sabi ko sabay taklob ng mukha ko. Lalo naman siyang natawa
"Hahaha!! Masyado mo naman akong pinatatawa iha eh! Oh siya huwag ka ng mahiya diyan! Mabuti pa ay tumayo ka na diyan at ng makakain ka na. Nagluto ako ng paborito mo at bumili narin ako ng cake"sabi pa niya. Tinanggal ko naman ang pagkakataklob sa mukha ko at nakangiting tumingin sa kanya.
"Thank you po Nay ha"nakangiting sabi ko pa. Ngumiti din naman siya at niyakap ako.
"Anak narin kita! Kaya huwag ka ng mahiya sa akin"sagot pa niya. Napangiti na lang ako, ang sarap lang kasi sa pakiramdam na tanggap na tanggap ka ng pamilya ng Taong mahal mo.
"Oh siya! Tama na iyan! Bumangon ka na diyan! At mag-ayos ng makakain ka na"sabi pa ni Nanay. Kaya agad narin akong tumayo para makapag-ayos. Pero medyo nabigla yata ako sa pagtayo kasi bigla na lang umikot ang paligid ko. Agad naman akong inalalayan ni Nanay.
"Okay ka lang ba iha?"tanong pa ni Nanay sa akin. Agad naman akong tumango
"Okay lang po ako, medyo nahilo lang po ako"sagot ko.
"Hay iha! Siguro kailangan mo na talagang sabihin kay tutoy ang kondisyon mo. Para may katuwang ka! Lalo na at malapit na kaming bumalik sa Canada."sabi naman sa akin Ni Nanay. Napatango na lang ako, siguro nga kailangan ko ng sabihin kay MM
"Opo Nay! Sasabihin ko na po sa kanya"nakangiting sagot ko. Ngumiti naman siya
"Tama iyan iha! Mas maaga mas maganda"sagot naman niya.

"Anong dapat niyang sabihin sa akin?"

Gulat naman kaming napatingin sa may pinto. 
"Buwaahhhaaahaaha!!!"
"Kung nakita niyo lang ang itsura niyo!! Nakakatawa talaga!!"tawang-tawang sabi pa ni Ate Mika. Yes po! Siya lang po iyon! Ginaya lang po niya ang boses ni MM. Kaloka!! Kinabahan ako doon ah!!
"Siraulo kang bata ka!! Isa ka pa eh! Hindi mo ba alam na tinakot mo ako doon!!"sabi pa ni Nanay sabay habol kay Ate Mika. Natawa na lang ako...ang kulit ng pamilya nila!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now