CHAPTER 69

68 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Isang linggo lang kami sa bahay nina Alex, kinailangan na kasi naming bumalik. Dahil may naiwan pa kaming trabaho. Panay ang tawag sa amin na mainterview kaming dalawa, tungkol sa tunay na estado namin. Pero salamat na lang at naging abala kami. Masyadong puno ang schedule namin kaya wala pa kaming time para mapaunlakan sila. Sunod-sunod ang guesting, photoshoot at magsisimula narin ulit kaming magshoot para sa bago naming pelikula. Sobrang nakakapagod! Buti na nga lang at kasama ko si Alex kaya okay lang. Pero nitong mga nakaraang araw hindi kami magtagpo. Masyadong busy siya para sa mga endorsement niya. Samantalang ako naman heto busy din pero sa ibang bagay. Hay! Miss ko na siya! 
"Bakit di mo try tawagan!"
Napalingon naman ako, si Jon lang pala.
"Baka kasi busy siya! Makaabala pa ako"sagot ko naman.
"Pero malay mo naman, nagpapahinga sila ngayon"sabi naman niya. Napaisip naman ako, oo nga no! Agad kong kinuha ang cp ko at sinubukang tawagan siya. Kaso nagriring lang pero walang sumasagot.
"Ano?"tanong pa niya. Ngumiti naman ako ng tipid sabay iling.
"Hindi sumasagot eh! Baka busy pa siya"sagot ko. At tinuon ko na ulit ang tingin ko sa cp ko at nagtype..
[To: My Baby
Hi baby! Miss na kita! Wait kita pamaya, dinner tayo ]

Pagkasend ay kaagad ko narin itinago ang cp ko at binalingan si Jon.
"Nasaan ang dalawa?"tanong ko.
"Busy"tipid na sagot niya, napakunot naman ang noo ko.
"Busy sa saan?"tanong ko.
"Busy sa pinagagawa mo!"sagot naman nito, napangiti naman ako.
"Eh iyong pinagagawa ko sayo! Ayos na ba?"tanong ko pa. Ngumiti naman siya
"Oo naman meme! Ako pa!"pagyayabang pa nito.
"Very Good!"nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi na ako makapaghintay! Excited na ako! Ano kaya ang magiging rection niya? Sana magustuhan niya!
"Lumelevel-up ka meme ah! Desidido ka na ba talaga? Tuloy-tuloy na ba iyan? Baka naguguluhan ka lang! Naku sinasabi ko sayo!"tanong pa niya. 
"Sigurado pa ako sa sigurado! Wala ng atrasan ito!"nakangiting sagot ko.
"Mabuti kung ganun! Maganda ng malinaw"sabi naman niya.
"Huwag kang mag-alala! Sigurado ako dito! Ngayon lang ako naging sigurado ng ganito"sagot ko pa. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Masaya ako para sayo! Basta meme ha! Tandaan mo na nandito lang kami palagi para sayo! Nakasuporta lang!"seryosong sabi pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya.
"Salamat!"sabi ko pa.

"Ay! Ano ito ha? Bakit may yakapan na ganap? Anong chika?"
Napabitaw naman kami sa isa't-isa at sabay na lumingon kay Cassy. Yes! Sino pa nga ba? Siya lang naman ang kaibigan kong tsismosa!
"Anong ginagawa mo dito?"mataray na tanong ko. Inirapan lang niya ako
"Eh ano pa-"
"Hep!"pigil ko sa kanya.
"Huwag ka ng sumagot! Dahil alam ko na isasagot mo"sabi ko pa.
"Alam mo naman pala eh! So ano nga? Anong chika?"pagtatanong pa niya. Ako naman ang umirap sa kanya. Sinasabi ko na nga ba eh! Tsismosa talaga!
"Walang chika! Kaya huwag kang tsismosa!"sagot ko sa kanya. 
"Naman eh! Huwag kang madamot! Ilang araw ko na kayo, binabantayan eh! Hindi ko kayo mahuli-huli! Tinataguan niyo yata ako eh"dabog pa niya.
"Tumigil ka diyan! FYI hindi ka namin tinataguan no! Sadyang busy lang kami!"sagot ko.
"Okay! Okay! Pero magkuwento ka na! Dali na!"pangungulitpa niya. 
"Ano bang gusto mo malaman ha?"tanong ko. Ngumiti naman siya
"Lahat! Gusto kong malaman lahat"sagot niya.
"Lahat talaga? Eh bakit di mo na lang kami pakabitan ng cctv! Para alam mo lahat ng ganap sa amin! Kahiya naman sayo eh"sagot ko sa kanya. Napasimangot naman siya
"Puro ka naman kalokohan eh!"dabog niya
"Ikaw naman puro tsismis lang alam"balik ko sa kanya.
"Che! Dali na! Magkuwento ka na nga lang"utos pa niya. Pambihira talaga itong babaeng ito!
"Okay!"pagsuko ko. 
"Yes!!!"tili pa niya, agad naman akong nagtaklob ng tenga ko.
"Hoy! Ano ba! Manahimik ka nga! Sakit sa tainga eh"saway ko sa kanya. Tumigil naman siya sabay peace sign.
"Hehehe! Pasensiya na! Naexcite lang talaga ako!"sabi pa niya 
"Okay lang maexcite! Pero tumili! Hindi okay! Sakit sa tainga! Maawa ka naman"sabi ko pa.
"Oo na! sige na! Ako na talaga ang masama ang boses! Okay na!"nakasimangot na sabi pa niya. Natawa naman ako
"Hayan! Buti inamin mo!"pang-aasar ko pa. Sinamaan naman niya ako ng tingin
"Wow! Ha! Ikaw na talaga! Ikaw na ang maganda ang boses! Kakahiya naman sayo"sarkastikong sabi pa niya.
"Talaga! Proud akong maganda talaga ang boses ko"pagyayabang ko pa.
"Eh di wow!"sagot niya sabay irap.
"Oh siya! Magkuwento ka na! Dami mo pang sinasabi"utos pa niya..
"Wow! Galing mag-utos ah"sagot ko sa kanya, hinampas naman niya ako.
"Dali na kasi!"utos niya ulit.
"Oo na!"sabi ko pa. Magsisimula na sana ako ng biglang tumunog ang cp ko. Kaya kaagad ko itong kinuha at tiningnan. Nadissapoint naman ako ng makita kong hindi pala si Alex ang magtext, kundi si Rhian. 
"Hindi siya!?"tanong naman ni Jon. Tumango naman ako
"Si Rhian"sagot ko.
"Anong sabi?"tanong pa niya.
"Okay na daw"sagot ko.
"Eh di okay! Ready na ang lahat"nakangiti niyang sabi tumango naman ako.
"Oo nga!"pagsang-ayon ko.
"Hep!hep! Ano iyong pinag-uusapan niyo? Share niyo naman! Kayo lang nagkakaintindihan eh! Hindi pwede iyon! Dapat lahat tayo may alam! Di ba?"sabat naman ni Cassy. Napailing na lang ako, at tumayo na.
"Hoy! Sis! Saan ang punta mo!? Hindi ka pa nagkukwento eh!"tanong niya sa akin.
"Si Jon na lang ang tanungin mo! Susunduin ko pa ang Baby ko"sagot ko at tuluyan ng umalis. Napangiti na lang ako...Wait for me Baby!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon