CHAPTER 164

40 6 0
                                    

CHAPTER 164
MM'S P.O.V
Maaga akong gumising ngayon para ipaghanda ng almusal ang future wife ko. 
"Aga nating nagising sir ah!"
Napalingon naman ako kay Manang at ngumiti.
"Gusto ko po kasi ipagluto si Alex"nakangiti Kong sagot. Ngumiti naman si Manang
"Ang sweet mo talagang bata ka!"sabi niya sa akin. 
"Ganun po talaga manang! Mapagmahal po ito eh!"sagot ko sabay kindat. 
"Hay naku! Ikaw talagang bata ka! Tulungan na nga kita diyan!"sabi pa ni Manang. Tumango na lang ako
"Sige po"sagot ko at nagluto na lang.
"Mukhang masarap ah!"sabi pa niya. 
"Sadya pong masarap iyan!"sagot ko
"Okay sige nga! Tikman ko ha"sabi pa niya.
"Sige po"sagot ko. Nag-intay naman ako ng reaction ni Manang.
"Ano po?"tanong ko. 
"Masarap siya"nakangiting sagot niya. Napa-yes! Na lang ako.
"Iba talaga kapag may pagmamahal iyong niluto eh"biro pa ni Manang. Ngumiti namana ako
"Hmmm wow! Mukhang masarap iyan manang ah!"rinig kong sabi ni Manang. Hindi pa yata niya ako nakikita, sinenyasan ko naman si Manang na huwag maingay. Dahan-dahan akong lumayo habang siya naman ay palapit.
"Good morning iha!"bati ni Manang kay Alex.
"Good morning din po Manang"bati ni Alex. 
"Mukhang masarap yata po iyang niluto niyo ah"sabi pa niya. Agad niya itong tinikman at kita Kong ngumiti siya. Kaya napangiti naman ako
"Ang sarap po Manang" sabi pa niya. Dahan-dahan naman akong lumapit
"Hindi ako ang nagluto niyan" sabi ni Manang.
"Po? Sino po?"tanong ni Alex
"Ako" sagot ko. Saka niyakap siya mula sa likuran.
"Good morning BabyLove" bati ko pa saka ipinatong ang baba ko sa Balikat niya
"Good morning din BabyLove ko" sagot niya saka umikot paharap sa akin. Ngumiti naman ako at hinalkan siya ng mabilis.
"Ehem! Nandito pa ako" tikhim ni Manang. Natawa na lang kami at nahihiyang tumingin sa kanya.
"Sorry po Manang" hinging paumanhin ni Alex.
"Hay! Naku! Sabay na ako sa inyong dalawa" sagot ni Manang. 
"Ay! Manang naman eh!" Parang bata na sabi ni Alex saka yumakap Kay Manang.
"Huwag ka ng mahiya sa akin bata ka!"tumatawang sabi pa ni Manang sa kanya.
"Oh siya! Ganyan muna kayo! At ihahanda ko lang ang breakfast niyo!" Paalam pa sa amin ni Manang.
"Tutulong po kami" sabi ko
"Naku! Huwag na! Baka Hindi pa tayo madali!" Tanggi ni Manang.
"Hindi po kami manggugulo! Tutulong lang po kami" sagot ko. Umiling naman siya
"Huwag na! Kaya ko na naman eh!" Sagot niya saka iniwan kami. Pero maya-maya ay sumilip siya
"Behave kayo diyan ha!" Bilin niya bago umalis ulit. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Si manang talaga!" Natatawang sabi ko pa.
"Pinagtitripan yata tayo" sabi pa ni Alex habang napanguso. Lumapit naman ako at hinalikan siya
"Ikaw talaga! Di ba sabi ni Manang behave! Pati ni Mama!" Saway sa akin ni Alex.
"Okay lang iyan! Wala naman sila eh!" Katwiran ko pa, saka siya hinila para palapit sa akin. Hinamapas naman niya ako
"Hoy! Baka makita tayo ni Manang! Isumbong niya tayo sa parents natin!" Saway niya ulit. Tumingin naman ako sa may pinto
"Hindi iyan! Atsaka ihahug lang naman kita eh" sagot ko at niyakap siya.
"Bakit?" Biglang tanong naman niya
"Wala! Namiss ko lang ang hug mo" sagot ko saka kumalas ng yakap sa kanya.
"Asus! Konting tiis lang naman! After nating ikasal! Pwede na ulit tayong magtabi! At gawin ang mga dati nating ginagawa" sabi naman niya saka isiniksik ang mukha niya sa dibdib ko.
"Miss na miss na talaga kita" sabi ko. Saka yumakap ulit sa kanya

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now