CHAPTER 161

33 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Pagkatapos namin maayos ang mga kailangan para sa binyag ni Baby Sofia. Agad narin kaming naghiwalay-hiwalay. Napagkasunduan namin na sa isang araw na ganapin ang binyag ni baby tutal naman tapos na ang mga kailangan. Pero habang pauwi kami, hindi parin mawala sa isip ko ang mga rebelasyon kanina nina Jon at ate Cassy. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Kasi kita Kong baklang-bakla talaga si Jon. At walang bahid ng pagiging lalaki! Kita ko kung paano siya lumandi sa mga lalaki na nagugustuhan niya. Kaya hindi ko malubos maisip kung paano nangyari iyon!?. Tapos si Ate Cassy naman! Ang daming gwapo at mga sikat na personalidad na nanligaw sa kanya pero tinatanggihan niya lang ito. Lagi niyang sinasabi na may standard daw siya at masyadong mataas ito! Pero paanong nagustugan niya si Jon? Hay!,nakakaloka talaga!!
"Hanggang ngayon iniisip ko pa ba sina Jon at Cassy?"tanong sa akin ni MM habang nagdadrive siya, tumingin naman ako sa kanya.
"Oo! Nakakaloka naman kasi"sagot ko, na siyang ikinatawa niya. Nagtaka naman ako, teka! Bakit parang hindi siya gulat na gulat tulad namin?
"Bakit parang hindi ka nagulat?"tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin saglit at ngumiti.
"Nagulat din ako! Pero hindi katulad ng gulat niyo"sagot niya. Dahilan para lalo akong magtaka
"Ha? Bakit hindi ka na nagulat ng husto?"tanong ko ulit sa kanya.
"Eh kasi, pansin ko na sila matagal na! Close na close talaga sila! Ngayon lang naman nagbago eh"sagot niya. Dahilan para lalo akong macurious.
"Ang ibig mong sabihin....pansin mo na may gusto sila sa isa't-isa? Pero bakit kami? Hindi namin nahalata!"tanong ko pa.
"Siguro dahil hindi mo pa sila matagal ka kilala"sagot niya
"Pero bakit naman sina RC at Rhian?"tanong ko ulit.
"Eh kasi masyado silang busy sa mga buhay nila kaya hindi nila pansin"sagot ulit niya. Napatango naman ako
"Pero kailan mo napansin na may gusto na sila sa isa't-isa?"pagtatanong ko ulit. Napailing naman siya tapos tumingin sa akin.
"Talagang interesado ka ah!"nakangisi niya pang sabi. Tumango naman ako
"Oo naman! Nacucurious talaga ako eh"sagot ko. Mukha naman siyang nag-isip
"Wait lang ha! Iisipin ko kailan ko nahalata na may gusto sila sa isa't-isa"sabi pa nito.
"Ah!"masayang sabi pa niya
"Ano? Kailan? Kuwento mo naman!"pamimilit ko pa sa kanya. Tumango naman siya 
"Ganito kasi iyon! Nagbar kami noon, siyempre..inom-inom...sayaw-sayaw..landi-landi! Ganun! Pero ng time na iyon tahimik lang ako at pinapanood lang sila. Wala ako sa mood noon eh! Pero nawala ang pagkabagot ko ng mapansin ko sina Jon at Cassy na halinlinan na tumitingin sa isa't-isa. Noong Una, akala ko baka naglalaro lang sila! Pero lalo akong naintriga ng biglang may lumapit kay Cassy na lalaki. Nakita ko kung paano sumimangot si Jon at uminom na lang ulit. Kita ko kung paano niya titigan sina Cassy at iyong lalaki habang nagsasayaw. Napangiti naman ako ng time na iyon."pagkukuwento niya. 
"Pero iyong kay ate Cassy?"tanong ko ulit.
"Wait! Hindi pa kasi ako tapos eh"sabi pa niya.
"Okay! Sige tuloy mo"sabi ko pa at nakinig.
"Iyon nga! Nang time na iyon! Biglang tumayo si Jon. Akala ko susugurin niya sina Cassy pero napailing na lang ako ng bigla siyang lumapit sa isang lalaki at niyaya itong makipagsayaw sa kanya. Halata Kong sinadya niya talagang lumapit sa pwesto nina Cassy. Tiningnan ko naman ang reaction ni Cassy ng makita si Jon na may nilalanding lalaki. Kita ko kung paano siya nainis at iniwan ang kasayaw niya at padabog na bumalik sa upuan niya at uminom na lang ulit"pagpapatuloy pa niya. Grabe! Hindi parin ako makapaniwala! Ang galing nilang magtago.
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyan?"tanong ko ulit.
"Eh kasi nakalimutan ko na dahil sa sobrang daming nangyari! Atsaka akala ko, wala namang nangyari sa kanila. Kaya hayun hindi ko na pinansin"paliwanag pa niya.
"Ah! Pero tingin mo? Kailan naging sila?"pangungulit ko pa.
"Ngayon"agad na sagot niya dahilan para manlaki ang Mata ko
"Ngayon lang talaga?"gulat na tanong ko pa. Tumango naman siya
"Yap! Ngayon lang ang mga iyon naging sila! Kung hindi pa sila aksidenteng naghalikan! Hindi pa aamin eh"natatawang sabi pa niya. Natawa na lang din ako
"Pero bagay sila ha!"sabi ko pa. Tumingin naman ulit siya sa akin
"Parang tayo"sabi niya sabay kindat. 
"Aysus! Magdrive ka na nga lang!"utos ko pa. Ngumiti naman siya
"Aysus! Kinikilig ka lang eh! Ayaw pang ipahalata"tukso niya. Kaya hinampas ko siya
"Pakiss nga!"sabi pa niya kaya pinalo ko ulit siya.
"Magdrive ka na nga!"utos ko ulit at tumalikod sa kanya. Pero lalo niya lang tinigil ang sasakyan.
"Dali na Babylove! Pakiss na muna"hirit pa niya. 
"Okay! Sige na!"pagsuko ko at saka siya hinalkan. Alam ko naman kasi na hindi iyan titigil eh! Hangga't hindi napagbibigyan.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now