CHAPTER 10

126 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Buwesit! Ang sarap pa naman sanang matulog! Sino kaya itong abala sa pagtulog na ito?
"Teka lang saglit!!"sigaw ko, habang palapit sa may pinto para buksan ito.
"Bakit ba? Abala ka sa pag-.."di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang kumakatok. Oh my!! Patay ako!!
"So ano nganga na lang ganun? Aba! Ipapaalala ko lang sayo ha! P.A kita! P.A! Kaya naman tungkulin mong gumising ng maaga para ihanda iyong gagamitin ko! At ipapaaalala ko lang din sayo na may shooting ako ngayon! Mukhang hindi mo alam eh! At mukhang wala kang balak na gumising pa! Hoy! Late na ako!"talak niya sa akin. Napatungo na lang ako, dahil sa hiya.
"Sorry!"nasabi ko na lang..
"Sorry! Sorry! Bilisan mo na diyan! Kailangan na nating umalis! Huwag kang mag-alala na ihanda ko na iyong mga gagamitin ko! Nakakahiya naman sayo eh!"dagdag pa niya. Nakatungo lang ako, hindi ko kayang tingnan siya eh! 
'Grabe nakakahiya ka Alex! First day mo palpak ka! Pati ba naman second day ganun parin!'saway ko pa sa sarili ko.
"Oh! Ano pang tinutunganga mo diyan! Kilos na! Baka gusto mo pang ako pa ang mag-ayos sayo! Kaloka! Ako ang nagmukhang P.A!"utos pa niya, at tuluyan ng umalis. Nakatingin lang ako sa kanya habang papaalis siya. After noon! Nagmadali na akong maligo at mag-ayos! Baka kasi matalakan pa lalo ako nito. Nakajeans lang ako at simpleng T-shirt! Okay na ito!. Dali-dali na akong bumaba para puntahan si ate M na mukhang badtrip na badtrip na sa akin.
"Okay na po ako! Tara na po!"sabi ko pa pagkababa ko. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo.
"Wala ka bang balak kumain muna?"tanong niya, 
"Wag na po! Late na po kayo!"sabi ko pa
"No! Kumain ka na muna! Baka himatayin ka pa doon! Tapos sabihin pa nila na ginugutom kita! Kaya kumain ka na muna! Atsaka di ba sabi ko sayo na huwag mo na akong i-po! Kulit mo din eh ano!"sabi pa niya but this time nakangiti na siya. 
"Sorry! Pero late ka na?"pagtatanong ko pa, umiling naman siya. 
"Okay lang! Sige na! Kumain ka na!"sagot niya habang tinutulak ako sa dinning area. Di na naman ako nag-inarte pa, at kaagad na kumain.
"Pero teka lang! Sino ang naghanda nito? Eh mukhang wala naman iyong mga maid mo dito ah?"di ko maiwasang itanong habang kumakain ako.
"Ako"sagot niya, nanlaki naman ang Mata ko at tumingin sa kanya.
"Ikaw!?"gulat na sabi ko na may kasama pang turo sa kanya. Tumango lang naman siya.
"Oo! Kaya kumain ka na diyan! At bilisan mo na! Kasi sa kakatanong mo diyan baka lalo pang malate tayo"utos niya sa akin. Kumain na lang ako ulit, sadya naman binilisan ko na sa pagkain para makaalis na kami.
"Tapos na ako! Tara na!"pag-aaya ko pa sa kanya. Ngumiti lang naman siya at naglakad na palabas. Kaagad naman akong sumunod sa kanya at sumakay na rin sa sasakyan niya.
"Ahmm..thank u"nahihiyang sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na parang nagtataka.
"Para saan?"tanong niya..
"Thank u kasi kahit lagi akong palpak, hindi mo parin ako tinatanggal sa trabaho"sagot ko sabay ngiti sa kanya.
"Ah iyon ba!? Balak ko na nga sana eh"natatawang sabi niya. Napanguso na lang ako..
"Pero naisip ko kailangan mo ito! Atsaka pinakiusap ka sa akin ni Tyrone kaya huwag kang mag-alala wala akong balak na tanggalin ka. Kahit na nga puro ka palpakan ka!"dagdag pa niya, hindi ko naman napigilan na hampasin siya.
"Oh! Oh! Close tayo teh? Makahampas ka diyan ah! Pero seriously wala akong balak na tanggalin ka! Nakalimutan mo na ba na may utang na loob ako sayo! Dahil sa ginawa mo kahapon"seryosong sabi niya sa akin.
"Hindi naman ganun kalaki ang naitulong ko ah"sagot ko naman. Totoo naman di ba?
"No! Ang laki ng naitulong mo! Akala mo lang hindi! At gusto ko sanang pakiusapan ka na sana lubos-lubusin mo na"nakangiting sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.
"Di ba kahapon! Nagkaroon ng problema kasi hindi dumating iyong sisteret ko. Kaya ikaw iyong pinalit namin"sagot niya, tumango naman ako..
"Oo! Tapos?"tanong ko ulit.
"Iyon na nga kasi! Hindi parin dadating si sisteret ko, kaya kung pwede lang sana na ikaw iyong maging partner ko sa movie"dagdag pa niya na ikinagulat ko.
"Ano? Partner?"pasigaw na tanong ko pa.
"Teka kumalma ka nga!"saway pa niya sa akin.
"Oo kasi ikaw na rin naman iyong partner ko sa photoshoot kahapon, kaya ikaw narin iyong partner ko sa movie. Pero don't worry saglit lang naman eh! Parang extra ka lang doon! Promise! Kailangan lang talaga ng character ng isang girl! Please sana pumayag ka! Please!"pakiusap pa niya. Napabuga na lang ako ng hangin. Ano bang nangyayari? Bakit na papunta ako dito? Di ba P.A ako? 
"Please! Sana pumayag ka! Parang-awa mo na! Ikaw na lang ang pag-asa ko!"pakiusap pa niya, paano ba ito?
"Okay sige na! Pumapayag na ako"sagot ko.
"Talaga?"tanong pa niya, tumango naman ako, pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap...
"Thank you so much"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz