CHAPTER 144

49 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Hindi ko mapigilang hindi mapatawa, sigirado akong inis na inis na sila. Hahahaha!
"Daan tayo sa Mall"sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin
"May bibilihin ka ba?"tanong niya. Umiling naman ako
"Wala! Gusto ko lang magselfie doon"nakangiting sagot ko. Inihinto naman niya ang sasakyan at tumingin sa akin.
"Ano na namang kalokohan ang naiisip mo ha?"tanong niya sa akin. 
"Ha? Wala ah! Magseselfie lang talaga ako doon"sagot ko, sabay kindat sa kanya.
"Hay naku Alex! Ibang klase din talaga ang trip mo ngayon ah!"umiiling na sabi pa niya sabay paandar ng sasakyan. Lihim naman akong nagdiwang, ayos! 
"Oh! Nandito na tayo"sabi niya sa akin. Agad naman akong bumaba, at nagselfie. Sinugurado ko talaga na makikita ang pangalan ng mall. After Kong magselfie ay agad din akong nagyaya sa kanya.
"Tara na!"yaya ko. Di makapaniwalang tumingin naman siya sa akin.
"What?? Nagselfie ka kang talaga?"di makapaniwalang sabi pa niya. Tumango naman ako
"Oo! Di ba sabi ko sayo!"nakangiting sagot ko. Napahilamos na lang siya sa mukha niya.
"My gosh! Alex! Ano bang trip mo? Magsayang ng gasolina?"tanong pa niya
"Hindi no! Gusto ko lang talagang magselfie sa kung saan-saan"sagot ko. Napailing na kang siya
"Hay naku! Okay! Sige na! Tara na"yaya pa niya. Agad naman akong ngumiti at hinalikan siya.
"Thank you Baby"sabi ko pa sabay sakay sa sasakyan
"Kahit ano! Para sayo"sagot pa niya, at sumakay narin sa sasakyan.
"Oh saan naman ang punta natin ngayon?"tanong niya bago paandarin ang sasakyan.
"Sa park"nakangiting sagot ko. Tumango naman at pinaandar ang sasakyan. Bumalik naman ang tingin ko sa cp ko, at tiningnan ang mga litrato ko. Agad naman akong pumili ng magagandang pictures at ipinost ito. Napangiti na lang ako ng makita Kong nagreact si Ate Cassy. 
"Ano naman ang ngini-ngiti mo diyan? May kalokohan ka na namang ginawa ano?"tanong sa akin ni MM. Agad naman akong umiling
"Wala ah"sagot ko.
"Weh? Huwag ka ng tumanggi"sabi pa niya. Napanguso na lang ako
"Oo na! Aamin na! Pinost ko ulit iyong pictures ko"pag-amin ko. Napapreno naman siya
"Ano??? Alex naman! Maawa ka naman sa kanila!"sabi pa niya. Agad naman akong sumimangot
"Eh dito ako masaya eh!"malungkot na sabi ko.
"Pero Alex! Sigurado akong magagalit sila diyan sa mga pinaggagawa mo"pangaral pa niya sa akin.
"Sorry! Okay na! Sige na! Ako na ang Mali"nakasimangot na sabi ko pa. Sabay talikod sa kanya
"Uwi na tayo! Huwag na tayong pumunta sa park"yaya ko pa sa kanya.
"Paano ba iyan? Nandito na tayo"sagot naman niya. Agad naman akong napatingin sa paligid
'Oo nga! Nandito na pala kami'
"Ayaw ko na! Balik na tayo!"kunwaring nagtatampo pa na sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya.
"Sorry na! Sige na! Hahayaan na kita sa trip mo"sabi pa niya. 
"Talaga"'parang bata na tanong ko pa. Tumango naman siya
"Oo kaya ngumiti ka na diyan! Huwag ka ng magalit"sagot pa niya.
"Payag ka na magpicture ako dito? Tapos ipost ko?"tanong ko ulit. Natawa naman siya
"Oo na! Papayag na ako"sagot niya. 
"Eh parang napipilitan ka naman eh"reklamo ko pa. Ngumiti naman siya 
"Hindi ah! Kung gusto mo pa? Ako na ang kumuha sayo ng litrato eh"sabi pa niya. Nagliwanag naman ang mukha ko
"Talaga? Ikaw iyong magpipicture sa akin?"tanong ko pa. Tumango naman siya
"Oo"sagot niya.
"Promise?"tanong ko ulit.
"Promise!!"sagot niya sabay taas ng kanang kamay. Agad ko naman siyang kiniss 
"Thank you Baby ko!"nakangiting sabi ko pa.
"Welcome"sagot niya sabay kiss din sa akin.
"I love you"sabi ko pa.
"I love you too"sagot niya. Muli ko naman siyang hinalikan ulit this time medyo matagal
'Hahahaha! Alam ko na sasabihin niyo! Ang landi namin! Inggit kang kayo! Hahahaha!'

-.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now