CHAPTER 98

74 5 0
                                    

CHAPTER 98
MM'S P.O.V.
After tumawag sa akin ni Alex, nagmadali na rin akong umuwi. Agad akong nagpaalam kina Cassy at sa mga beks. May lakad kasi kami ngayon, balak ko sanang humingi ng tulong sa kanila. Pero dahil nga tumawag si Alex, kailangan kong umalis at umuwi sa bahay. Hindi naman kasi siya tatawag ng ganun! Kung walang nangyari. Kaya hindi ko maiwasang kabahan.
'Sana okay lang siya'dasal ko pa sa utak ko. At kahit gustuhin kong makarating ng mabilis. Eh hindi nakisama sa akin ang tadhana. Dahil ganito naman palagi! Na kapag nagmamadali ka, pasigla ang traffic. Hindi na nagbago! Palagi na lang kainis!! 
"Kalma lang MM!! Makakarating ka rin!!"pagpapakalma ko pa sa sarili ko. At buti naman at nakarating din ako. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ko at pumasok sa bahay. 
"Alex!! Baby!!"tawag ko sa kanya. Kaso walang sumasagot kaya lalo akong kinabahan. Agad akong nagtatakbo sa taas at nagtungo sa kwarto niya. 
"Alex!!"tawag ko pero wala siya. Nasaan na siya? Agad kong kinuha ang cp ko at sinubukang tawagan siya. Kaso ring lang ng ring. 
"Please Baby! Sagutin mo!!"pakiusap ko pa. Pero talagang walang sumasagot. Agad ko namang inikot ang buong bahay nagbabakasakaling nagtatago lang siya pero wala! Ano ba iyan!!? Nasaan na ba siya? Muli kong dinial ang number niya at tinawagan siya pero, hindi parin siya sumasagot. 
"Buwesit!! Alex!! Nasaan ka na ba? Huwag mo naman akong takutin oh!! Please labas ka na diyan!!"sigaw ko pa. Pero wala parin sumasagot. Napaupo na lang ako at napahilamos sa mukha. 
"Nasaan ka na ba?"
Kinakabahan na talaga ako, hindi ko maiwasang matakot at mapaiyak. Sana pala hindi ko na lang siya iniwan mag-isa. Hindi sana ganito! Paano na lang kung may masamang nangyari sa kanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Habang umiiyak naman ako ay biglang tumunog ang cp ko. Kaya agad ko itong sinagot na hindi na tinitingnan kung sino iyong tumawag.
"Hello"sagot ko
"Hello Sis!" Si Cassy pala
"Oh! Bakit ka napatawag? Kung wala naman kwenta ang sasabihin mo! Saka ka na lang tumawag! May mahalaga pa akong gagawin! Hahanapin ko pa si Alex"sagot ko naman.
"Iyon na nga ang dahilan kung bakit ako tumawag sis!! Para sabihin sayo kung nasaan si Alex"sabi naman niya. 
"Nasaan siya?"agad na tanong ko.
"Relax sis!"pang-aasar pa niya.
"Sabihin mo na lang! Dahil hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala kanina pa!"pagtataray ko pa. Rinig ko naman natawa siya
"Okay! Sige na!! Sasabihin ko na!"natatawang sabi pa niya
"Bilis!!"utos ko
"Nasa hospital siya"sabi pa nito. 
"Ano????"gulat na tanong ko. Ito na nga ang sinsabi ko eh! Naku! Kapag may masamang nangyari talaga sa kanya! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Saang hospital sis? Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya? Ano bang nangyari? Sis! Sumagot ka! Ano ba?"sunod-sunod na tanong ko pa. Nag-aalala na talaga ako.
"Wait lang sis! Relax ka lang! Okay na naman siya eh! Kakatawag lang sa akin ni Tita! Pinasasabi niya sayo na nasa Hospital nga daw sila dahil dinala nila doon si Alex. Kanina pa daw sila tawag ng tawag sa iyo kaso hindi ka daw macontact"sagot pa nito. Pero wait! Tita? Sinong tita?
"Teka sis! Sinong tumawag sayo?"tanong ko pa
"Si tita! Iyong Nanay mo"sagot naman nito. Nanlaki naman ang mata ko.
"Ano? Si Nanay? Ano naman ang ginagawa niya dito?"tanong ko pa.
"Aba'y malay ko! Hindi ko na natanong! Ikaw ang anak hindi mo alam!!"pabalang naman na sagot nito. Sarap tuktukan eh!!
"Oo na!! Ako na ang pabayang anak! Okay na!"sarkastikong sagot ko. Tumawa lang naman siya
"Hahaha! Baliw ka talaga sis! Kaloka ka! Oo nga pala! Naitext ko na sayo kung saang Hospital! Bilisan mo na! Lagot ka kay tita!"natatawang sabi pa nito.
"Okay! Sige! Thank you!"pasasalamat ko pa at inend na ang tawag. Agad narin akong tumayo at umalis para puntahan si Alex....

ALEX'S P.O.V
Kahit medyo masakit pa ang ulo ko, pinilit ko namang iminulat ang mata ko. Nasaan ako?
"Okay ka na ba iha? Kamusta ang pakiramdam mo?"agad na tanong sa akin ni Nanay.
"Nasaan po ako? Ano pong nangyari?"tanong ko.
"Nasa Hospital ka iha! Dinala ka namin dito ng Ate Mika mo, after mong mawalan ng malay kanina"sagot naman sa akin ni Nanay. Nawalan ako ng malay? Oo nga pala! Naalala ko na..nag-uusap nga pala kami kanina ni Nanay tapos... Napatingin naman ako kay Nanay
"Nay"pagtawag ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala iha! Sabi naman ng doctor okay ka-"
"Alex!! Baby!! Okay ka lang ba?"biglang sulpot ni MM at niyakap ako.
"Okay lang ako! Huwag ka ng mag-alala"sagot ko. 
"Paano naman ako hindi mag-aalala! Kung nalaman ko na sinugod ka sa Hospital! Wala man lang akong kaalam-alam."malungkot na sabi pa niya. Agad ko namang hinawakan ang mukha niya at ngumiti sa kanya.
"Okay nga lang ako! Kaya huwag ka ng malungkot diyan"nakangiting sabi ko pa. Hinawakan naman niya ang kamay ko
"Sorry ha! Kasi iniwan kitang mag-isa kanina!"paghingi pa niya ng tawad sabay halik sa kamay ko. Hindi ko naman napigilan na panggigilan siya.
"Huwag ka na ngang mag-alala! Okay nga lang ako eh"sabi ko pa.

"OO NGA NAMAN IHO! OKAY LANG SIYA!! BUTI NA LANG AT DUMATING KAMI DAHIL KUNG HINDI BAKA MAY MASAMANG NANGYARI NA SA KANYA"

Napalingon naman kami kay Nanay na nakapameywang pa habang masamang nakatingin kay MM. 
"Nay...Aaarrraayyy!!"sigaw pa ni MM dahil piningot siya ni Nanay. Natawa na lang ako...hahaha kawawang baby ko...

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon