CHAPTER 50

113 8 0
                                    

MM'S P.O.V
Tahimik lang ako, na nakaupo dito sa loob ng dressing room ko. Ilang araw narin ang nakalipas nung nagpunta kami sa secret place ko. Pero hanggang ngayon hindi parin mawala wala sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ba ako nagkakaganito? Natatakot na ako! Naloloka na ako! 
"Lalim ng iniisip natin ah!"
Napalingon naman ako sa may pinto, si Cassy lang pala.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Wala lang!"sagot niya at naupo. Tumango na lang ako..
"Anong iniisip mo?"tanong niya.
"Wala naman! Kung ano-ano lang"sagot ko.
"Iyong totoo sis?"seryosong sabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at napatungo.
"Si Alex iyan no?"tanong pa niya, napatingin naman ako sa kanya at umiling.
"Hindi ah!"tanggi ko.
"Asus! Nagdeny ka pa! Masyado kang halata sis! Para magdeny pa!"sabi naman niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo"sagot ko sa kanya.
"Hindi mo alam o dini-deny mo lang!?"sabi pa niya. 
"Ewan ko sayo! Bahala ka diyan!"sabi ko at tumingin na lang ako sa cp ko. Bigla naman niyang inagaw ang cp ko.
"Ano ba? Akin na iyan!"sigaw ko sa kanya. Dinilaan lang naman niya ako.
"Ayaw ko nga! Mag-usap muna tayo!"sagot niya. Inirapan ko lang siya
"Ano bang pag-uusapan natin?"naiinis na tanong ko.
"Tungkol sayo! At Kay Alex"nakangiti niyang sabi.
"Ano namang tungkol sa amin?"tanong ko.
"Ano ng estado niyo?"muntik naman akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya.
"Ano bang klaseng tanong iyan? Kaloka ka!"ganting sabi ko sa kanya. 
"Nakakatawa ka alam mo iyon!"dagdag ko pa.
"Tsk. Akala mo ba hindi ko napapansin? Iyong mga galawan mo, kung paano ka kumilos kapag kasama mo siya! Iyong mga ginagawa mo para sa kanya. The way you look at her. Halatang may kakaiba!"mahabang sabi pa niya. Napalunok naman ako, pero nagkunwari parin akong hindi ko siya gets.
"Alam mo para kang sira! Normal lang naman iyon ah! Kaibigan ko iyong tao! Kahit sayo rin naman ganun ako ah!"sagot ko,
"Normal ba iyon? Normal lang ba na magkiss kayo? Take note sa labi pa ha!-"
"Kailangan iyon sa movie, at lasing si Alex noon"putol ko sa sasabihin niya.
"Eh noong premiere night? Anong reason mo doon? Bkit mo siya hinalikan? At bakit muntik na kayong maghalikan ng nasa sinehan tayo? Akala mo ba hindi ko kayo nakita?"tanong pa niya, nagulat naman ako. Nakita niya iyon?
"Ano nagulat ka no?"dagdag pa niya.
"Wala lang iyon!"sagot ko, habang pinapakalma ang sarili ko. Grabe iyong kaba sa dibdib ko ngayon.
"Wala lang? Pero bakit parang iba iyong nakikita ko?"pangungulit pa niya.
"Aba Malay ko sayo! Tanong mo sa Mata mo"pamimilosopo ko pa. 
"Nung nasa bar tayo, di ba kahit busy tayo sa pag-iinuman at pagsasayaw hindi parin mawala ang tingin mo sa kanya. Na kahit may mga lumalapit na lalaki sayo hindi mo sila pinapansin kasi ang Mata mo Kay Alex lang nakatingin. At ng may lumapit, sa kanyang lalaki hindi ka nag-atubiling tumayo at lumapit sa kanya. At talagang nagpakilala ka pang bf niya ha! Para lang mapaalis iyong lalaking lumapit sa kanya. Ngayon sabihin mo! Wala lang lahat ng iyon!" Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pilit Kong sinasabi sa sarili ko, pinaniniwala ang sarili ko na nag-aalala lang ako sa kanya, dahil kaibigan ko siya.
"Ano natameme ka diyan!? Tapos iyong nangyari kailan lang. Iyong pagsapak mo kay Tyrone. Akala mo ba hindi ko alam na ex siya ni Alex?"sabi pa niya, nakakunot-noo naman akong tumingin sa kanya.
"Paano mo nalaman?"gulat na tanong ko.
"Narinig ko kayong nag-uusap ni Alex noon"sagot naman niya. Tumango naman ako
"Sinapak ko siya kasi ang yabang niya! Nakakinis siya!"sagot ko pa.
"Alam mo ng mayabang talaga siya, noon pa man! Pero bakit ngayon ka lang nagreact ng ganyan!"tanong niya ulit.
"Siguro kasi sumusobra na siya!"sagot ko.
"Sumusobra? O dahil naiinis ka kasi nagseselos ka?"pagtatanong pa niya.
"Ano? Saan naman galing iyon?"kunot-noong tanong ko.
"Umamin ka na kasi!"pangungulit pa niya.
"Wala akong aaminin!"matigas na sabi ko.
"Sige sis! Magdeny ka pa! Bahala ka! Ikaw din ang mahihirapan!"sabi pa niya, inirapan ko lang siya. Wala naman akong aaminin! 
"Ba't di pa sabihin...ang di mo maamin🎶🎶🎶.."kanta pa niya, binato ko naman siya.
"Manahimik ka !!"sigaw ko pa...tumawa lang naman siya. Kainis eh! Dagdag pa siya! Naguguluhan na nga ako! Ginugulo pa niya....!!!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now