CHAPTER 13

102 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Naging maayos naman ang shooting ng movie ko, natapos na namin ang eksenang kasama si Alex. At laking pasasalamat ko na natapos na din iyong mga eksena namin. Nakakayamot narin kasi ang mga pang-aasar sa akin ng mga kasama namin! Lalong-lalo na si direk. At salamat din kasi wala kaming shooting ngayon. Makakapagpapahinga ako! Wala ako sa mood lumabas ngayon! Gusto ko lang at ang magpahinga. Ilang linggo din na sunod-sunod ang trabaho ko eh! After ng shooting mayroon pang guesting! At kung ano-ano pa. Kaya ibibigay ko ang araw na ito sa sarili ko para makapagpahinga.
"Meme!! Gusto mo bang sumama? Lalabas kami! Magboboyhunting!"pagyaya pa nina Rhian. Umiling naman ako
"Ayaw kong lumabas ngayon! Wala ako sa mood! Gusto ko munang magpahinga"sagot ko naman. 
"Ah! Okay! Ikaw bahala! Sige ha! Alis na kami! Mag-eenjoy lang muna"paalam pa nila at tuluyan ng umalis. Nahiga lang naman ako sa sofa, buti na lang kasya ako dito! Tinatamad kasi akong umakyat sa kwarto ko eh! Tahimik lang ako habang nanonood!
"Ate M!"rinig kong tawag sa akin.
"Oh? Bakit?"tanong ko habang nakatingin parin sa TV.
"Gala naman tayo! Kakainip sa bahay eh!"pagyaya pa niya.
"Wala ako sa mood! Bakit di si Tyrone ang yayain mo!!"sagot ko sa kanya.
"Ngek! Alam mo namang hindi pwede iyon! Atsaka palagi iyong busy!"sagot naman niya. Malakas ang pakiramdam ko na nakanguso na naman siya ngayon. Sa halos isang buwan na magkasama kami! Medyo nakikilala ko na rin siya. Pati iyong mga mannerism niya. 
"Eh di yayain mo iyong mga kaibigan mo! Sino ba ang mga iyon? Ah! Sina Pauline at Lexi!"sabi ko pa. Pero hindi parin tumitingin sa kanya.
"Lalo ng hindi pwede ang mga iyon! May trabaho sila ngayon eh! Kaya nga ikaw na lang iyong niyaya ko eh!"sagot pa niya. Hindi ko naman napigilang bumangon at tumingin sa kanya.
"So sinasabi mo ba na no choice ka pa niyan! Dahil wala kang pwedeng isama kaya ako na lang! Ganun ba?"tanong ko pa sa kanya. Umiling naman siya kaagad.
"Hindi naman sa ganun!"sagot pa niya.
"Ayusin mo! Hindi iyong mukhang dapat ko pang ipagpasalamat na niyayaya mo ako! Kaloka ka!"pagtataray ko pa. Lumapit naman siya sa akin at umabay. Feeling close talaga ito! Wala pa kaming isang buwan na nagkakasama, aba! Kung magdemand sa akin akala mo kung sino!? Ang galing!
"Naman eh! Tara na nga lang gumala! Dali na!! Wala ka namang trabaho ngayon eh! Wala ka ring schedule ng shooting ngayon! Kaya free ka ngayong araw na ito! Kaya dali na! Samahan mo na ako!!"pagpipilit pa niya. Sabi ko sa inyo eh! Kita niyo na? Di ba? Ang galing niya! Kung makapilit lang! Daig pa niyang boss.
"Ayaw ko nga! Atsaka eh ano naman kung free ako today? Gusto Kong magpahinga! At wala ako sa mood na lumabas ngayon!"sagot ko. Pero hindi parin siya talaga tumigil at sadyang hinihila pa ako.
"Dali na nga! Tumayo ka na diyan! Samahan mo na ako!"pilit pa niya sa akin habang hinihila ako. Kahit kailan talaga ang kulit niya! Pasalamat talaga itong babaeng ito mabait ako! Dahil kung hindi matagal ko na itong pinatapon! Abala sa pahinga ko eh! 
"Wala nga ako sa mood!! Gusto ko lang gawin sa mga oras na ito ay ang magpahinga!"sabi ko pa sa kanya. Napanguso lang naman siya tapos akala mo at iiyak na.
"Ang damot mo talaga!! Para minsan lang ako humiling eh! Hindi mo pa ako mapagbigyan! Samantalang ako ng humiling ka na-"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang akong tumayo at hinila rin siya patayo.
"Oo na! Heto na! Sasama na! Magbibihis lang ako!"pagsuko ko..ngumiti naman siya ng napakalaki..
"Yes!! Ang bait mo talaga!!"nakangiting sabi pa niya. Inirapan ko lang naman siya..
"Che! Ewan ko sayo! Lakas mo din mangunsensiya no! Pambihira ka!"sabi ko pa at ngalakad na papunta sa kwarto ko. Pambihira naman oh!! Kakasabi ko lang na gusto kong magpahinga ngayong araw na ito pero ano? Nganga! Buwesit na babaeng iyon! Porket may utang na loob ako sa kanya dahil sa pagpayag niya na gumanap na partner ko sa movie. Lakas makapangblackmail! Kung alam ko lang na magkakaganito! Eh di sana pala sumama na lang ako sa mga beks! At least doon makakapag-enjoy pa ako! Madami pang mga boys!!
"Bilisan mo lang ha! Mainipin kasi ako eh!"sigaw pa niya.
"Matuto kang maghintay! Buwesit!!"ganting sigaw ko sa kanya. Natawa lang naman siya. Padabog ko namang binuksan ang pinto ng kuwarto ko! Ang sarap talagang itapon ng babaeng iyon! Ang lakas ng trip! Lakas makapang-asar! Ano kaya ang nagustuhan ni Tyrone doon! Mukhang baliw naman iyong babaeng iyon eh!. Simple lang ang sinuot ko! Boy look ano ngayon! Wala kasi ang mga bakla kaya NP choice! Nagsuot din ako ng jacket at at nagcap. Mahirap na baka makilala ako! Baka maging issue pa ito. Ayaw ko naman na mabasa na lang na:
[ 'isang sikat na gay icon! Nakita na may kadate! At nakakagulat pa ay hindi boy ang kadate niya kung hindi isang babae!']
Nakakaloka iyon! Kaya kailangan talagang mag-ingat. Lalo na at ang kasama ko ay iyong babaeng iyon. Sigurado akong agaw atensiyon siya..
"Ang tagal mo naman! Huwag ka ng magpaganda pa!"rinig Kong sigaw pa ni Alex. Napailing na lang ako, at binuksan na ang pinto.
"Oh hayan na okay na!"sabi ko pa, nakatingin lang naman siya sa akin. Ay Mali! Nakanganga siya habang nakatingin sa akin...
"Laway mo baka tumulo!"bulong ko sa kanya at tuluyan na siyang nilagpasan. Napangiti na lang ako habang naglalakad pababa. Hahahaha

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now