CHAPTER 122

62 6 0
                                    

CHAPTER 122
ALEX'S P.O.V
Excited akong pumasok sa kusina, pero nawala iyong ngiti ko ng makita kong wala sa loob si MM. Agad akong tumingin Kay Papa
"Sabi niyo Pa, nandito si MM?"tanong ko sa kanya. Kita ko namang nagtinginan sila ni mama. Kaya parang kinabahan na ako, bigla kong naisip ang sinabi ni Tyrone sa akin.
"Pa! Ma! Sabihin niyo po sa akin! Nasaan si MM?"naiiyak na tanong ko. No! Sana Mali ang hinala ko! Lumapit naman sa akin si Papa at Mama at niyakap ako.
"Princess"tanging nasabi lang nila. Agad akong kumalas sa pagkakayap sa kanila at nagtatakbo paakyat papunta sa kwarto ko. 
"Princess!!!"tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin. Dire-diretso akong pumasok at kinuha ang cp ko para tawagan si MM. Kaso hindi ko na siya macontact. Napaiyak na talaga ako, ayaw kong tanggapin pero natatakot na ako. 
"Princess!! Tahan na! Makakasama iyan sayo"agad na sabi ni mama pagkapasok nila sa kwarto ko. Pero iyak lang ako ng iyak.
"Pa! Ma! Please po sabihin niyo sa akin na hindi siya umalis di ba? Di ba po nandito lang siya? Di ba po hindi niya ako iniwan? Please po! Sabihin niyo sa akin!!"tanong ko habang patuloy na umiiyak. Niyakap lang ako ni mama
"Please po Ma!"pakiusap ko pa.
"I'm sorry Princess"sabi pa ni Papa. Kaya lalo akong napahagulhol sa pag-iyak. 
"No! Hindi siya umalis! Hindi niya ako iiwan!! Hindi niya kami iiwan ng baby namin! Hindi!!"sigaw ko pa. 
"Tama na Princess! Makinig ka muna sa amin. Ipapaliwanag namin lahat! Kaya please huminahon ka! Huwag ka ng umiyak! Makakasama iyan sayo eh!"pagpapakalma pa sa akin nila. Pero hindi ko talaga mapigilan hindi mapaiyak! Ang hirap kasing tanggapin eh! Bakit niya ako iniwan? Bakit siya umalis? Bakit?
"Listen to me Princess! Huminahon ka muna!"pakiusap pa ni Papa. Tumango naman ako.
"Please po! Ipaliwanag niyo po sa akin ang lahat! Dahil hindi ko po maintindihan! Bakit niya po ako iniwan? Bakit niya kami iniwan?"pakiusap ko pa. Tumango naman si Papa at pinunasan ang luha ko.
"Okay! Listen! Umalis muna saglit si MM, may kailangan lang kasi siyang ayusin! Pero nangako siya na babalik siya kaagad pag naayos na niya ang dapat niyang ayusin! Kaya huwag ka ng umiyak! Babalik siya!"paliwanag ni Papa. 
"Ano po ang kailangan niyang ayusin? Kailangan ba talaga iyon? Important ba iyon kaysa amin? Kaya niya kami iniwan?"tanong ko. Umiling naman sila
"No! Princess! Mas mahalaga kayo sa kanya! Pero kailangan niya lang umalis! Sana maintindihan mo iha!"sagot naman ni mama.
"Kung mahalaga kami sa kanya, bakit kailangan niyang umalis?"sagot ko.
"Listen Princess! Alam ko na mahirap tanggapin na umalis siya. Pero sana maintindihan mo siya!"sabi pa ni mama. 
"Paano ko siya maiintindihan? Kung hindi man lang siya nagpaalam sa akin! Hindi niya man lang sinabi ang dahilan niya sa akin!"sagot ko pa.
"Hindi na siya nakapagpaalam sayo kasi mahihirapan lang siyang makapagpaalam sayo. Kaya mas pinili niyang hindi na magpaalam"paliwanag pa ni papa. Bakit ganyan sila! Bakit parang okay lang sa kanila na iniwan ako ni MM? 
"Princess! Hindi naman sa kinakampihan namin si MM. Pero naiintindihan namin siya, kaya sana maintindihan mo din siya. Nangako naman siyang babalik siya eh!"sabi pa ni mama. 
"Ano nga po bang dahilan niya? Bakit ayaw niyong sabihin sa akin?"tanong ko. Nagtinginan naman sila bago ulit tumingin sa akin
"I'm sorry Princess! Hindi namin masasabi sayo ang dahilan. Nangako kasi kami sa kanya na hindi namin sasabihin eh"sagot naman ni Papa.
"Please Pa! Please po! Sabihin niyo sa akin!"pakiusap ko pa. Pero umiling lang sila.
"I'm sorry Princess!"sabay nilang sabi. Umiyak na lang naman ako. Ang daya naman nila eh! Bakit ayaw nilang sabihin sa akin?
"Maiintindihan mo rin ang dahilan Princess! Hintayin na lang natin siya ang magsabi sayo pagbalik niya"sagot naman ni Mama. 
"Di ko po alam! Dahil ngayon wala akong maintindihan ngayon! Naguguluhan po ako! Tanging malinaw lang po sa akin ngayon ay, nasasaktan po ako ngayon"sagot ko. Pinunasan ko naman ang luha ko tapos ay tumingin sa kanila.
"Iwan niyo na po muna ako"sabi ko pa. Nag-aalalang tumingin naman sila sa akin.
"Please po"pakiusap ko ulit.
"Pero hindi ka pa kumakain?"nag-aalalang sabi pa ni mama
"Wala po akong gana! Iwan niyo na po muna ako"sagot ko.
"Pero...hindi ka pwedeng hindi kumain! Alalahamin mo ang Baby mo iha!"sabi pa ni Papa. Umiling naman ako
"Kakain po ako pamaya! Huwag po kayong mag-alala!"sagot ko.
"Okay sige! Iiwan ka muna namin"sabi pa ni mama at tumayo na sila.
"Thank you po"sabi ko pa bago sila tuluyang lumabas. Pagkalabas naman nila ay agad akong himiga at doon na humagulhol ng iyak...

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now