CHAPTER 132

62 7 0
                                    

CHAPTER 132
ALEX'S P.O.V 
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na engaged na kami ni MM. 
"I love you baby"bulong pa niya sa akin. Natawa na lang ako, hindi ko na mabilang kung nakakailang 'I love you' na siya mula ng makarating kami sa bahay. 
"Nakakailang I love you ka na ha!"natatawang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hinalikan ako ng mabilis.
"Hindi ako magsasawang magsabi sa iyo ng I love you kahit kailan"nakangiting sagot niya at niyakap ako ng mahigpit. Hinampas ko naman ang kamay niya.
"Uy! Baka maipit si Baby"saway ko sa kanya. Niluagan naman niya ang pagkakayakap sa akin.
"Sorry Baby!"kausap pa niya sa tiyan ko habang hinahaplos ito. 
"Okay lang daw"sagot ko naman sa kanya. 
"Excited na akong lumabas siya!"nakangiting sabi pa niya. 
"Ako din, kaso natatakot din ako"pag-amin ko.
"Bakit?"nag-aalalang tanong niya.
"Siyempre first time ko kaya manganak"sagot ko. Natawa naman siya
"Andito naman ako eh! Huwag kang mag-alala sasamahan kita"nakangiting sagot niya sabay kindat. Binatukan ko naman siya
"Sira ka! Sasamahan mo lang ako! Pero ako parin naman ang makakaramdam ng sakit"sagot ko sa kanya.
"Iyon lang! Pero don't worry! Ikikiss na lang kita para kahit papaano mawala iyong sakit"sagot naman niya, dahilan para pingutin ko ang tainga niya.
"Diyan ka magaling!! Kahit kailan ang landi mo talaga!!"talak ko sa kanya. Napanguso na lang siya habang hawak-hawak ang tainga niya.
"Aray naman baby! Ang hilig mo talaga manakit"reklamoniya. Hinawakan ko naman ang tainga niya. 
"Sorry baby"hinging paumanhin ko pa at kiniss ko siya sa pisnge. Pero nagtatampo parin siya, kaya naman pinaghahalikan ko siya habang kinikiliti siya
"hahahaha...Baby tama na....ayaw ko na"pagsuko niya.
"Nagtatampo ka parin ba sa akin?"malungkot na tanong ko. Ngumiti lang siya at umiling
"Joke lang naman iyon eh!"sagot niya sabay halik sa akin. Naoangiti na lang ako at kiniss ulit siya pero medyo matagal.

"Ehem!! Ehem!! Ehem!!"

Rinig namin kaya agad kaming napahiwalay sa isa't-isa at lumingon kay Mama.
"Matulog na kayong dalawa! Tama na iyang katamisan niyo diyan! Baka maging kambal na ang anak niyo diyan!"sabi pa ni mama. 
"Mama naman eh!!"dabog ko.
"Oh bakit? Tama naman ang sinabi ko ah!"sagot naman ni mama. 
"Opo! Matutulog na nga po kami"sagot ko na lang.
"Mabuti kung ganun! Bawal din sa buntis ang magpuyat"sabi pa ni Nanay. Napanguso na lang ako at tumayo na.
"Opo!"sagot ko. At humarap kay MM
"Ano? Tatawa ka lang ba diyan?"mataray na tanong ko. Kanina pa kasi siya tawa ng tawa eh.
"Sorry Baby! Natawa lang ako kay mama eh"sagot niya habang tumatayo.
"Mauna na po kami ma!"paalam ko pa. Tumango lang naman siya.
"Wait! May tanong lang ako kay mama"pigil sa akin ni MM.
"Ano naman iyon?"tanong ko. Pero ngumiti lang naman siya at tumingin kay mama.
"Ano iyon iho?"tanong naman sa kanya ni mama.
"Tanong ko lang po Ma! Ayaw niyo po ba ng kambal na apo"rinig kong tanong ni MM kay mama.
"MM!!!"sigaw ko sa kanya. Nagpeace sign lang naman siya. Si mama naman natawa na lang
"Para sagutin ang tanong mo iho! Okay lang naman sa akin kung ang magiging apo namin ay kambal"natatawang sagot pa ni mama. Agad ko namang hinawakan sa braso si MM 
"Mauna na po kami ma! Goodnight po"paalam ko pa at agad na hinila si MM.
"Teka lang Baby! Dahan-dahan baka naman matampilok ka"pigil niya pa sa akin. Agad ko naman siyang binitiwan at sinamaan ng tingin.
"Buwesit ka!! Kung ano-ano pinagsasabi mo! Hindi ka na nahiya kay mama!"inis na sabi ko pa sa kanya. Ngumiti lang naman siya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong binuhat.
"Uy!!! Ibaba mo nga ako!!"utos ko pa sa kanya. Habang pinaghahampas siya.
"Huwag kang malikot Baby! Baka mahulog ka"saway pa niya sa akin.
"Ibaba mo kasi ako!!!"utos ko sa kanya. Umiling lang naman siya at mas binilisan ang paglalakad niya. Hanggang sa makapasok kami sa kwarto. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama. Nakangiti siya sa akin samantalang sinamangutan ko lang siya.
"Smile ka na Baby! Sorry na..."nakangiti pang sabi niya sabay halik sa noo ko, pababa sa ilong ko hanggang sa mapunta sa pisnge ko
"Huwag ka ng magalit sa akin"nakangiting sabi pa niya sabay halik sa labi ko. Hindi naman ako tumugon kaya huminto siya at tumingin ulit sa akin.
"Sorry na"pagpapacute pa niya. Kaya hindi ko na napigilang hindi mapangiti.
"I love you Baby..."nakangiti pa niyang sabi.
"I love you too Baby"sagot ko sabay hatak sa kanya para halikan siya....

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now