CHAPTER 109

104 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Sobrang saya ko dahil buhay ang baby namin! Ligtas ang mag-ina ko. Pero nahihiya parin ako talaga ako kay doc. Hindi ko naman gustong suntukin siya eh, kaso nadala na ako ng emosyon ko. Paano ba naman kasi! Hindi niya pa diniretso kaagad. Paputol-putol pa siya sa pagsasalita! Hayan tuloy nasapak ko siya! Natakot kasi ako eh, akala ko wala na ang baby ko! Kaya sorry siya!.
"Grabe meme! Kakahiya ka! Sinapak mo talaga si doc eh! Kaloka ka! Kawawa siya tuloy! Gwapo pa naman siya!"sabi pa ni Jon sabay hampas sa akin. 
"Paano naman kasi siya eh! Tinakot niya ako! May pa pakaba-kaba pa siyang nalalaman, hindi pa niya diniretso ang sasabihin niya. Kaya hayun tuloy na sapak ko siya!"katwiran ko pa. 
"Eh paano niya maitutuloy ang sasabihin niya! Kung sabat ka ng sabat diyan! Aber?"sabat naman ni Rhian. Inirapan ko lang naman siya, at muling ibinalik ang paningin ko kay Alex na ngayon ay mahimbing na natutulog.
"Pwede na man niya ituloy eh! Siya lang talaga iyong pasuspense! May pa..'wala...na...po..' Siya pang nalalaman!"sagot ko.
"Kasalanan pa pala talaga ni Doc no? Iba ka din eh! Ikaw na nga ang may kasalanan! Ikaw pa iyong akala ay tama! Wow! Ang galing!"sarkastikong sabi pa ni RC. 
"Talaga! Pareho lang kaming may mali!"sagot ko pa. 
"Hay naku! Ewan ko sayo sis! Ikaw na itong may mali! Tapos ikaw pa itong akala mo ay tama!"sabi naman ni Cassy.
"Oo na! Mali na ako! Ano? Ayos na? Okay na kayo?"pabalang na sagot ko. Napailing naman sila
"Hay! Relax ka lang! Baka kami naman ang masapak mo mamaya eh!"natatawang sabi pa ni Cassy. Muli ko naman silang inirapan at tumingin na lang ulit kay Alex. Napadako naman ang tingin ko sa tiyan niya. Napangiti na lang ako, hindi ko parin akalain na may Baby na sa Tiyan niya. Kung titingnan mo kasi flat lang siya, hindi pa kasi halata na buntis siya. Hindi parin ako makapaniwala na magiging Daddy na ako. Para kailan lang kasi, bakla ako. Tapos unti-unting nagbago ng makilala ko si Alex. Hindi ko akalain na posible palang magmahal ako ng babae. At posible din akong mahalin ng tulad niya. 
"Sis!"pagtawag pa ni Cassy sa akin. Kaya napalingon ako sa kanila.
"Bakit?"tanong ko.
"Labas muna kami ha! Iwan muna namin kayong dalawa"sagot pa niya. Tumango na lang ako bilang sagot. At tuluyan na nga silang lumabas. Napabuntong hininga na lang ako at muling bumaling kay Alex.
'Sana paggising mo! Sana hayaan mo akong magpaliwanag sayo! Please baby'
Hinawakan ko naman ang kamay niya at hinalikan ito..
"Baby..sorry ha..sorry na nagsinungaling ako sayo. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Hindi ko naman talaga balak gawin iyon eh! Kaso nadala ako ng selos ko. Nasaktan kasi ako ng magsinungaling ka sa akin para lang makipagkita kay Tyrone. Oo! Alam ko! Narinig kita noon! Kausap mo siya! Kaya ang sakit sa akin na nung tinanong kita kung sino iyong kausap mo? Ang sabi mo si mama! Alam mo ba gusto kong umiyak ng time na iyon. Pero pinigilan ko, umarte parin ako na wala lang! Na okay lang ang lahat! Tapos ng hapon na makikipagkita ka sa kanya. Umaasa ako na saabihin mo sa akin ang totoo. Pero hindi eh! Sinabi mo makikipagkita ka sa mga kaibigan mo. Gusto kitang pigilan noon pero hindi ko ginawa. Dahil wala naman akong karapatan eh! Kaya hinayaan na lang kita. Pero hindi mo alam na nandoon ako! Nandoon ako ng tawagin ka ni Tyrone ng 'Love' at yakapin ka niya at halikan tapos hindi ka man lang nagreact. Hinihintay ko na itulak mo siya pero hindi mo ginawa. Kaya ang sakit sa akin noon! Hindi ko kinaya kaya nagtatakbo ako palayo. Naisip kong magpakalasing para makalimot man lang. Pero hindi ko akalain na maaaksidente ako. Alam mo ba? Ninais ko talaga ng mga oras na iyon na sana mawalan na lang ako ng alaala. Pero hindi nangyari eh!"huminto muna ako sa pagsasalita para punasan ang luha ko. 
"Alam mo ba ng magising ako! Ikaw agad ang naisip ko. Pero hindi ko pinahalata iyon lalo na ng makita kong kasama mo si Tyrone. Balak ko lang sana na biruin kayo na wala akong maalala pero di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisip kong ituloy. Siguro dahil sa selos, nagpadala ako sa selos! At iyon ang pinagsisisihan ko ngayon. Sana pala hindi ako nagpadalos-dalos. Hindi ako nagpakanega! Sana pala hinintay kitang sabihin sa akin ang totoo! Sana pala hindi ko ginawa iyon! Kaso puro na lang sana iyon eh! Kasi huli na! Nagawa ko na! Nasaktan na kita! At hindi ko na mababago iyon! Sana nga lang mapatawad mo pa ako."patuloy ko pa.
"Hindi naman ako nagmamadali eh! Alam ko naman na kasalanan ko kaya may karapatan kang magalit. Pero sana huwag kang magpapakastress kasi makakasama iyan sayo at kay baby. Kung ayaw mo akong makita okay lang! Ako na ang mag-aadjust! Huwag ka lang mahirapan at mastress. Payag akong magbayaran ang nagawa ko. Basta lang! Huwag kang mawawala sa akin! Basta ba huwag mo akong iiwan! Dahil hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Hindi ko kakayanin na mawala kayo sa buhay ko. Mahal na mahal kita."sabi ko pa sabay halik sa noo niya. 
"Mahal na mahal din kita baby."sabi ko pa sabay halik sa tiyan niya.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa"nakangiting sabi ko pa... Tumayo muna ako at lumabas para puntahan sina Cassy.
"Kayo na muna ang bahala sa mag-ina ko ha! May pupuntahan lang ako"bilin ko sa kanila.
"Ha? Saan naman ang punta mo?"tanong pa ni Cassy sa akin.
"Basta! May gagawin lang ako! Kayo na muna ang bahala sa mag-ina ko ha! Huwag niyo silang pababayaan!"sabi ko pa.
"Wait lang! Paano kung hanapin ka niya?"tanong pa niya. Napangiti naman ako ng mapakla.
"Iyon yata ang napakalabong mangyari! Dahil sa mga oras na ito ako ang pinakahuli niyang gustong makita kita!"sagot ko. 
"MM/meme!"malungkot na sabi pa nila..
"Huwag kayong mag-alala okay lang ako"sagot ko pa at ngumiti ng pilit.
"Pero kung may chance! Na hanapin niya ako...sabihin niyo na lang sa kanya na umalis lang ako saglit. Pero babalik din ako kaagad! Huwag sana siyang mag-alala! Kasi hindi naman ako magpapakita sa kanya kung ayaw niya. Ayaw ko na kasing maulit pa ito eh! Na mapahamak ulit sila ng dahil sa akin"malungkot na sabi ko pa at tuluyan ng umalis....Mahirap para sa akin ito! Pero kung sakali man na hilingin niya na layuan ko siya, at huwag akong magpapakita sa kanya. Gagawin ko! Hindi dahil sumusuko na ako! Kung hindi, dahil mahal ko siya. At ayaw ko ng mapahamak ulit sila ng dahil sa akin.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now