CHAPTER 39

107 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
After ng nakakahiyang eksena kanina, nagdiretso kaming tatlo sa isang bar. Sobrang ingay sa loob, at ang wild ng mga tao. Tahimik lang akong nakaupo sa isang sulok, samantalang sina Cassy at ate MM ay masayang nag-iinuman. Dumating din ang mga beks, kaya lalo silang naging maingay. Nakatingin lang ako sa kanila, kita Kong may lumapit na isang lalaki kay ate MM tapos may binulong ito sa kanya. Napasimangot na lang ako, ang landi! 
"Okay ka lang ba miss?"napalingon naman ako sa nagsalita. Isang chinitong lalaki na nakangiti, ang nakita ko sa aking harapan.
"Ha? Oo naman"sagot ko na lang.
"Ah! And by the way I'm Mark"pagpapakilala pa niya sabay lahad ng kamay niya. Tiningnan ko lang naman siya, nagdadalawang-isip kasi ako kung tatanggapin ko ito o hindi.
"Huwag kang mag-alala! Hindi ako masamang tao! Kung iyan ang inaalala mo! Wala akong balak na masama sayo"nakangiti pa niyang sabi. Medyo nahiya naman ako, wala namang masama kung makipagkilala ako sa kanya no? Mukha naman siyang mabait eh!
"Hehehe sorry"nahihiyang sabi ko pa.
"Ako nga pala si-"
"I'm Miggy, her boyfriend"
Gulat na tumingin naman ako Kay ate MM, dahil sa ginawa niya. Hanu raw? Bf? 
"Oh! Sorry! Hindi ko alam na bf pala siya! Akala ko kasi wala siyang kasama"hinging paumanhin pa ni Mark. 
"Pero ngayon alam mo na! Na hindi siya mag-isa! Kasi kasama niya ako! BOYFRIEND NIYA"sabi pa ni Ate MM na sadyang diniinan ang pagkakasabi ng 'BOYFRIEND NIYA' 
"Pasensiya na ulit brad!"sabi pa ni mark bago tuluyang umalis. Pagkaalis ni Mark ay kaagad kong hinarap si ate MM
"Ano iyon? Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sinabing bf kita?"sunod-sunod na tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko
"Ginawa ko iyon para tigilan ka na ng lalaking iyon"sagot niya sabay inom.
"Ha? Eh nakikipagkilala lang naman iyong tao eh! Atsaka mukha naman siyang mabait"sabi ko pa sa kanya. Tiningnan naman niya ako
"Mukhang mabait lang? Hindi ka sigurado! Eh paano kung hindi pala siya mabait? Isip-isip din! Huwag kang magpapaniwala sa itsura! Hindi porket mukhang mabait! Mabait na nga"sagot naman niya. May point naman siya doon!
"Pero! Bakit mo sinabing bf kita?"pagtatanong ko pa.
"Wala lang! Para magmukhang effective! Kita mo naman di ba? Umalis kaagad siya"balewalang sagot naman niya. Tumango lang naman ako, 
"Pero bakit sa daming pwede mong sabihin, boyfriend pa talaga? At diniinan mo pa talaga ha?"tanong ko pa.
"Di ba nga sabi ko para mas effective! Bakit ba ang kulit mo!"sagot niya. 
"Teka nga! Bakit ba parang nanghihinayang ka?"tanong pa niya.
"Ha? Hindi ah"tanggi ko.
"Ah! Akala ko ay nanghihinayang ka!"sabi pa niya, napangisi naman ako.
"Medyo! Sayang din! Gwapo siya ha!"malokong sagot ko pa. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Hayun! Kaya! Eh bakit di mo habulin! Kung nanghihinayang ka!"mataray na sabi niya.
"Huwag na! Nakaalis na naman siya eh! Atsaka ang alam niya may bf ako! At baka magalit din kasi ang bf ko"natatawang sabi ko pa. Napailing lang siya
"Tsk..hindi man lang marunong magpasalamat"pabulong na sabi niya sabay inom. Napangiti na lang ako..
"Salamat ha!"nakangiti Kong sabi sa kanya. Umirap lang siya
"Labas sa ilong! Halatang napipilitan lang"sabi pa niya. Hinawakan ko naman ang mukha niya at hinirap sa akin.
"No! Seryoso salamat ha!"sabi ko pa. Ngumiti naman siya
"Atsaka huwag kang magtampo diyan! Inaasar lang kita! Hahaha! Wala akong hilig sa mga gwapo"sabi ko pa.
"Wala daw? Kaya pala kanina ay titig na titig ka doon sa lalaking iyon"sabi pa niya, sabay inom ulit. Inagaw ko naman at nilayo ang iniinom niya.
"Tama na nga iyan! Masama iyan! Kanina ka pa inom ng inom eh"saway ko sa kanya.
"Atsaka, hindi ko type iyon no!"sabi ko pa. Tumingin naman siya sa akin, medyo mapungay na ang Mata niya. Halatang lasing na..
"Bakit sino ba ang type mo?"tanong pa niya, medyo nailang naman ako. Ang lapit kasi ng mukha namin sa isa't-isa.
"Ah..eh..wala"naiilang na sagot ko.
"Anong wala! Sino nga!?"pangungulit pa niya sabay lapit ulit. Napalunok naman ako, habang nakatingin sa kanya. Paano ba ito?
"Sino ba ang type mo"tanong pa niya habang nakatingin sa akin. Amoy na amoy ko naman ang Alak na ininom niya, kaya parang nahihilo narin ako. Nakatingin lang ako sa mga Mata niya.
"Ikaw"biglang nasambit ko. Oh my!! Agad Kong tinakpan ang bibig ko.
"Ah eh! Mali!!"bawi ko pa. Natawa naman siya, habang umaayos ng upo.
"Ako pala ang type mo ha"pang-aasar pa niya, habang tawa ng tawa. Napayuko na lang ako, kainis! Bakit ko ba nasabi iyon! Asar!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora