CHAPTER 72

80 5 0
                                    

MM'S P.O.V

"MAHAL KITA"
Nagising naman ang diwa ko ng marinig ko iyong sinabi niya. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. 
"A-aalex"medyo paos na sabi ko. Nabigla naman ako ng bigla niya akong yakapin. 
"Tinakot mo ako sobra!"umiiyak na sabi pa niya habang nakayakap sa akin. Napakunot naman ang noo ko, teka lang!
"Wait"sabi ko pa at kumalas sa pagkakayakap niya. 
"Okay ka lang ba?"tanong pa niya, pero sa halip na sumagot ay inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Paanong? Paano ako napunta sa kwarto ko? Di ba nasa kalsada ako? Tiningnan ko naman ang katawan ko. Okay ako! Pero paano nangyari iyon? Di ba naaksidente ako? Nabunggo ako kanina di ba? Anong nangyayari?
"Okay ka lang?"tanong niya muli. Napatingin naman ako sa kanya.
"Anong nangyari?"tanong ko.
"Hindi ko alam! Basta narinig na lang kitang nagsisigaw. Kaya dali-dali akong nagtatakbo papunta sa kwarto mo. Pilit kitang ginigising pero ayaw mong magising. Kaya nataranta na ako, natakot na ako. Akala ko hindi ka na gigising! Akala ko mawawala ka na sa akin"pagkukwento pa niya habang patuloy na umaagos ang luha niya. Kahit naguguluhan pa ako, agad ko namang pinunasan ang luha niya. 
"Ssshhhh...tahan na"pag-aamo ko pa, yumakap naman ulit siya sa akin. Napangiti naman ako, buti na lang pala panaginip lang ang lahat. Akala ko totoo na, buti na lang at hindi! Natakot at naloka ako doon ah! 
"Sorry natakot kita"sabi ko pa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Aray naman!"daing niya, at agad naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Sobra ka naman makayakap"reklamo pa niya. Natawa naman ako
"Sorry!namiss lang kita"sabi ko pa. At hinila ko siya kaya sabay kaming nahiga. Niyakap ko naman siya para hindi makaalis.
"Alam mo natakot ako"sabi ko pa, tumingala naman siya para tumingin sa akin.
"Bakit?"tanong niya.
"Ang sama kasi ng panaginip ko"sagot ko naman. 
"Halata nga! Iyak ka ng iyak eh tapos sigaw ng sigaw! Ano bang napanaginipan mo?"tanong naman niya. 
"Napanaginipan ko kasing iniwan mo ako! Sumama ka kay Tyrone, mas pinili mo siya! Tapos sabi mo hindi mo ako kayang mahalin! Natakot talaga ako, akala ko totoo na! Buti na lang at panaginip lang pala ang lahat."pagkukuwento ko pa, buti na nga lang talaga at panaginip lang ang lahat ng iyon, kasi hindi ko kaya!
"Sshhh...hindi mangyayari iyon! Hindi kita iiwan"sabi naman niya. Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Yumuko naman para magkapantay ang mukha namin.
"Promise ha! Huwag mo akong iiwan! Dito ka lang!"sabi ko pa. Tumango naman siya..
"Promise!! Hinding-hindi kita iiwan lalo na ang ipagpagpalit kay Tyrone"nakangiting sabi pa niya. Napangiti narin naman ako.
"Promise mo iyan ha! Huwag na huwag kang sasama doon sa Tyrone na iyon! Huwag kang lalapit sa kanya"parang bata na sabi ko pa. Natawa naman siya at pinisil ang ilong ko.
"Oo nga po! Promise ko po! Hindi ako sasama sa kanya"natatawang sabi pa niya. Hinalikan ko naman siya sa noo, at niyakap.
"Ikaw din ha! Huwag mo akong iiwan! Huwag na huwag!"sabi naman niya.
"Promise! Hindi kita iiwan! Hinding-hindi!"sagot ko.
"Promise! Hindi mo ako ipagpapalit sa iba?"tanong pa niya. Kiniss ko naman siya pero smack lang. 
"Promise! Dahil wala ng ibang pwedeng ipalit sayo! Nag-iisa ka lang!"nakangiting sagot ko pa. Ngumiti naman siya at isiniksik ang katawan niya sa akin. 
"Baby! Huwag kang masyadong sumiksik! Alam mo na.."sabi ko pa. Nakanot-noo naman siyang tumingin sa akin.
"Ha? Bakit?"tanong niya, 
"Hehehe, basta!"sagot ko. 
"Bakit nga kasi?"pagtatanong niya ulit at lalong isiniksik ang katawan niya sa akin. Ano ba naman ito? Patay tayo diyan! Wooohh!!
"Ba-baby please!! Ayaw kong magkasala!"pakiusap ko pa sa kanya. Pero sa halip na lumayo ay ngumisi lang siya at dinantay pa ang paa niya sa hita ko. Oh no!Pinapahirapan talaga niya ako eh! Naku! Naku! Hindi yata ako makakatupad sa pangako nito sa parents niya ah! 
"Ba-baby! Huwag mo akong pahirapan! Huwag mo akong subukan!"pakiusap ko ulit. Pero para talagang sinusubukan niya ako. Lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Mukhang kinakabahan kaya yata baby? Pinagpapawisan ka pa oh!"pang-aasar pa niya. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin sa kanya. 
"Parang-awa mo na please! Hanggang kaya ko pa!!"pagmamakaawa ko. Lumayo naman siya habang tumatawa.
"Hahaha! Nakakatawa ang itsura mo! Hahaha kung nakita mo lang!"tawa lang siya ng tawa. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inaasar mo ako ha! Sige! Tingnan natin!
"Ganyan pala ang gusto mo ha!"nakangisi kong sabi habang papalapit sa kanya. Natigik naman siya sa pagtawa.
"Hep! Anong gagawin mo? Lumayo ka nga! Huwag kang lalapit!"kinakabahang sabi niya habang umaatras. Nakangiti lang ako sa kanya, ito pala ang gusto mo eh! 
"Bakit parang natatakot ka baby? Di ba gusto mo ito?"tanong ko pa at dinag-anan siya. Pilit naman niya akong tinutulak.
"Uy ano ba! Umalis ka nga diyan! Ayaw ko na! Sorry na!"sabi pa niya habang tinutulak ako.
"Walang ayawan! Walang atrasan!! Ginusto mo ito! eh!"sabi ko pa, kita kong kinakabahan na talaga siya. Kaya lihim akong napangiti.
"Natatakot ka ba?"pagtatanong ko pa habang inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin
"MM"pabulong na sabi pa niya. Ngumiti naman ako at lalong inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa mukha niya 
"Alex"pagtawag ko sa kanya. Ngumiti lang din siya sa akin at nakipagtitigan. Wala naman akong balak ituloy ito, gusto ko lang siyang takutin. Pero parang nahypnotize na ako...at hindi ko napigilan ang sarili ko. Tuluyan kong tinawid ang pagitan namin at hinalikan siya. Bahala na....

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now