CHAPTER 59

109 9 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Medyo kinakabahan ako, bigla kasing tumawag sa akin si mama at pinapauwi ako ngayon. Kaya kaagad akong naghanda, kinansel muna namin ang guesting namin at shooting ngayong week. Buti na nga lang pinayagan nila ako, salamat narin kay ate MM este MM na lang pala. Huwag ko na daw siyang tawaging 'ate', ang ackward daw kasi. 
"MM! Alis na ako!"sigaw ko habang kumakatok sa kwarto niya. 
"Saglit lang!"rinig Kong sigaw niya, at binuksan niya ang pinto. Napakunot-noo naman ako ng makita ko siyang bihis na bihis, at may dala-dalang gamit. 
"Ano Tara na?"tanong pa niya, kaya lalo akong napakunot ng noo.
"Saan ang punta mo?"tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin sabay kuha ng mga gamit ko.
"Sasama sayo"sagot niya at nauna ng maglakad pababa. Teka! Ano raw? Sasama sa akin? Agad ko naman siyang hinabol
"Teka lang! Anong sabi mo? Sasama ka sa akin? Hindi pwede!"matigas na sabi ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Pilit ko namang inaagaw ang bag ko pero inilayo niya lang ito. Ang kulit!
"Sa ayaw at sa gusto mo! Sasama ako tapos!!"sagot naman niya sa akin. Umiling naman ako
"No! Hindi ka sasama sa akin!TAPOS!!"may diin na sagot ko. Pero inirapan lang niya ako at nagdire-diretso ng bumaba. Agad ko naman siyang hinabol
"Hoy! Teka lang!"tawag ko sa kanya, pero ang loko! Mas lalo pang binilisan at nagtatakbo palabas. Buwesit! Ano bang naisip nito at nagpupumilit sumama? Hindi ko naman siya niyaya ah! 
"Saraduhan mo ang pinto! Ilock mo! Heto ang Susi!"sabi pa niya sabay hagis sa akin ng susi. Pero nagdire-diretso lang ako at hindi pinulot ang Susi. Bahala siya!
"Bakit hindi ikaw ang maglock eh bahay mo iyan?"ganting utos ko sa kanya. Napailing naman siya. Nilagay niya muna ang gamit namin sa sasakyan at naglakad pabalik para kunin ang susi. Lihim naman akong napangiti...habang nilalock niya ang bahay ay nagmadali naman akong kunin ang gamit ko. 
"Akala mo ha"nakangiti kong sabi ng makuha ko ang gamit ko. 
"At saan mo balak pumunta ha?"nakangisi niyang sabi. Napalunok naman ako.
"Aalis na!'matigas na sabi ko. Naglakad naman siya palapit sa akin.
"Eh di ibalik mo na iyan! Nang makaalis na tayo!"sabi naman niya. Umiling naman ako at mas hinigpitan ang kapit sa gamit ko
"Ayaw ko nga! Bakit ba kasi ang kulit mo? Di ba sabi ko sayo? HINDI KA PWDENG SUMAMA!!"may diin na sabi ko.
"Bakit ang kulit mo din? Di ba ang sabi ko? SASAMA AKO! Sa ayaw at gusto mo! Kaya ibalik mo na iyan!"sabi pa niya. Inirapan ko lang siya at nagsimula ng maglakad.
"Bahala ka sa buhay mo!"sigaw ko pa. 
"Bahala ako sa buhay ko? Eh paano iyan? Ikaw ang buhay ko! So ako ang bahala sayo?"ganting sigaw niya sa akin,dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. 
"Aaaahhhhh"tili ko, ng bigla niya akong buhatin. Kaya nabitawan ko ang gamit ko.
"Ano ba MM?!! Ibaba mo ako!!"pagpupumiglas ko pa.
"Huwag kang malikot diyan! Ibaba na kita!! Sa sasakyan nga lang!"sagot naman niya. 
"Di ba sabi ko sayo! Ako lang ang aalis hindi ka kasama!!"sabi ko sa kanya. 
"Kulit mo!"sabi niya at ibinaba na ako. Para buksan amg pinto ng sasakyan, gustuhin ko namang tumakbo pero hindi ko magagawa, yakap-yakap niya ako.
"Sakay ka na baby"nakangiti niya pang sabi, sinamaan ko lang siya ng tingin! Buwesit na baklang ito! Ano ba nakain nito at nagkakaganito siya?
"Hindi mo ako baby! Kaya huwag na huwag mo akong matawag-tawag na baby! Buwesit ka!"inis na sabi ko. Pero nginitian lang niya ako.
"Ikaw naman baby ko! Masyado kang hot!"nakangiti pa niyang sabi. Sasapakin ko na ito pamaya! Isa pa!
"Ano ba kasing problema mo ha? Bakit ba ang kulit mo ngayon?"nayayamot na tanong ko.
"Eh bakit ba ayaw mo akong isama? Gusto ko lang naman sumama eh!"malungkot na sabi pa niya. Naku! Naku! Alex huwag kang papadala!
"Hindi nga kasi pwede! Uuwi ako sa amin! At hindi ka pwede sumama doon!"paliwanag ko pa. Lalo naman siyang nalungkot, at binitiwan ako.
"Okay! Naiintindihan ko naman eh! Sige hindi na ako magpupumilit pa! Hahatid na lang kita"malungkot na sabi pa niya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Naman eh!"sabi ko pa. Tumingin naman siya sa akin, tapos ngumiting pilit
"Okay lang! Sige na! Hatid na lang kita kaya sakay ka na!"sabi pa niya. Kainis naman eh!!
"Bakit ba kasi gusto mong sumama?"tanong ko.
"Hindi na mahalaga iyon! Ayaw mo rin naman akong isama eh"sagot niya.
"Sumakay ka na! Ihahatid na kita"utos pa niya sa akin. Sumunod naman ako, paandarin na sana niya ng hawakan ko ang kamay niya.
"Sandali!"pigil ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin.
"Bakit?"walang emosyon na sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya..
"Okay!"nakangiti kong sabi, kumunot naman ang noo niya.
"Anong okay?tanong niya, lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya
"Okay na po! Pwede ka ng sumama! Kaya huwag ka ng magtampo diyan"nakangiting sabi ko pa. Kita kong nagulat siya, 
"Talaga?"tanong pa niya, tumango naman ako.
"Oo nga!"sagot ko, ngumiti naman siya at bigla akong niyakap.
"Thank you! Thank you!"tuwang-tuwang sabi pa niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan pero saglit lang. Tapos ngumiti siya sa akin..
"Thank u"sabi pa niya,tumango na lang ako at ngumiti. Nakakarami na ito ah! Basta-basta na lang nanghahalik! Pasalamat siya gusto ko siya! Hahahaha!!pero secret lang natin iyon ha..

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant