CHAPTER 56

120 7 0
                                    

MM'S P.O.V
Dahil wala sa bahay si Alex, naisip Kong baka doon siya nagtuloy sa apartment ng mga kaibigan niya. Kaya agad akong nagdrive, patungo sa apartment nina Pauline. Pagkarating ko agad kong itinabi ang sasakyan at patakbong nagtungo at kumatok sa pintuan.
"Tao po!! Pauline! Lexi!"tawag ko sa dalawa.
"Wait lang!!"rinig Kong sagot mula sa loob. 
"Oh ate MM? Kayo po pala?"gulat na sabi naman ni Pauline. Ngumiti naman ako sa kanya
"Hi Pauline! Tatanong ko lang sana kung nandiyan ba si Alex?"tanong ko.
"Po? Di ba po kayo ang magkasama?"balik na tanong nito sa akin.
"Magkasama nga kami kanina, kaso nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Kaya bigla siyang umalis, wala naman siya sa bahay kaya nagpunta ako dito. Nagbabakasakaling dito siya pumunta"malungkot na sabi ko.
"Ganun po ba? Pero pasensiya na po ate MM, pero wala po siya dito eh!"sagot naman niya, tumango na lang ako at ngumiti ng pilit.
"Ah! Sige! Hanapin ko na lang siya sa iba! Pero kapag pumunta siya dito, patawagan ako ha. At kung tumawag siya sa inyo, pasabi bumalik na siya. Hindi ko naman kasi sinasadya eh. Pasabi pasensiya na! At kung ayaw naman niyang bumalik sa bahay, okay lang na dito muna siya. Kasi kung saan-saan pa siua magpunta. Mas lalo akong mag-aalala"sabi ko pa. Tumango naman ito
"Sige po ate MM, makakaasa ka! Ingat po kayo!"sabi naman nito. Tumango lang ako at nagpaalam na.
"Hay! Saan ko ba siya hahanapin? Nasaan ka na ba Alex?"malungkot na sabi ko pa, at pinaandar na ulit ang sasakyan ko.

ALEX'S P.O.V
"Lumabas ka na diyan! Nakaalis na siya!"rinig Kong sigaw ni Pauline. Kaya lumabas na ako sa kwarto. Yes po! Nandito po ako sa dati kong apartment, dito ako nagdiretso after ng nangyari sa mall. 
"Nakaalis na siya?"pagtatanong ko pa, 
"Oo"sagot naman nito at inirapan ako. Napahalumbaba na lang ako..
"Hindi ka na naawa doon sa tao!"sabi pa nito. 
"Bakit naman ako maawa sa kanya? Aber? Inaway nga niya ako eh!"katwiran ko. Napailing na lang siya.
"Ewan ko sa inyong dalawa! Para kayong mga sira! Hindi pa kayo magjowa ng tayong iyan! Hay naku!"sabi naman niya. Napanguso na lang ako, basta! Ayaw ko muna siyang makita at makausap! Bahala siya!
"Kung makikita mo iyong itsura ni ate MM! Sigurado ako maaawa ka sa kanya!"biglang sabi pa nito. Napakunot-noo naman ako.
"Ha? Bakit ano bang itsura niya?"tanong ko
"Tulad mo! Pugto din ang Mata! Halatang galing sa pag-iyak. Tapos matagal ko na siyang kilala at napapanood sa TV, pero ngayon ko lang siya nakitang sobrang gulo ng buhok"pagkukuwento pa niya. Bigla naman akong nakonsensiya.. 
"Baka trip niya lang!"balewalang sabi ko.
"Anong trip ka diyan!? Eh halata namang sobrang nag-aalala sayo iyong tao eh!"pasigaw na sabi niya. Napataklob na lang ako ng tainga ko. 
"Bakit ka ba naninigaw?"tanong ko
"Para matauhan ka at umayos iyang pag-iisip mo! Para kang bata eh!"bulyaw pa niya. Lalo naman akong napasimangot, bawal na pala ngayon ang mag-emote.
"Pabebe!"rinig kong sabi pa ni Pauline. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Waaaahhhhh!!"rinig naman naming tili ni Lexi sa loob ng kwarto niya. Kaya nagkatinginan kami ni Pauline.
"Problema noon?"sabay naming tanong. 
"Waahhhhh!!! Alex!!! Tingnan mo ito dali!!!"sigaw pa niya habang nagmamadaling lumapit sa akin. Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya
"Ano naman iyan?"tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin na parang kinikilig. Agad ko namang kinuha ang cp niya at tiningnan kung ano ang tinitingnan niya. Lumapit din si pauline sa akin. Nanlaki naman ang Mata ko... 
"Oh my!!"sabi ko sabay takip sa bibig ko. 
"Aayyyyiieeee!!"tukso naman ng dalawa. Di ko naman sila pinansin at muling chineck kung tama ba ang basa ko.
"@babyMMmo: 
Sorry na...hindi ko naman sinasadya eh! Patawarin mo na ako please!!! Please BABY!!! Balik ka na🙏😞😢😢"

Iyan iyong nabasa ko sa tweet niya, ngayon lang yun, pero ang dami ng comments and reactions ng mga tao. 
"Para sayo iyan no? Uy!!! Ayiieee!"tukso pa ng dalawa. 
"Huwag nga kayo!!!"sabi ko habang pilit na itinatago ang kilig. 
"Uy! Kunwari hindi kinikilig!! Pero sobrang pula naman"pang-aasar pa ng dalawa. Napataklob na lang ako ng mukha ko..
"Baby🎶baby🎶baby🎶ohhh!!!"pagkanta pa nila. Binato ko naman sila..
"Tumigil nga kayo!!"sigaw ko..pero dinilaan lang nila ako..

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon