CHAPTER 175

96 6 0
                                    

CHAPTER 175
MM'S P.O.V
Hindi na kami nagtaka ng tinawagan kami ng apat at sabihing kailangan daw naming makipagkita. Dahil may sasabihin daw sila! 
"Sigurado ako aamin na ang mga iyon" pahayag ni Alex
"Siguro! Wala naman kasi akong maisip na dahilan kung bakit tayo nila pinapapapunta eh" sagot ko
"Anong gagawin natin? Aact ba tayo na nagulat?" Tanong niya pa.
"No!" Sagot ko. Dahil babatukan ko ang dalawang baklang iyon!
"So sasabihin natin sa kanila na alam na natin?" Tanong niya pa. Tumango naman ako.
"Okay! Patay sa akin iyong dalawang babaitang iyon!" Sabi niya pa. Kaya natawa na lang ako. Mabilis naman kaming nakarating tagpuan.
"Hey guys!!" Bati ko. Lumingon naman sila agad sa amin
"Alam niyo kapag may usapan ang barkada lagi kayong late dumating" puna sa amin ni Cassy. Habang may panuksong tingin. 
"Ganun talaga! May anak pa kaming inaasikaso no!" Sagot ko.
"Okay! Sabi niyo eh! Tara na nga! Naupo na tayo!" Yaya pa niya. Kaya naupo na kang kami. Habang nakatingin sa apat na nakaupong katapat namin.
"Para saan ito? Bakit niyo kami pinatawag?" Pambasag ko ng katahimikan. 
"Ahmm..guys! May sasabihin lang kasi kami" sagot naman ni RC.
"Oh ano iyon?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila
"Ano kasi Guys, Ako at si Lexi.......kami na" di makatinging amin ni RC. Seryoso lang ako at Hindi nagpakita ng reaction. Bumaling naman ako sa dalawa
"Kayong dalawa?" Tanong ko kina Rhian at Pauline.
"Same din" nakayukong sagot naman nila. Napailing na lang ako at tumingin sa mga kasama ko.
"Okay!" Walang ganang sabi ko. Dahilan para mapaangat ang tingin nila sa amin
"Hi-hindi kayo nagulat?" Gulat na tanong nila sa aming apat. Sabay-sabay naman kaming umiling
"Oo! Bakit naman kami magugulat? Eh alam na naman namin ang tungkol sa inyo" sagot ni Jon. Kita ko kung paano nanlaki ang mata nila
"Pero paano?" Tanong pa ni Lexi.
"Sinundan namin kayo" sagot ko.
"What????" Sigaw nila.
"Yap! Nung kasal Nina Jon at ate Cassy. Sinundan namin kayo! At doon namin nakita ang nakakagulat na eksena" sagot naman ni Alex.
"Grabe! Nakakaloka! Ang Tagal naming nag-isip kung paano sasabihin sa inyo, ng Hindi kayo magugulat! Tapos alam niyo naman pala!" Sabi naman ni Pauline.
"Sorry guys! Pero alam na talaga namin" nakangiting sabi naman ni Cassy.
"Okay! Alam niyo na! Pero Hindi niyo ba kami ikocongrats man lang?" Tanong ni Rhian. Ngumiti naman kami at tumayo. Ganun din sila, akala siguro nila yayakap kami sa kanila. Pero mali sila!
"Arayyyy!!!"daing nila. Kinurot kasi nina Alex at Cassy ang dalawang babae. Tapos binatukan naman namin ang dalawang buwesit na bakla.
"Buwesit kayo! May patago-tago pa kayo!" Sabi ko pa sabay hampas ulit sa dalawa.
"Uy! Tama na! Sorry na!" Pakiusap pa nila. 
"Maupo kayo!" Utos ko. Agad naman silang umupo.
"Kailan ang kasal?" Agad na tanong ko. Kita Kong nagulat sila sa tanong ko.
"Wala pa sa isip namin iyon meme" sagot ni RC. Kaya akmang hahampasin ko ulit siya. Pero nasalo niya ang kamay ko
"Hindi pa kasi namin na iisip iyon meme" sabi pa nito. Tiningnan ko lang naman sila ng masama.
"Hindi niyo pa iniisip? So kailan niyo iisipan kapag buntis na ang dalawang ito?" Inis na tanong ko. Napayuko naman sila
"Magpakalalaki kayo! Pakasalan niyo sina Lexi at Pauline" sabi ko pa.
"Papakasalan naman namin meme eh! Kaso Hindi pa kami nakakapagpropose!" Sagot naman ni RC.
"Sorry! Excited lang ako" sabi ko.
"Sira na ang plano namin!" Inis na sabi naman ni Rhian.
"Paano naman nasira?" Tanong ko
"Kung pwede namang ituloy!" Dagdag ko pa. Napatingin naman sila sa amin, tumango lang ako
"Tama ka meme" nakangiting sabi ng dalawa. Saka tumayo 
"Go!" Sabi ko pa. Tumango naman sila sa akin at lumuhod sa harapan ng dalawa. Kita ko ang pagkabigla sa mukha nina Lexi at Pauline. Pero agad din naman silang nakabawi
"Iba talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig!" Nasabi ko na lang, habang yakap-yakap ko ang BabyLove ko.
"Tama ka! Pagtinamaan ka! Tinamaan ka! At wala ka ng magagawa!" Sang-ayon naman niya.
"Ano mang gender, edad, o katayuan sa buhay! Hindi mahalaga! At hindi mo na iisipin. Dahil Kapag nagmahal, hahamakin mo lahat! Makasama mo lang ang taong mahal mo" dagdag ko pa. Saka siya pinaikot paharap sa akin at hinalikan siya.
"I love you BabyLove ko" bulong ko pa.
"I love you too BabyLove ko" sagot niya.

-
Ending na😊😂

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now