CHAPTER 36

145 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nakaupo lang ako habang nagbabasa, wala kasi akong magawa eh. Si Cassy naman nakaalis na, samantalang si ate MM naman lumabas dahil biglang may tumawag sa kanya. Kaya heto mag-isa ako sa bahay, kaya naisip ko na lang magbasa. Pero inaantok lang ako, hay! 
"Mag-ayos ka! May pupuntahan tayo"
Napalingon naman ako kay ate MM, ha? Ano raw? 
"Nandiyan ka na pala"sabi ko
"Hindi wala pa!"pamimilosopo pa niya. Napailing na lang ako, kahit kailan talaga!
"Sabi ko nga! Pero saan po tayo pupunta?"tanong ko na lang.
"Tumawag sa akin si sir Carlos, pinapupunta ako doon-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at nagsalita na ako.
"Iyon naman pala eh! Ikaw lang! Bakit kailangan ko pang sumama?"tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Kung pinatatapos mo muna kaya ako sa aking sasabihin no? Bago ka magtanong diyan"pagtataray pa niya.
"Hehehe, sorry"sagot ko na lang, nga naman!
"Iyon nga! Pinapunta nila ako, at kabilin-bilinan nila na isama kita. Kaya magready ka na! Nang makaalis na tayo"utos pa niya. Tumango na lang ako, para namang may choice ako. Pero bakit naman kaya kailangang isama pa ako? Kapag ba may meeting, kailangan kasama ang P.A? Hindi naman di ba? Hay naku!. Agad akong naligo, baka kasi mainip siya at sabihin ang tagal ko. Mabilis akong nakatapos sa panliligo, kaso nagkaproblema sa damit na susuotin ko. Ano ba ang dapat kong suotin? Bawal naman ang jeans. Agad kong inilabas ang mga dress ko, kaso wala akong mapili. Hala! Patay ako nito! 
"Hindi ka ba tapos?"
Gulat na napaharap naman ako sa nagsalita, hindi niyo na kailangang itanong kung sino? Dahil dadalawa lang naman kami dito. 
"Oh my!!! Bakit hindi ka pa nakabihis?"tanong niya pa sabay talikod sa akin. Doon ko lang naalala na towel nga lang pala ang suot ko. Ano ba iyan!!?
"Sorry!! Hindi ko kasi alam kung ano ang susuotin ko eh"nahihiyang sagot ko. 
"Ganun ba? Sige, tutulungan na kita! Pero Pwede bang tumalikod ka muna!"sabi pa niya habang nakatalikod parin. Lihim naman akong napangiti, mapagtripan kaya ito, hahaha
"Oh hayan! Nakatalikod na ako"sabi ko, pero hindi naman talaga. Kita ko namang dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nanlaki naman ang Mata niya...
"Ano ba iyan!! Sabi ko tumalikod ka ah!!"tili niya pa sabay taklob sa mukha niya. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa.
"Hahaha!! Nakakatawa ka!!"natatawang sabi ko pa.
"At talagang tumatawa ka pa ah! Pwede ba tumalikod ka muna!! Para makapili na ako ng susuotin mo"sabi pa niya. 
"Ano ka ba? Bakit ba hindi ka makatingin diyan! Nakatowel naman ako no?"sagot ko naman.
"Kahit na!! Tumalikod ka na lang!!"utos pa niya.
"Ayaw ko nga!!"tanggi ko pa
"Ano ba naman Alex! Late na tayo! Kaya huwag ka ng makulit diyan!"parang naiinis na sabi pa niya.
"Kaya nga eh! Late na tayo! Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan! Hindi naman ako nakahubad eh! Makareact ka naman!"sagot ko sa kanya. Inis na tumingin naman siya sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya.
"Late na tayo di ba? Go na pili ka na!"mapang-asar na utos ko pa sa kanya. Lalo naman niya akong tiningnan ng masama.
"Pasalamat ka may pupuntahan tayong importante! Dahil kung hindi! Naku!"gigil na gigil na sabi niya pa. Kinindatan ko lang naman siya,pero inirapan niya lang ako. At nagsimula ng mamili ng dress na susuotin ko. Nakatingin lang ako sa kanya, ang cute niyang asarin...hahaha
"Oh heto! Itry mo!"utos niya sabay abot sa akin ng isang kulay pink na dress. Agad ko naman itong kinuha at tiningnan. Infairness magaling siyang pumili.
"Bakla ka nga!"natatawang sabi ko pa bago tumalikod para pumunta sa banyo.

MM'S P.O.V
Habang hinihintay ko si Alex, naglaro na lang ako sa cp ko. Kahit kailan talaga amg bagal ng babaeng iyon!
"Okay ba?"rinig kong tanong niya, kaya agad ko siyang tiningnan. Wow! Bagay na bagay sa kanya ang pinili kong pink dress. Lumabas ang puti niya, wala pa siyang make-up niyan pero ang Ganda niya...
"Ang Ganda"pabulong na sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Talaga? Maganda ako?"pagtatanong niya pa, habang nakangiti sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Hindi! Ikaw! Sabi ko ang Ganda ng damit mo!"sagot ko sabay talikod sa kanya.
"Bilisan mo na! Late na tayo"sabi ko pa bago tuluyang lumabas. Napahinga na lang ako ng malalim pagkalabas ko. Ano ba ito? Hindi pwede ito!! MM umayos ka!!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now