CHAPTER 33

116 6 0
                                    

MM'S P.O.V 
Nakaupo lang ako sa kama, habang nakaharap sa laptop ko. Pamaya na lang ako bababa, hanggang ngayon kasi badtrip parin ako kay Alex eh. Busy lang ako sa pagbabasa ng mga comments ng tao, about sa pelikula ko. At nakakatuwa na puro positive iyong nababasa ko. Lahat sila excited na namapanood ang movie ko. Marami rin nakapansin kay Alex, lahat sila ay nagtatanong kung sino daw ba ito. Napapangiti na lang ako, mukhang marami ng interesado kay Alex ah.
"Ganda ng ngiti natin ah! Sino ba iyan?"
Agad ko naman tiningnan si Cassy na dire-diresto lang sa pagpasok sa kuwarto ko. Kita niyo? Walang pasintabi! Hindi man lang kumatok!. Bakit ko ba naiwang hindi nakalock iyon? May nakapasok tuloy! Hay!
"Anong ginagawa mo dito? At Hindi ka ba man lang marunong kumatok? Dire-diretso eh! Kakahiya naman sayo no?"sarkastikong sabi ko pa. Umirap lang naman siya sa akin, at umupo sa may tabi ko.
"Bukas naman siya eh! Bakit ako kakatok pa. Atsaka parang hindi ka din ganun ah! Mas malala ka pa nga"sagot naman niya sa akin. 
"Che!! Ano ngang ginagawa mo dito?"pagtataray ko pa.
"Wala Lang naman! Chinecheck lang kita! Atsaka maiba bakit ka nakangiti kanina ha?"pagtatanong pa niya.
"Wala ka na dun!"sagot ko. Hinampas naman niya ako
"Naman eh! Kainis ka! Alam mo iyon? Dati naman nagkukwento ka sa akin, pero bakit ngayon Hindi na?"parang nagtatampo pang sabi niya. 
"Dati kasi hindi ko pa Alam na madaldal ka! Eh ngayon alam ko na!"sagot ko, habang nakatingin parin sa laptop, at nagbabasa.
"Ang sama mo! Grabe ka ha! Wala naman akong pinagsabi na sikreto mo ah!"sabi naman niya sabay hampas sa akin. Natawa na lang ako
"Ano ba kasi iyang tinitingnan mo diyan?"tanong pa niya, agad ko namang pinakita sa kanya.
"Wow! Iba din! Kaya naman pala grabe ka makangiti eh"sabi pa niya.
"Oo! Natutuwa ako na nagustuhan nila iyong bago kong pelikula. Kaya excited na ako at kinakabahan sa showing ng pelikula ko."nakangiti kong sagot sa Kanya.
"Asus! Normal lang kabahan! Pero chillax ka lang sis! Tingnan mo oh! Excited na ang laha. Gustong-gusto na nilang mapanood iyong movie mo. Lalong-lalo na ako"nakangiti pa niyang sabi.
"Thank you sis!"sagot ko at niyakap Sya.
"Welcome! Pero look oh! Bukod sa pelikula mo. Usap-usapan narin si Alex! Daming nagtatanong kung sino siya"sabi pa niya. Tumango naman ako,
"Oo nga! Dami ng interesado Kay Alex!"sagot ko naman
"True! Kaya marami ka ng kaagaw sa kanya"asar pa niya.
"Sira! Tumigil ka nga diyan!"sabi ko sa kanya. Pero tumawa lang naman Siya.
"Asus! Umamin ka nga sa akin sis! Bet mo siya no?"pangungulit pa niya.
"Yuck! Ano ba iyang mga pinagsasasabi mo sis! Kilabutan ka nga!"sagot ko,sabay tayo
"Hindi mo siya talaga bet? Iyong totoo?"tanong pa niya. Umiling naman ako
"Hindi nga! Ano ka ba naman sis? Babae siya no! At bakla ako"sagot ko pa.
"Eh ano naman kung bakla ka? Hindi naman issue iyon eh"katwiran naman niya. Hay! Ang kulit talaga din nito!
"Hindi ko nga siya bet! Kulit mo!"sagot ko. Nagkibit-balikat Lang naman siya.
"Sabi mo eh!"sabi pa niya.
"Oo nga pala! Nasaan siya?"tanong ko.
"Ha? Sino si Alex?"balik na tanong niya sa akin, tumango naman ako.
"Oo, sino pa ba?"pabalang na sagot ko sa kanya.
"Lumabas lang saglit, may bibilihin lang daw"sagot naman niya. Gulat na humarap naman ako sa Kanya.
"Ano? Lumabas siya?"pag-uulit ko pa.
"Oo nga! Bakit parang gulat ka?"tanong naman niya sa akin.
"Sira ka ba! Alam mo naman na mainit ang mga mata ng tao sa kanya. Tapos hinayaan mo lang siyang lumabas mag-isa"naiinis na sagot ko habang dinadial ang number niya. 
"Grabe kang makapagsabi ng sira ah! Ouch naman! Pero okay Lang!"sabi namn niya.
"Pero pasensiya na ha! Hindi ko naman alam eh"dagdag pa niya.
"Okay lang iyon! Pasensiya ka na rin!"sabi ko habang tinatawagan si Alex kaso Hindi siya sumasagot. Ano ba naman ito! Bakit ba ayaw niyang sumagot..
"Ay oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na naiwan niya ang cp niya."sabi pa ni Cassy. Naitapon ko na lang ang cp ko dahil sa inis. Buwesit! Bakit sa dami ng pwedeng maiwan niya, iyong cp pa niya.
"Hey! Relax ka lang sis! Baka naman pabalik na Siya"pagpapakalma pa niya. Pero hindi rin naman ako mapakali
"Oh sis saan ang punta mo?"tanong pa niya sa akin.
"Susundan Siya"sagot ko at dali-daling umalis.
"Saglit sama ako"habol pa niya. Dire-diretso lang naman ako, pambihira iyong babeng iyon! Kainis eh!

-.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now