CHAPTER 47

101 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Tahimik lang siya habang nagdadrive. Gusto ko man sanang tanungin siya, kaso baka sa akin pa maibunton iyong galit niya. Alam ko naman na medyo galit narin siya sa akin eh. Dahil doon sa pagpayag ko Kay sir Joey. Hindi ko naman gusto iyon eh! Nahiya lang din ako. Wala na daw kasi silang makukuha na pwedeng ihalang sa gf ni Tyrone. Eh sakto daw na ako iyong naroon, tatanggi sana ako kasi nga ayaw ko! Sa dami ba naman ng tao si Tyrone pa talaga! Kaso nagmakaawa si sir Joey kaya wala narin akong nagawa. 
"Baba!"utos niya,ng tumigil ang sasakyan, kaya kaagad akong sumunod. Nagtaka naman ako ng hindi siya bumababa. Teka! Iiwan ba niya ako dito? Huwag naman sana!
"Teka lang!"pigil ko sa kanya ng akma niyang isasara ang pinto ng sasakyan. Tumingin naman siya sa akin,
"Huwag kang O.A diyan! Hindi kita iiwan dito! Kung iyan ang inaakala mo!"mataray na sabi pa niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hay salamat naman!
"Hehehe! Sorry! Malay ko ba?"sabi ko pa sabay peace sign.
"Diyan ka muna sa labas! Magpapalit lang ako"paalam pa niya, bago isara ang pinto. Napanguso na lang ako at naglakad-lakad. Nasaan ba kami? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito! Pero! Maganda siya ha! Agad akong nagdiretso sa may upuan. At tinanaw ang mga puno sa paligid. 
"Makapagselfie muna kaya"na isip ko. Agad kong kinapa ang cp ko. Pero wait! Bakit wala sa bulsa ko ang cp ko? Nasaan na iyon? Dito ko lang nilagay iyon sa bulsa ko eh! 
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Napalingon naman ako Kay ate MM, sabay tango at inabot ang cp ko. Pero paano na punta ito sa kanya?
"Nakita ko sa loob ng sasakyan!"biglang sabi niya.
"Ha?"tanong ko
"Sabi ko nakita Ko iyan sa loob ng sasakyan. Naipatak mo yata!"sagot pa niya, tumango naman ako sabay tingin sa paligid.
"Ganda dito! Nasaan ba tayo?"tanong ko.
"Secret!"sagot niya, napakunot-noo naman akong humarap sa kanya.
"Sekretong lugar ko kasi ito! Binili ko ito para mapuntahan ko kapag stress, or may problema ako"seryosong sabi pa niya.
"Pero bakit mo ako dinala dito? Kung secret place mo pala ito?"tanong ko pa.
"Wala lang! Gusto ko lang"balewalang sagot niya. Tumango na lang ako, bigla namang tumahimik ang paligid. Nakatingin lang siya sa mga puno, samantalang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya ngayon! Parang may malalim siyang iniisip. Gusto ko sanang itanong kung ano ang problema, kaso natatakot ako. Pinagmasdan ko na lang ang mukha niya, gwapo talaga siya ha! Ang matangos ang ilong, maganda ang mga pilik lalong-lalo na ang mga Mata. Napadako naman ang Mata ko sa labi niya, bigla ko namang naalala iyong moment na muntik na kaming maghalikan sa sinehan. Kaya bigla akong napaiwas ng tingin.
"Tapos mo na ba akong pagpantasyahan?"seryosong tanong niya. Gulat na tumingin ulit ako sa kanya. Nakangising tumingin naman siya sa akin.
"Hindi kita pinagpapantasyahan no!"agad na sabi ko.
"Eh anong tawag mo doon? Kanina ka mo pa ako pinagmamasdan ah! Akala mo ba hindi ko alam?"tanong pa niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Oh ano? Nahiya ka? Dahil totoo iyong sinabi ko! Kanina mo pa ako pinagmamasdan"sabi pa niya. Hindi naman ako nakasagot, at napanguso na lang. Ang hirap naman kasing tumanggi lalo't huli ka na.
"Okay lang iyon! Alam ko naman na crush mo ako eh"seryosong sabi pa niya. Agad naman akong nagreact!
"Wow! Naman! Crush kita? Sino maysabi?"tanong ko pa.
"Walang may sabi! Halata lang"sagot naman niya. 
"Kapal"sabi ko pa sabay irap..bigla naman siyang tumahimik. Kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Anong problema mo?"lakas loob na tanong ko.
"Ikaw!"agad na sagot niya.
"Ha? Bakit ako?"nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko din alam! Basta ang alam ko lang ikaw ang problema ko"sagot pa niya, lalo naman akong naguluhan sa sagot niya, ako lang ba ang nalabuan? O pati kayo?,hindi ko gets eh!
"Ha? Pwede pakilinawan! Hindi ko gets eh"pakiusap ko pa. Umiling naman siya, at napabuntong-hininga.
"Paano ko lilinawan? Kung ako mismo hindi ko maintindihan! Kung ako mismo naguguluhan"sagot niya, na lalong nagpagulo sa akin. Ano bang pinagsasabi nito? 
"Ano bang pinagsasabi mo diyan ha? Wala akong maintindihan eh"tanong ko pa.
"Wala! Kalimutan mo na!"sabi pa niya, sabay tayo. Tumayo na din ako at nakatingin lang sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw..
"Aaaaahhhhhhhhh!!!!!"sigaw niya. Agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan siya. Tumingin naman siya sa akin, at hindi ko maintindihan kung ano ang nakikita ko sa mga Mata niya. 
"Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya, pumikit muna siya bago umiwas ng tingin sa akin.
"Kasalanan mo ito eh! Ano bang ginawa mo sa akin?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya, ha? Ano raw? Ano bang ginawa ko?

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon