CHAPTER 125

67 6 0
                                    

CHAPTER 125
MM'S P.O.V
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nandito siya, kayakap ko. 
"Miss na miss kita sobra"naiiyak na sabi ko pa. Bumitaw naman siya sa yakap at tumingin sa akin.
"Miss na rin kita! Ikaw kasi! Alis ka ng Alis! Hindi ka man lang marunong magpaalam!"sagot niya sabay hampas sa akin. Napangiti na lang ako at hinila siya para yakapin ulit.
"Sorry na! Promise! Hindi na ako aalis ulit! Hindi na kita iiwan!"sagot ko. Tumingin naman siya sa akin sabay hawak sa mukha ko.
"Pangako mo iyan ha! Huwag na huwag ka na ulit aalis ha! Kasi hindi ko na kakayanin kung aalis ka pa"sabi pa niya. Tumango naman ako
"Pangako! Hindi na ako mawawala pa sayo"sagot ko. Ngumiti naman siya at pinanggigilan ang pisnge ko.
"Siguruduhin mo lang iyan! Dahil kapag umalis ka! Sinisigurado ko sayo na wala ka ng babalikan pa"panakot niya. Natawa naman ako
"Yes ma'am! Pinapangako ko kapag umalis ako! Sisiguraduhin Kong kasama ka"nakangiting sagot ko. Pinisil naman niya ang ilong ko"daing ko. Pero ngumiti lang siya sabay kiss sa ilong ko.
"Ikaw ha! Para-paraan ka!!"tukso ko. Pinalo naman niya ako
"Baliw!! Kiss ko lang iyon para hindi na sumakit"sagot niya. 
"Ah! Eh! Bakit iyong pisnge ko,hindi mo kiniss? Eh masakit din naman iyin ah"nakangusong sabi ko. 
"Masakit din ba? Okay wait kiss ko"sagot niya sabay halik sa pisnge ko.
"Ay! Bakit sa kabila lang! Eh pareho namang masakit iyon"reklamo ko. Umiling lang siya sabay ngiti at hinalikan ang kabila kong pisnge.
"Oh hayan! Okay na ba?"tanong niya. Umiling naman ako
"Hindi pa"sagot ko
"Ha? Bakit naman? Di ba nakiss ko na"tanong niya. Ngumuso naman ako
"Medyo masakit din kasi itong labi ko eh! Baka pwede mong ikiss para mawala ang sakit"hirit ko. Hinampas naman niya ako
"Huwag kang abusado! Wala akong ginawa sa labi mo!"sagot niya. Naglungkot-lungkutan naman ako.
"Sadya namang masakit eh!"reklamo ko pa. 
"Tumigil ka diyan"saway niya sa akin. Napasimangot naman ako, at bigla kong pinitik ang ilong niya pero mahina lang naman.
"Arayyy!!"daing niya. Napangiti naman ako
"Masaki"tanong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin
"Malamang! Ikaw kaya ang pitikin ko sa ilong! Tingnan natin kung hindi ka masaktan!"sagot niya. Pumantay naman ako sa kanya.
"Uy! Teka! Anong gagawin mo?"tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Simple lang! Ikikiss ko iyong ilong mo! Para hindi na masakit"nakangiting sagot ko. Pinigilan naman niya ako
"Hep! Huwag na! Okay na naman eh! Hindi na masakit"tanggi niya. Umiling naman ako
"Huwag mo na akong pigilan! Hindi naman kita pinigilan kanina ah! Nang ikiss mo ako! Kaya huwag kang madaya diyan!"sagot ko. Umiling naman siya..
"Okay na nga! Hindi na masakit"sabi pa niya. Pinitik ko naman ulit ang ilong niya.
"Araay!"sigaw niya. Kaya napangiti ulit ako
"Sabi mo, hindi masakit!"nakangiting sabi ko. 
"Paano hindi sasakit? Eh pinitik mo"inis na sabi niya.
"So masakit nga?"tanong ko ulit.
"Malamang!"sagot niya. Napangisi na lang ako. Nanlaki naman ang Mata niya ng marealize niya ang sagot niya.
"Ay! Hindi na pala masakit!!"bawi niya. Umiling-iling naman ako
"Hindi! Kakasabi mo lang kanina eh! Masakit! Wala namang bawian!"sagot ko sabay hila sa kanya palapit sa akin.
"Joke nga lang kasi"sabi pa niya. Habang pilit na kumakawala sa akin. Lalo ko namang hinigpitan ang hawak sa kanya.
"Bakit ba kasi takot na takot ka diyan? Eh ikikiss ko lang naman iyang nose mo eh"nakangiting tanong ko.
"Hoy! Kilala kita! Kaya huwag ako!!! Alam ko kung anong gagawin mo!!"sagot niya.
"At anong gagawin ko?"tanong ko sa kanya.
"Alam kong hindi sa ilong mo ako hahalikan! Kaya huwag ako!! Para-paraan ka lang!"sagot niya. Ngumisi naman ako sabay lapit ng mukha ko sa kanya.
"Kilala mo na talaga ako ah!!"nakangising sabi ko
"Siyempre!"sagot niya. 
"Okay! Kung kilala mo na nga ako ng husto! Ano sa tingin mo ang gagawin ko?"tanong ko sa kanya. Kita ko namang napalunok siya.
"Eh...di..."nauutal na sabi niya. 
"Eh di ano?"tanong ko.
"Hahalikan ako?"sagot niya. Napangiti naman ako.
"Eeennnggkkkk"sabay iling ko.
"Mali! Kasi ganito ang gagawin ko."nakangising sabi sabay buhat sa kanya.
"Waaahhhh!!!ano ba!!!"sigaw niya. Ngumiti lang naman ako at naglakad na pataas habang buhat-buhat siya..hahahahaha

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon