CHAPTER 143

57 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Matapos magpasalamat kay Doc. Ay agad narin kaming lumabas ng may ngiti sa labi.
"Ang saya-saya ko"nakangiting sabi pa ni MM. 
"Ako din"sagot ko.
"Excited na akong sabihin sa kanila"nakangiting sabi pa ni MM. 
"Wait!"pigil ko sa kanya. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.
"Bakit?"tanong niya. Ngumiti naman ako at sinenyasan siyang lumapit sa akin.
"Bakit? Ano iyon?"tanong niya ulit.
"Basta!"sagot ko sabay bulong sa kanya. 
"Sigurado akong lagot talaga tayo sa kanila"natatawang sabi pa niya.
"Hindi iyan! Basta sumakay ka na lang! Tandaan mo sinakyan ko ang trip mo kanina"paalala ko sa kanya.
"Oo na! Sige na! Payag na ako"pagsuko pa niya. Ngumiti naman ako sabay kiss sa kanya.
"Kaya love kita eh"nakangiting sabi ko pa.
"Love din kita"sagot pa niya.
"Ano tara?"yaya ko sa kanya. Tumango naman siya
"Okay tara! Dito tayo dumaan sa may likod! Para hindi tayo kita"yaya pa niya. At inalalayan ako, habang naglalakad naman kami. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Ano kaya ang magiging reaction nila pamaya? Hahahahaha
"Sigurado ka ba sa gagawin natin?"nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako
"Oo! Siguradong-sigurado"nakangiting sagot ko.
"Eh paano kung magalit sila sa atin?"tanong pa niya.
"Basta! Ako na ang bahala doon!"sagot ko pa. Napabuntong hininga na lang siya
"Okay! Sige na! Sakay ka na!"sabi pa niya sabay alalay sa akin.
"Thank you Baby"pasasalamat ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at sumakay narin sa sasakyan. Woooohhh exciting ito!!!..
"Sigurado ako, maiinip sila sa paghihintay sa atin!"natatawang sabi pa ni MM. Natawa na lang din ako, sabay labas ng cp ko.
"Picture tayo"yaya ko sa kanya. At agad din naman kaming nagpost. Ilang pictures lang! Para may maipost lang ako. Sigurado ako kapag nakita ito nila, uusok ang ilong nila sa inis, hahahaha.
"Daan muna tayo sa restaurant, I know gutom na kayo ni Baby"sabi pa niya. Tumango na lang ako, at tumigil nga kami sa isang restaurant para kumain. Agad siyang nag-order, samantalang ako naman ay panay kuha ng litrato. After Kong magtake ng picture ay agad ko din itong pinost. Excited na talaga akong makita ito nila! Tiyak magtataka sila! Hahahaha.
"Oh baby! Tama na muna ang pagkuha ng litrato! Kain muna tayo"yaya pa niya sa akin. Tumango naman ako
"Okay tara!"sagot ko. Nagpray muna kami at after noon ay kumain na agad kami.
"Excited na akong makita nila iyong picture na pinost ko"nakangiting sabi ko pa. Napatingin naman siya sa akin
"Anong picture?"tanong pa niya.
"Iyong pictures natin kanina"nakangiting sagot ko. Halatang nagulat siya
"Pinost mo iyon?"gulat na tanong pa niya. Tumango naman ako
"Yap! Pinost ko para makita nila"balewalang sagot ko, at kumain na ulit.
"Baliw ka din talaga no? Sigurado akong sasabog sa inis ang mga iyon kapag nakita iyong pinost mo"sabi pa niya habang umiiling. Ngumiti na lang ako
"Hayaan mo sila! Minsan ko lang naman silang pagtripan eh!"sagot ko pa.
"Hay naku! Alex! Baka mauna pa silang makauwi sa atin! Kasi naniniwala ako na nakita na nila iyong mga picture"sabi pa niya. Umiling naman ako
"No! Sigurado akong pagnakita nila iyong picture, sigurado akong susunod sila dito"sagot ko sa kanya.
"What? At paano nila malalaman na nandito tayo?"tanong niya ulit.
"Eh kasi, nilagay ko doon sa post ko kung nasaan tayo"nakangiting sagot ko. Nanlaki naman ang Mata niya, dahil sa gulat.
"What?? At bakit mo naman ginawa iyon?"tanong niya pa
"Para sundan nila tayo"sagot ko.
"Baliw ka na nga!"umiiling na sabi pa niya. Natawa na lang ako, muli ko namang chineck ang post ko. At nakita kong nagcomment si Jon. Hindi ko na siya binasa, agad na akong tumingin kay MM
"Tara na!"yaya ko sa kanya.
"Ha? Di pa tayo tapos oh!"sagot niya. 
"Busog na ako! Atsaka kailangan na nating umalis"sabi ko pa. Kumunot naman ang noo niya.
"Ha? Bakit kailangan na nating umalis?"tanong pa niya.
"Eh kasi papunta na sila dito"sagot ko. At kaagad na tumayo na.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now