CHAPTER 130

57 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanya, habang hindi natatanggal ang ngiti sa aking mga labi. 
"Baby!! Alam kong memorable sa iyo ang lugar na ito. Marami kang ala-ala dito na kasama siya. Masasaya at masasakit na ala-ala. Kaya alam ko na nagtataka ka! Kung bakit sa dami ng lugar bakit dito pa? Alam mo ba kung bakit? Kasi gusto Kong mapalitan sa isip mo ang mga panget na ala-ala na meron ka dito. Gusto kong kapag nagpunta ka lugar na ito, ito ang maalala mo. Ako lang! Tayo lang!"
Agad naman akong tumango, kita ko namang ngumiti siya.
"Alam kong hindi ka maniniwala, pero alam mo bang dito sa lugar na ito! Una kitang nagustuhan. Dito sa lugar na ito! Nasabi ko sa sarili ko na gusto kitang protektahan. Na ayaw kitang nasasaktan! Na ayaw kitang makitang umiiyak"
Napakunot naman ang noo ko, ha? Paano nangyari iyon?
"Siguro hindi mo na natatandaan, pero dito sa lugar na ito, dito ka unang nag-open sa akin. Dito kita unang nakitang umiyak!"kwento pa niya.
Napatango na lang ako, naalala ko pa iyong araw na iyon. Iyong araw na umiyak ako sa kanya dahil Hindi naalala ni Tyrone iyong anniversary namin. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiyak sa kanya noon, ang tanging alam ko lang komportable ako sa kanya.
"At alam mo ba? Dito sa lugar na ito unang beses na sobrang nasaktan ako. Noong nakita ko kayo na magkayakap at hinalikan ka niya"pagpapatuloy pa niya. 
"Sorry"iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Pero umiling siya at ngumiti
"Pero kalimutan na natin ang lahat ng masasamang ala-ala natin dito. Palitan na natin ng mga bagong ala-ala! Mga magagandang ala-ala. At sisimulan ko na ngayon"nakangiting sabi pa niya. Bigla namang may tumugtog, napangiti na lang ako. I know that song..

(Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit)
Unti-unti naman siyang naglakad palapit sa akin, habang kumakanta. Kasabay naman noon, biglang may nagflash na video niya! Mag-isa lang siya habang naglalakad sa dalampasigan.

(Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?)
Di ko naman mapigilang hindi mapaluha.

(At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko...)
Nakangiti lang ako habang lumuluhang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko noon at bakit binigyan ako ng isang MM na walang katulad.

(At hindi di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin)
Ngayon naman ay kaming dalawa naman ang naglalakad habang magkahawak ang kamay.

(Pano nasagot lahat ng bakit?
Di makapaniwala sa nangyari
Pano mo naitama ang tadhana?)
Hindi ko naman namalayan na malapit na pala siya sa akin. Pinunasan naman niya agad ang luha ko. At nagpatuloy siya sa pagkanta niya.

(Nung nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan..)
Huminto muna ulit siya at Hinalikan ako sa noo ko. 
(At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo
Nung ako yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
Nung ako'y pinili mo....)
Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Kasabay ng pagliwanag ng buong paligid.
(Siya ang panalangin ko...)

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt