CHAPTER 173

48 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dahil wala namang siyang sinasabi kung saan. Ang sabi lang niya ay magbihis at mag-ayos kami, kasi may pupuntahan daw kami! Hay naku!
"Ready na kayo?" Tanong pa niya. Tumango naman ako
"Yap! Wait lang! May kinukuha lang si Yaya" sagot ko
"Okay! Wait ko na lang kayo sa labas" sabi pa niya bago lumabas.
"Tara na po ate!" Yaya ni Lea sa akin. Tumango naman ako, buhat si Sofia samantalang siya ang may dalawa ng gamit ni baby
"Saan ba talaga pupunta?" Tanong ko ulit Kay MM, pagkapasok namin sa sasakyan.
"Basta! Secret muna!" Sagot niya.
"Dali na! Saan nga ba?" Pangungulit ko.
"Hindi nga pwede! Magagalit sa akin si Jon" sagot niya. Natahimik naman ako, wait! Si Jon? Don't tell me?
"Oh my Gosh!" Nabulaslas ko na lang.
"Bakit?" Tanong ni MM sa akin habang napakunot ang noo.
"Parang alam ko na kung para saan ito" sabi ko.
"Para saan? Kung alam mo na?" Tanong pa niya.
"Magpo-" 
"Okay na!" Putol niya sa sasabihin ko.
"You mean, tama ako?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya
"Oo! Kaya please! Huwag kang maingay diyan! Patay ako Kay Jon" sabi pa niya. Tumango naman ako at itinaas ang kanang kamay ko.
"Promise! Hindi ko sasabihin!" Sagot ko.
"Aasahan ko iyan! Baka pamaya pagkarating natin doon, bigla ka na lang maexcite tapos biglang masabi mo" sabi pa niya.
"Promise! Hindi ako mag-iingay" pangako ko ulit.
"Very Good" nakangiting sabi niya at nagdrive na lang. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang resort. Nagpark muna si MM, bago kami bumaba. Masasabi Kong maganda ang lugar na ito. Kaso lang
"Bakit parang walang tao?" Tanong ko. Ngumiti naman siya
"Private resort ito! Napagmamay-ari ni Jon! Sinadya niyang ipaclose para walang abala" sagot niya. Tumango na lang ako at kinuha si Sofia Kay Yaya. Si MM naman hinakot ang mga gamit namin sa loob. Katulong niya si yaya
"Baby! Look oh! Ang ganda dito no?"tanong ko pa Kay Sofia. Tumawa naman si Sofia. Na tila nauunawaan niya ang sinasabi ko. Seven months na kasi siya kaya medyo malikot na din siya.
"Gusto mo ba dito?" Tanong ko ulit. At tulad kanina, tumawa siya, at parang tumango.
"Tara na sa loob! Naghihintay na sila" yaya naman sa akin ni MM. Kaya tumango ako at pumasok na.
"Nandiyan na pala sila! Excited na ako" sabi ko pa. 
"BabyLove! Sabi ko sayo! Huwag kang maingay" paalala pa niya.
"Oo nga! Hindi naman ako si ate Cassy eh" sagot ko sa kanya. Napatawa naman siya
"Hahaha! Patay ka sa kanya pang narinig ka niya. Tumingin naman ako sa paligid. Buti na lang at kami lang ang nandito sa labas.
"Hindi naman niya narinig eh! Kaya safe ako" nakangiting sagot ko. Tumawa lang ulit siya at pumasok na kami
"Hi guys!!" Bati ko sa kanila. Dahilan para tumingin sila sa dako namin.
"Hi Alex! Hi MM! Buti nakarating kayo" bati sa amin ni Jon. Ngumiti na lang ako, agad naman nilang kinuha sa akin si Sofia.
"Pahiram muna ng anak niyo ha!" Sabi pa ni ate Cassy. Tumango na lang ako, may magagawa pa ba ako? Eh nasa kanila na eh
"Mahilig ka sa bata! Bakit di pa kayo gumawa?" Sabi naman ni MM Kay Ate Cassy. Kaya tiningnan siya ng masama nito.
"Baliw! Puro ka kalokohan!" Sagot naman niya. 
"Oo nga naman Jon! Bakit di pa kayo gumawa?" Tanong din ni RC. 
"Magsitigil na nga kayo! Hindi ako ganun! Mas gusto ko parin na kasal muna" sagot naman niya.
"Wow! Talaga ba?" Mapang-asar na tanong ng tatlo. Si MM, RC, at Rhian. 
"Mga buwesit kayo!" Sigaw naman ni Jon sabay habol sa tatlo. Natawa na lang kaming mga babae. Nakaisip naman ako ng kalokohan
"Wait guys! Couple pala tayong lahat dito" pilyong sabi ko. Dahilan para tumingin sila sa akin habang nakakunot ang noo. Sinenyasan ko naman si MM, at agad na nagets niya ang ibig Kong sabihin.
"Oo nga no?" Segunda ni MM. Sabay sino Kay Jon. Agad naman nagets din ni Jon ito. At tumingin sa apat.
"Oo nga! Di ba honey?" Baling nito Kay Ate Cassy.
"Ay oo nga!!" Kinikilig na sabi ni ate Cassy. At tumingin din sa Apat. Napansin yata ito ng apat.
"Hoy! Hoy! Anong tingin iyan! Tumigil kayo" saway sa amin ni RC.
"Oo nga! Huwag kayong ano diyan!" Sabi din ni Lexi.
"Huwag kayong malisyoso!" Si Rhian naman.
"Huwag kayong magkalat ng fake news!" Dagdag pa ni Pauline. Saka sila umalis. Natawa naman kami ng padabog silang umalis. Tapos magkakapartner pa. 
"Ano iyon? Sinadya o nagkataon lang?" Tumatawang tanong pa ni MM

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now