CHAPTER 81

50 4 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Agad akong yumakap kay ate Cassy pagkarating ko.
"Ate Cassy! Nasaan siya? Kamusta na siya? Okay lang naman siya di ba?"sunod-sunod na tanong ko.
"Nandoon pa din siya sa loob, chinecheck parin siya ng mga doctor. Kaya hindi parin namin alam kung okay nga lang ba siya o hindi pero, let's pray na okay lang talaga siya"umiiyak na sagot niya sa akin. Tumango naman ako at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Napadako naman ang Mata ko sa tatlong beks, na tahimik lang. Pero halatang sobrang nag-aalala din.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit siya na aksidente? Akala ko ba magkakasama kayo?"hindi ko mapigilang itanong sa kanila. Tumingin naman sila sa akin,
"Tsk...kami pa talaga ang tinatanong mo? Di ba dapat kami ang magtanong niyan sayo? Dahil higit sa ating lahat! Ikaw ang dapat nakakaalam kung anong nangyayari sa kanya!pasigaw na sagot sa akin ni Jon, na masama ang tingin sa akin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya
"Jon! Relax! Hindi mo kailangang sumigaw!"saway naman sa kanya ni RC.
"Pasensiya na! Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mainis! Hindi magalit! Dahil sa nangyari Kay meme!"sagot pa niya.
"Alam namin iyon! Dahil lahat naman tayo nag-aalala din! Pero hindi mo naman dapat sigawan si Alex dahil tulad mo natatakot din siya"sabi naman ni Rhian.
"Oo alam ko iyon! Pero hindi niyo ako mapipigilang hindi mainis sa kanya! Hindi niyo ako mapipigilang hindi siya sisihin sa nangyari Kay meme! Dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit nangyari ito eh!"sagot pa ni Jon, gulat na tumingin naman ako sa kanya.
"Jon! Ano ba?! Walang may gustong mangyari ito! Kaya pwede ba! Huwag mo namang sisihin si Alex!"sagot naman sa kanya ni Ate Cassy sabay yakap sa akin.
"Okay ka lang? Pagpasensiyahan mo na si Jon ha"sabi pa nito sa akin. Tumango lang ako at tipid na ngumiti.
"Tsk..hindi ako hihingi ng pasensiya dahil sa sinabi ko! Dahil totoo naman iyon"sabi pa ni Jon. Hindi ko naman mapigilang hindi mapaiyak.. Kasalanan ko ba talaga?
"Ano ba Jon? Di ka ba titigil ha? Bakit mo sinisisi si Alex ay wala naman siyang kasalanan? Hindi niya din ginusto ang nangyari Kay MM! Nag-aalala din siya! Kaya pwede ba! Tumigil ka na diyan!"sigaw naman ni Ate Cassy sa kanya.
"Walang kasalanan daw?"panunuya pa niya sabay tingin uli ng masama sa akin.
"Oo! Siguro nga hindi niya ginusto na maaksidente si meme! Pero kung hindi naman dahil sa kanya! Hindi maglalasing si meme! nang ganun!!-"
"Teka! Anong sabi mo? Lasing siya?"gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo! Nagkausap pa kami bago siya maaksidente. Nalaman ko na nakainom siya! Tinanong ko kung nasaan siya, para sana puntahan ko! Pero ang sagot lang niya sa akin, hindi daw niya alam' tapos noon pinutol na niya iyong pag-uusap namin. Sinubukan ko pa siyang tawagan pero hindi ko na siya macontact! Sinubukan ko din tawagan ka pero hindi ka din sumasagot!!"pagkukuwento pa niya. Napaupo naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan! Bakit siya naglasing? Okay naman siya kanina ah! Bago kami maghiwalay okay siya! Okay kami! Kaya hindi ko maisip kung bakit siya nagpakalasing?
"Ibig sabihin hindi siya pumunta sa inyo? Wala talaga kayong usapan na magkikita ngayon?"tanong ko pa.
"Anong magkikita? Wala kaming usapan na magkikita-kita kami! Dahil ang sabi niya sa amin, may lakad daw kayo!"sagot niya sa akin. Lalo naman akong naguluhan, ibig sabihin nagsinungaling siya sa akin? Pero bakit?
"Wala kaming lakad! Dahil ang sabi niya sa akin, magkikita-kita daw kayo! Dahil may aayusin daw kayo"sagot ko pa. Napailing na lang sila
"Imposible iyon! Alex! Kasi ang sabi niya sa amin ay may pupuntahan kayo ngayon!"sabi naman ni Rhian. Ha? Ibig sabihin?
"Ano ba talagang problema niyo ha?"biglang tanong naman ni Jon.
"Wala! Okay naman kami eh"agad na sagot ko.
"Kung okay kayo? Eh di hindi sana siya naglasing!"pasigaw na sabi naman niya. Napayuko naman ako
"Hindi ko talaga alam!-"
"Palagi kana ba talagang walang alam ha? Wala kang alam sa nangyayari sa kanya! Hindi mo alam na nasasaktan mo na siya!"sigaw pa niya.
"Jon! Tumigil ka na! Huwag mo naman sigawan si Alex!"saway sa kanya nina Rhian at RC. Samantalang si Ate Cassy naman ay lumapit sa akin.
"Sorry"umiiyak na sabi ko.
"Ssshh..tahan na Alex! Pagpasensiyahan mo na si Jon! Sobra lang din siyang nag-aalala"pagpapatahan naman sa akin ni ate Cassy.
"Okay lang po iyon..tama naman siya eh! Kasalan ko talaga!"umiiyak na sabi ko pa.
"No! Wala kang kasalanan! Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo!"sabi pa niya. Yumakap naman ako sa kanya habang umiiyak. Paano kung tama si Jon? Na kasalan ko talaga kung bakit siya naaksidente! Pero wala talaga akong maisip na dahilan eh! Hindi ko alam kung bakit siya naglasing!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now