CHAPTER 71

69 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Iyak lang ako ng iyak, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kaya,
"Alex! Bakit? Bakit hindi ako?"patuloy kong tanong habang umiiyak . Hindi ko alintana ang pagbagsak ng ulan. Patuloy lang ako sa pag-iyak kahit basang-basa na ako.
"Alex! Ako na lang! Ako na lang ang piliin mo! Tayo na lang! Akin ka na lang"
Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang lamig pero balewala lang sa akin. Wala na akong pakialam kung magkasakit ako! Kung ano ang mangyari sa akin. Gusto ko lang umiyak, ibuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Umiyak hanggang sa mawala ang sakit na meron sa dibdib ko.
"Ang sakit!! Ang sakit-sakit!!"sigaw ko pa. Nakalugmok lang ako sa lupa, wala akong pakialam kung sobrang dungis ko na.
"Bakit ganun Alex? Pinaniwala mo akong gusto mo ako! Pero lahat palang iyon hindi totoo!"
"Akala ko okay na tayo! Akala ko may tayo! Pero lahat palang iyon puro lang akala ko! Ako lang pala iyon! Kasi wala palang tayo"
"Alex bakit ginawa mo ito sa akin? Ano bang kasalanan ko sayo!? Bakit sinaktan mo ako ng ganito? Pinaasa mo lang ako!!"
"Akala ko ikaw na!! Akala ko iba ka sa kanila! Pero pare-pareho lang kayo! Pare-pareho kayong manloloko! Pare-pareho kayong paasa!! Mga manloloko! Magsama-sama kayo!!"
Halos mamaos na ako kakasigaw, pero patuloy parin ako. Gusto kong ilabas lahat ng sakit! Inis! Galit! Sa puso ko. Umaasang pagkatapos nito maging okay na ako.
"Alex!! Alex ko! Baby ko! Hindi ko kaya!"
"Parang awa mo na! Ako na lang! Ako na lang ang mahalin mo! Ako na lang!"pagmamaka-awa ko pa. Para na akong nasisiraan ng bait dito. Para na akong baliw! Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Hanggang kailan ako magmamakaawang mahalin din ako?. Hanggang kailan ako masasaktan ng ganito? Wala na ba akong karapatang lumigaya? Bakit ba lahat ng nagugustuhan ko may mahal ng iba? Bakit ang daya!? Bakit ang unfair ng tadhana? Bakit ako na lang palagi sa huli ang lumuluha? Hindi ba ako pwedeng sumaya? Daming kong tanong, pero ni isa man walang sagot.
"Mr. Kupido!!! Buwesit ka!! Nakakainis ka!! Malabo ba ang mata mo ha? Papanain mo na lang sumablay ka pa!"inis na inis na sigaw ko pa. Kung may makakakita sa akin dito at makakarinig aakaling baliw ako. Tumayo narin ako pagkatila ng ulan. Buti pa ang ulan tumila na! Pero ang mga luha ko, wala na yatang katapusan. Pahakbang na sana ako ng may mapansin ako sa lupa. Agad ko itong pinulot at lalo akong napahagulhol ng iyak. Ito sana iyong gusto kong ibigay sa kanya.
"Sayang!"nasambit ko na lang, at malakas na inihagis ang singsing. Promise ring siya! Balak ko sanang maging official na kami. Nagkaaminan lang kasi kami pero hindi naman malinaw kung ano ba talaga ang status namin. Pero sayang lang ang effort ko! Sayang lang ang lahat ng ito! Kasi iniwan na niya ako! Agad kong pinunasan ang luha ko, at pilit na ngumiti..
"Ikaw naman kasi MM eh! Umasa ka kaagad!"
"Sabi niya gusto ka niya! Hindi niya sinabing mahal ka niya! Magkaiba iyon!"
"Kaya huwag ka ng umasang pipiliin ka niya! Kasi GUSTO KA LANG NIYA! Si Tyrone ang MAHAL NIYA!! Kaya umayos ka! Gumising ka!!"
Baliw na nga yata ako! Pati sarili ko kinakausap ko na. Hay! Kawawa ka naman MM! Iniwan ka na naman, Ayaw ko na! Ang sakit-sakit na! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit!
"Ayaw ko na!!!! Tama na!!! Ang saki-sakit na!!!"sigaw ko pa...habang hawak-hawak ang dibdib ko.
"Hindi ko na kaya!!! Sobrang sakit!! Gusto ko ng mawala!!!"
Nagtatakbo na lang ako, hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Bahala na..basta gusto ko lang, tumakbo! Umiyak! Magpakapagod! Ibuhos lahat! Baka sakaling mawala ang sakit! Baka sakaling wala na akong maramdaman! Mas gugustuhin ko pang maging manhid na lang. Takbo lang ako ng takbo, hindi ko na namalayang nasa tabing highway na pala ako. Wala akong pakialam sa mga dumadaang sasakyan, maging sa mga taong nakatingin sa akin. Wala na akong pakialam kung pag-usapan nila ako, wala na akong paki sa sasabihin nila! Dahil wala naman silang alam sa nararamdaman ko ngayon! Hindi nila alam kung gaano ako nasasaktan ngayon! Kaya wala silang pakialam kung nagkakaganito ako ngayon.
"MM!!"rinig kong may natawag sa akin. Pero patuloy lang ako sa pagtakbo, na tila ba ay may sariling pag-iisip ang paa ko. Takbo lang ako ng takbo! Wala akong nararamdamang pagod! Naging manhid na yata ako..
"MM!!!"tawag ulit sa akin. Pero gustuhin ko man sanang huminto para lumingon pero hindi ko magawa. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo, pero di ko alam kung saan ba talaga ako papunta.
"MM!!!!"malakas na pagtawag sa akin muli. Kaya pinilit kong huminto, para lumingon at tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Pero medyo madilim ang paligid at tanging sinag lang ng ilaw ng mga sasakyan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kaya luminga-linga ako para hanapin ang tumatawag sa akin.
"MM!!"muling sigaw niya, natigilan naman ako at natulala ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.
"A-alex..."di makapaniwalang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Umiiyak naman na tumingin siya sa akin at tumango. Halata ding hinihingal siya, Pero teka! Bakit nandito siya! Akala ko ba sumama na siya kay Tyrone? Pero bakit siya bumalik?
"Baby..."pagtawag pa niya sa akin. Napangiti naman ako habang umiiyak. Agad kong tinawid ang pagitan namin, tumakbo ako para yakapin siya...kaso hindi ko nakita ang sasakyang paparating.
"MM!!!"sigaw niya, habang tumatakbo palapit sa akin. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya.
"Mahal kita Alex...."sambit ko pa bago pumikit at hinintay ang pagtama ng sasakyan sa akin.

(Boooggggssshhh)

"MM!!"sigaw ni Alex, Kahit nahihirapan pinilit ko paring iminulat ang mata ko. Para makita siya,
"A-aalex"halos pabulong na tawag ko sa kanya, bago tuluyang pumikit. Ramdam kong pang lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"No! Please!! MM!! Gumising ka!!"
"PLEASE BABY!! Please!! Gumising ka!!!"
"Parang-awa mo na!! Please!! Gumising ka!!! Huwag mo naman akong takutin ng ganito oh!!"
"PLEASE!!!GUMISING KA!!"
"MAHAL KITA!!"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now