CHAPTER 82

57 4 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Halos isang linggo na ang nakakaraan, pero hanggang ngayon hindi pa siya gumigising. Sabi naman ng doctor okay na siya. Buti na nga lang daw at hindi gaano kalakas infact ng pagkakabunggo niya. At Buti na lang at nakaiwas siya. 
"Baby! Gising ka na please!! Miss na miss ko na iyong paglalambing mo! Iyong kakulitan mo!! Miss na miss kita! Kaya please baby! Gising ka na!"
"Alam mo ba baby? Ang dami kong ikukuwento sayo. Kaya gising ka na diyan! Hindi ka ba napapagod? Halos isang linggo ka ng tulog! Hindi mo ba ako namimiss! Kasi ako miss na miss na kita! Kaya please! Gising ka na! Balik ka na!"
Patuloy lang ako sa pagkausap sa kanya. Habang hawak-hawak ang kamay niya. Miss na miss ko na talaga siya! 
"Umiiyak ka na naman!"
Napalingon naman ako sa nagsalita, 
"Ikaw pala ate Cassy"bati ko, napayuko na lang ako ng makita Kong kasunod niya si Jon. Hanggang ngayon kasi hindi parin niya ako kinakausap. At naiintindihan ko naman eh.
"Magpahinga ka muna kaya!"alok pa niya sa akin. Umiling naman ako
"Okay lang po ako! Gusto ko po pagkagising niya nandito ako sa tabi niya"tipid na ngiti na sagot ko. Nakatingin lang siya sa akin at halatang nag-aalala.
"Pero Alex! Halos wala ka pang pahinga! Baka ikaw naman ang magkasakit niyan!"nag-aalalang sabi pa niya.
"Thank you po sa concern! Pero okay lang po talaga ako"sagot ko ulit. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Kumain ka na ba?"
Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Jon.
"Ha?"gulat na tanong ko, nakatingin lang siya sa akin
"Ang sabi ko, kung kumain ka na ba?"pag-uulit pa niya. Para naman akong naiiyak, ngayon niya ako ulit kinausap eh. 
"Hindi pa"sagot ko, napailing naman siya
"Kumain ka na muna! May dala kaming pagkain dito!"sabi pa niya. Napangiti na lang ako
"Sige! Pamaya na lang! Salamat!"sagot ko.
"No! Kumain ka na ngayon! Baka kami pa ang pagalitan ni meme kapag nagkasakit ka"sabi pa niya. Hindi ko naman napigilan na mapaiyak at niyakap siya.
"Sorry"umiiyak na sabi ko. Gumanti naman siya ng yakap.
"No! Ako dapat ang magsorry sayo, sa lahat ng nasabi ko. Pasensiya na ha! Nadala lang talaga ako ng emosyon ko"sabi naman niya. Napangiti na lang ako..masaya ako na okay na kami.
"Aysus!!! Buti naman at nagkaayos na kayo!"nakangitinamang sabi ni Ate Cassy at yumakap din sa amin. 
"Ay! May pagroup hug pala dito!!"
Napalingon naman kami sa may pinto, 
"Anong ganap? Bakit may pagroup hug?"tanong pa ni RC.
"Bati na kasi sila"sagot ni ate Cassy sabay turo sa amin. Kita ko namang nagulat ang dalawa.
"Talaga? Oh my!! Yeheyy!!"tuwang-tuwang sigaw pa nila. Natawa na lang ako, pero natigilan ako ng mapansin Kong may kasama pala sila.
"Tyrone?"gulat na sabi ko, ngumiti naman siya. 
"Hi! Dadalawin ko lang sana si Ate MM"nakangiti niya pang sabi. Tumango na lang naman ako. Medyo tumahimik naman ang paligid. Napatingin na lang ako sa kanila, kita Kong nagsesenyasan sila at nakatingin kay Tyrone. Pero nagulat na lang ako ng sumigaw si RC.
"Wooooohhhh!!! Party! Party!!"sigaw pa niya, napakunot naman ang noo ko. Ha? Ano raw?
"Hoy! Huwag nga kayong maingay! May natutulog eh!"
Nagkatinginan naman kami, at sabay-sabay na lumingon. 
"Meme!!/ sis!!! Gising ka na!!"sigaw pa nila ako naman ay nakatingin lang...
'Thank you Lord! Thank you!! '
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

MM'S P.O.V
Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Teka! Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? Dahan-dahan kong iminulat ang Mata ko. At lumingon sa kanila
"Hoy! Huwag nga kayong maingay! May natutulog eh"sigaw ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin. Kita ko iyong gulat sa mukha nila.
"Meme!!!/ sis!!! Gising ka na!!"sigaw nila. Napakunot naman ang noo ko, ha? Bakit? Ano bang nangyari? Magsasalita na sana ako, pero natigilan ako ng biglang may yumakap sa akin.
"Salamat at gising ka na!! Namiss kita!!"sabi pa niya. Agad naman akong tumingin sa kanya. Umiiyak siya habang nakatingin sa akin..
"Tinakot mo ako ng sobra! Akala ko mawawala ka na sa akin!"umiiyak na sabi pa niya. Napalingon naman ako sa paligid, bago tumingin ulit sa kanya.
"Sino ka?"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora