CHAPTER 87

61 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Ilang linggo narin mula ng makalabas siya. Pero hanggang ngayon ang taray parin niya sa akin. Hindi parin kami, ay este..siya lang pala! Hindi parin siya pumapasok sa trabaho. Ako naman kasi balik trabaho na. At dahil nga wala siyang maalala! Pinalitan na siya sa movie. Movie sana namin! Hay! Buti na nga lang at si Tyrone ang pinalit at least hindi ko kailangan mailang o manibago.
"Lalim na naman ng iniisip mo ah! Siya na naman iyan no?"
Ngumiti na lang ako kay Tyrone
"Sino pa ba?"sagot ko. Inakbayan naman niys ako.
"Hay! Hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin ko sayo. Pero nandito lang ako! Kung kailangan mo"nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.
"Ikaw talaga!!"sabi ko pa habang ginugulo ang buhok niya.
"Uy ano ba! Maawa ka sa buhok ko!"pigil niya sa akin. Natawa naman ako,
"Ayaw na ayaw mo talagang ginugulo ang buhok mo no"natatawang sabi ko.
"Alam mo naman pala eh! Hayan tuloy gulo na!"nakangusongsabi pa niya. 
"Para kang sira! Hindi bagay sayo!"natatawang sabi ko. Napasimangot naman siya
"Ang hard mo talaga sa akin! Susumbong kita!!"parang-bata na sabi pa niya. Lalo naman akong natawa. Buti na lang talaga at narito itong lokong ito! 
"At kanino mo naman ako isusumbong? Kay sofia? Naku! Sasang-ayon pa iyon!"pang-aasar ko pa sa kanya. Lalo naman siyang sumimangot..hahaha! Tama po ang basa niyo! Ayos na po kaming tatlo. Alam din ni Sofia na ex ako ni Tyrone. Pero okay lang sa kanya iyon! Sa totoo nga siya ang dahilan kung bakit nagkaayos kami ni Tyrone eh. Basta kuwento ko sayo! Soon!
"Inang grabe ka talaga sa akin!! Pareho kayo ni Sofia!"parang nagtatampo pang sabi niya.
"Hahaha! Ganun talaga! Magkaibigan kami eh"sagot ko.
"Sa bagay! Magkaibigan nga pala kayo! Pareho kayong baliw eh!"sagot naman niya dahilan para hampasin ko siya.
"Anong sabi mo? Baliw kami? Hala ka! Sumbong kita sa kanya"pananakot ko pa. Nakita ko naman mukhang natakot siya.
"Ay! Huwag naman ganun! Lagot ako sa kanya eh! Ibang klase pa naman magalit iyon. Hirap suyuin! Alam mo naman"pakiusap pa niya. Natawa naman ako
"Hahaha! Takot ka pala eh"asar ko pa. Napakamot naman siya sa batok niya
"Sa kanya lang"sagot pa niya. Muli ko namang ginulo ang buhok niya. Masaya ako kasi tumino na ito! Nahanap niya ang katapat niya! Under eh! Hahaha!
"Ay! Sabing huwag ang buhok ko eh!"saway pa niya sa akin...

MM'S P.O.V
Nandito ako sa lugar kung saan nagsoshooting sina Alex at Tyrone. Hindi ko alam kung bakit din ako narito? Basta dito ako dinala ng mga paa ko. Pagkarating ko agad akong binati ng mga staff at iba pang artista na narito. Agad ko namang itinanong si Alex
"Si Alex nakita niyo?"tanong ko.
"Ayiiieee! Hinahanap!! Ang sweet"tukso pa nila. Napangiti na lang ako
"Hehehe, may kailangan kasi ako"sabi ko pa.
"Aysus! Palusot ka pa! Pero hayun! Nandoon siya sa likod! Kasama si Tyrone!"sagot naman ng isang staff. Agad naman akong nagpasalamat at dali-daling pinuntahan si Alex. Malayo palang tanaw ko na sila! Kitang-kita ko kung paano sila nagkukulitan. 
"May pagulo-gulo pa ng buhok! Grabe!"bulong ko pa habang nakatingin sa kanila.
"Kung makatawag sa akin ng Baby wagas! Tapos ngayon naman may ibang nilalandi! Kainaman! Ibang klase din itong babaeng ito eh! Ang sarap sabunutan! Tapos isa pa itong Tyrone na ito! Enjoy na enjoy din eh! Sarap sapakin! Kainis eh! Bakit ba kasi ako nagpunta dito? Hayan tuloy! Uminit lang ang ulo ko!"inis na inus na sabi ko pa habang nakatingin parin sa kanila. 
"Lapitan mo na kasi! Walang magagawa ang selos mo na iyan!"
Agad naman akong napalingon sa nagsalita, nakita ko si direk na nakangiting nakakaloko habang nakatingin sa akin.
"Uy! Direk! Nandiyan pala kayo!"sabi ko pa. Lumapit naman siya sa akin at tinapik ang balikat ko
"Oo! Kanina pa! Narinig ko nga ang mga pinagsasasabi mo diyan eh! Halatang selos na selos ka! Kaya mabuti pa ay lapitan mo na siya! Go!"utos pa niya sabay tulak sa akin.
"Aray naman direk! Makatulak wagas eh!"reklamo ko. Pero ngumiti lang siya at umalis na. No choice naman ako kundi ang maglakad palapit sa dalawang buwesit na ito! Sarap paghahampasin eh! 
"Ehem!"tikhim ko. Napalingon naman sila, 
"Baby?/ate MM!!"sabay nilang sabi. Ngumiti naman akong pilit. 
"Hello! Nakaistorbo ba ako?"tanong ko. Agad naman silang umiling
"Hindi naman po ate MM, nagkukwentuhan lang po kami"sagot pa ni Tyrone. Lihim naman akong napairat. Grabe! Nagkukwentuhan lang daw? Pero may paakbay-akbay pa! Tapos iyong isa naman may pagulo pa ng buhok!
"Okay ka lang po Ate MM?"biglang tanong ni Tyrone. Agad naman akong tumango
"Oo naman! Okay lang ako! Kayo ba okay lang kayo!? Good kung okay lang kayo! Masaya iyon! Okay tayong lahat"parang ewan na sabi ko pa.
"Hehehe! Oo nga! Masaya iyon"sagot naman ni Tyrone. 'Masaya ng mukha mo!' Ngumiti naman ako sa kanya
"Oo masaya iyon!"sabi ko ulit. 
"Bakit ka nandito?"tanong naman sa akin ni Alex. Aba! Parang ayaw pa niyang ako'y nandito ah! 
"Para dalawin ka! Bakit ayaw mo ba?"tanong ko sa kanya. Kita ko namang parang namula siya. Hayun! Kinilig ang bruha!
"Hehehe, gusto!"pabebeng sagot niya. Ngumiti na lang ako at inakbayan siya. Kita kong nagulat silang dalawa.
"Tapos na ba kayo? Tara uwi na tayo BABY"sabi ko pa. Sinadya ko talagang diinan iyong Baby! Para iparinig kay Tyrone. Nabubuwesit kasi ako eh. Ewan ko ba!!
"Ha? O-oo tapos na kami"sagot naman ni Alex. 
"Good! So tara na!"nakangiting sabi ko pa sabay hila sa kanya. Hahahaha...

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now